CHAPTER 16

151 3 0
                                    

Errors ahead
[!] Read at your own risk

Chapter 16

CARRIE POV:

Natapos rin ang event pasado alas 8 ng gabi. Ang sakit ng paa ko sa heels na soot ko kanina. Tsk! Dito kami ngayon sa hotel dahil pupunta raw kami mamaya sa bar. Nasa baba lang ng hotel. Okay lang naman kung di kami papasok.

Magkakapera ka lang pag may mag table sayo na costumer, sa drinks lang kukunin kita mo. Kung marami kang drinks na order dahil utos ng partner mo sa table ay marami kang list sa casher. Doon binabase kaso ang sahod mo sa drinks. Kung gabi-gabi rin ang labas mo kasama partner mo may 6k ka din makukuha next pasok.

Nasa bar na kami ngayon medyo wala ako sa mood gumalaw. Sakit kasi sa paa. Nangalalay eh.

Si agatha naman naka upo lang sa gilid. Nakasandal sa sofa. Parang natutulog. Okay lang naman posisyon niya may unan naman.

Habang kumakanta mga kasamahan nila Okinawa. Lumabas muna ako ng room at nag tungo sa CR. Pagkatapos, pumunta muna ako saglit sa dressing room kausapin ko lang si ate loisa

"Uy blue, wow ha. Grabi glow up" sabi ng isa sa mga babae dito

"Di naman" pa humble kong sabi

"Suuus di raw...alam mo ang swerte nyong dalawa ng kapatid mo. Matagal na sila okinawa at moto dito pero ngayon lang namin nakita na magta-table sila ng babae." Saad naman nung isa. Nilingon ko siya at nakita ko si Diane nakaupo tahimik lang sa tabi

"Ganun ba?" Yun nalang sagot ko.

Umalis na rin ako sa dressing room kasi wala don si ate loisa di ko nakita.

Habang naglalakad ako pabalik sa room sana. Nakasalubong ko si richard. May dalang isang malaking tray na may takip sa ibabaw na pabilog.

"Hi blue, ang ganda mo na ah. Mas lalo pang gumanda hehe" habang bitbit parin nya ang tray

"Salamat. Ano yan?" Turo ko sa dala niya

"Ahh ito..secret hehe sabay na tayo, sa room nyo naman ko to dadalhin." At naglakad na kami papuntang room.

Pagpasok ko. Nakita ko rin na natutulog parin si Agathat pero tahimik na. Wala nang ingay , walang kumakanta. At nakita kong may isa pang tray na may takip katulad ng dala ni ritz

"Ano yan?" Tanong ko kay Okinawa. Nagkibit balikat lang ang mokong.

"Surprise daw blue" sabi ng isa sa babaeng nasa room na ito

Nagpatuloy ako sa paglakad at umupo na rin. Narining kong ginising ni Moto si Agatha. Ang gumising naman pero inaantok pa. Siguro napagod to sa event kanina

Paano ba naman kasi kung saan pupunta si Moto andun dala-dala si agatha

"Guys, listen." Paninimula ni Moto at tumayo. "Alam kong di ito ang dapat na lugar o paraan na gusto nyo. Pero isa lang ang sasabihin ko at kay okinawa. Proud kami na nakilala namin si Agatha at Carrie." Naglakad si Moto sa harapan dala-dala ang tray na may takip. Ganun din si Okinawa

Nagugulan akong nakatingin kay Agatha at ganun din siya pero yun dalawa sa amin nakatingin. Tumingin ako sa ibang kasamahan at iminuwestra ako ng isa sa kasama nila Okinawa na pupunta sa harap. Hinila ko na si Agatha

"Ano to? Anong ibig sabihin nito?" Nakakunot ang noo ko. "Ano ba ang laman nyan?" Tinignan naman ni Okinawa ang tray

"Open it" sabi niya sabay tingin sa akin.

"Wait" pag pigil ni Moto. "Dapat sabay.. magbilang ako hanggang tatlo saka nyo buksan"

Nagtataka naman yung mga kasama naming babae kung ano ang laman kaya tumayo na rin sila at nakiusisa

"Umayos ka okinawa! Gagawin talaga kitang higanting ibon pag yan ang laman nyan ay ipis!" Sinigawan ko sya. Tumawa lang ang amaw

"Nope! I'm serious here, so...."

"1..."pag bilang ni moto "2...3.. open" sabay namin binuksan ni Agatha at nakakunot ang noo ko sa nakita ko. Tumili naman ang mga kasamahan namin

"Susi?" Sabay na bigkas namin ni Agatha.
"Moto, para saan itong susi?" Inosenteng tanong ng kapatid ko

Niyakap naman siya ni Moto at nagtilian ang ibang kasamang babae "awwww ang sweet mo naman moto" sabi sa isang babae

"Para sayo yan Agatha. Susi ng bahay yan" narinig kong sabi ni moto at nung bumaling ako sa kanila nakanganga si agatha na nakatingin sa akin, ganun din ako kasi pareho kami eh tas bumaling si agatha sa akin ulit.

"At yan? Para saan yan? Tanong ni agatha kay okinawa

"Susi din yan ng bahay. From now on, may bahay na kayo. Di man kalakihan pero atleast may privacy na kayong matatawag. At wag mag alala dahil magkatabi lang kayo ng bahay." Tinitigan ko si Okinawa ng matatalim na titig. At napansin yun nang lahat

"Diba sabi ko sayo, wag na? At ikaw naman Moto. Nagpadaldal ka naman?" Mahinang tanong ni ate.

"Aprreciate mo na yan blue." Tinitigan naman ni ate ang isa sa kasama namin.

"Appreciate? Yes, pwede naman pero di kaso ako katulad ng iba dito na pera pera lang talaga. Di kasi kami katulad ng iba dito na peperahan lang. Na pera lang ang kilangan natin dito na peperahan lang natin ang mga taong nae-table natin. Iba ako marie" bumaling ako kay Okinawa
Nakapamulsa nang nakatayo sa harap ko.

"Salamat dito pero diba sabi ko wag na? Sobra-sobra na binigay mo sa akin. Pera, shopping, make over..tapos ito pa, may pabahay. San ba to?"

"Sa d*ca homes don sa mactan. Malapit lang kayo sa mall. Pwede tricycle lang, one way lang"

"Kung plano nyo naman sana nasa isang bahay lang kami oki..bat kilangan pa namin magkahiwalay. Tsk!" Umupo na ako at sila nakatayo pa sa gitna.

Dinig kong sabi ni Moto "pag magkasama lang kayo sa iisang bahay asan din ang privacy namin pag bumisita ako kay Agatha?" Nakatingin na sa akin. Di na ako umimik

"Aalis na tayo mamayang 10pm kunin natin mga gamit nyo na nandon sa tinitirahan nyo. Tutulongan na namin kayo mag ayos sa gamit don sa bahay nyo" saad naman ni okinawa

Umupo na rin sila at nag inuman ulit. Maya maya ay nauna na kaming umalis sa mga kasamahan at nagtungo sa bahay na tinitirahan namin

Habang nagliligpit kami ng gamit. Nakita ko sa bag ko yung pera na bigay sa akin ni okinawa. Di ko pa kasi ginastos. May pera naman kami, kita sa pagba-bar namin tapos pag lumabas naman kami kasama sila may ibibigay din sila na pocket money sa amin ni agatha kahit alam nilang may pera pa kami

"Carrie, are you done?" Tanong ni Okinawa nang nakapasok na siya sa kwarto

"Kunti nalang..saglit lang" lumapit siya sa akin

"I'll help you so that we can leave now. It's almost mindight. Matutulog pa kayo"

"At kayo di matutulog?" Sagot ko ng pabalang..tsk

"Let's go. Nakikita kong napapagod na kapatid mo" lumabas na kami sa kwarto

Nasa sasakyan na pala sila Agatha at Moto kami nalang hinintay

"Inaantok na ako te, kapoya uy" pagreklamo ni agatha.

"Katug lang diha. Layo patag byahian" malayo pa kayo byahe namin kaya pwede pang matulog ng ilang minuto

-base on a true story
-open for critisism
-do not copy
-plagiarism is a crime

Thank you for reading my story might as well add it to you library.

Happy Reading

M.M💜

BOUND TO MAFIA #1: PROBINSYANA NA NAGING MAGDALENADove le storie prendono vita. Scoprilo ora