Chapter 5

5 3 0
                                    

Tama nga ang iniisip ko kanina. Si Mrs. Patricio ang adviser namin.

"Halos lahat ng transferees ay matatalino. At tiyaka, sa atin napunta. Alam mo naman paano gumawa ng seating arrangements si Ma'am. Sinabi na ni Ate Mei sa atin 'yon dati." Sambit ni Genesis habang may kinakain pang proven.

"Halos isang building ng Grade 11 meron ang school, bakit sa atin pa napunta!" Naiinis kong tugon.

That's the truth. Despite my growing frustration, I'm beginning to understand that this is really unavoidable.

Kumuha pa ako ng dalawang stick ng proven at sinawsaw ito sa baso ko na may suka.

"Why exactly are you so mad? It's not like someone else in our class will be better than you." Tugon naman ni Maya.

Napahinto sila sa pagkain at malalaki ang mga matang tumitig sa akin.

"You see Salvatore as competition for your class standing," sumubo si Maya ulit ng isang proven. "I saw his bag beside yours nung pumasok ako kanina! When was the last time we had that kind of arrangement?" Tumingin siya kay Genesis.

"Grade 8 kay Sir Patricio, anak ni Mrs. Patricio rin. Laging nasa dulo," aniya at tinuro pa ako. "Walang katabi, and tayo naman ang magkatabi." Dagdag niya.

No, I'm not threatened. Hindi pwede 'yon. Siguro sa una lang ito dahil finally may gustong makipag-agawan sa posisyon ko.

Oo, siguro ganoon nga.

Even if they want my ranking, that's fine with me.

I don't mind... a little bit.

"I don't know if I should be thrilled or frustrated that someone has your GWA's level, and it's weird because he was your final opponent years ago." Genesis commented while chuckling.

"Natalo ka niya!" Untag naman ni Maya.

I glared at her and she was laughing because of my expression.

"I was just distracted, okay? Kung hindi nangyari 'yon, nanalo na ako sa kaniya." Sabi ko.

"Baka masyado kang nag-iisip sa magiging grades mo? You've been doing good and enough, Audelia. Stop pressuring yourself, mag-enjoy ka muna." Babala naman ni Genesis sa akin.

Tama naman siya. Kailangan ko rin mag-enjoy at baka hindi ko na ito mararanasan sa college. I shouldn't be wasting all my energy in SHS.

I need to save up for college, balita ko kasi halos lahat na ng college student ay kung hindi burnout, napapagod nalang mag-aral.

I don't want to end up like that. Because this is just the beginning of proving something for myself.

Pagkatapos naming kumain ng street foods, naisipan ko nalang maglakad pauwi. Malapit lang naman ang pinagkainan namin sa village kung saan ang bahay namin.

Hawak-hawak ang plastic na may laman na soft drinks, pinagmasdan ko ang mga sasakyan sa daan. Kabi-kabila ang pagbusina ng mga ito sa kadahilanang rush hour na. A lot of students from various schools are also walking.

Napadaan muli ako sa parte ng isang kalye kung saan dagsa rito ang mga estudyante para kumain ng street foods. Compared to where we were earlier, this part of the street has some of the least expensive snacks and grilled foods. Most students from public schools show up here after class since it's much fairly close to their school.

Mas gusto ko rin dito, sa totoo lang. Pero kanina, iyon ang pinakamalapit sa amin kaya napag-desisyon namin na roon nalang.

As I was walking past all the food stalls, minding my own business. Suddenly, I heard a familiar irritating voice somewhere.

Binagalan ko ang paglalakad at nagkunwaring naghahanap ng makakain sa mga naka-display na pagkain sa stall na nasa harapan ko.

"Ano, pre? Maganda ba doon? Pakilala mo naman ako sa mga kaklase mong babae!" I heard one of the guys.

Dahan-dahan akong tumingin sa gawi kung saan ko narinig ang pamilyar na boses at nakumpirma ko nga na si Salvatore iyon.

Bakit ba hindi na umalis sa landas ko ang lalaking ito? Para akong tinetesting ng tadhana kung kakayanin ko bang may kalaban ako sa academics!

I saw him shake his head with a smirk in response to what the other guy asked him.

"Mabuti naman at nakabalik ka na ulit. It's been a year, pre! Good to see you." Sabi ng isang katabi niya at nakipag-handshake pa ito sa kaniya.

May kaibigan pa pala siya sa sobrang bitch face ng mukha niya kapag wala siyang kausap, ah!

"I kept Lala's promise. Kailangan ko rin, ang laki ng tulong na ibinigay niya simula nung..."

Hindi ko na narinig ang sunod na sinabi niya nang sigawan ako ng matandang nagmamay-ari ng stall na nasa harap ko.

"Ineng, may bibil'hin ka ba? Kanina ka pa nakatingin sa kabilang stall! Kung wala kang balak bumili, doon ka na!" Sigaw niya at pinapaalis na talaga ako.

Sa sobrang kaba ko ay napalingon ako sa dako ni Salvatore at nakitang nakatingin din siya sa akin!

Again, he had his poker face on, but this time he raised his eyebrows and saw his jaw clenched.

Shit, this is embarrassing!

Sinamaan ko ng tingin ang matanda. "Sungit mo, Kuya!" Bulyaw ko bago kumaripas ng takbo palayo kay Salvatore.

"Conzalaz!" Narinig ko pang tawag niya sa akin.

Sa inis ko ay mas lalo kong binilisan ang paglalakad.

You've got to be kidding me, he caught me! He caught me eavesdropping! This is so low of me. I should've kept minding my own business.

Umuwi ako sa bahay na sobra ang tagaktak ng pawis sa aking noo at leeg.

But what's shocking is that Kuya's here. Watching television while there's a handful of fries ready to reach his mouth wide open. Nakatitig lang siya sa akin.

Why is he here? Tanggal na ba siya sa trabaho?

Ilang segundo ko lang siyang tinitigan pabalik bago ko siya lampasan at umakyat nang narinig ko siyang nagsalita.

"You know it's disrespectful when you don't greet your older sibling?" Aniya, may sarkasmo sa kaniyang tono.

Mabibigat na paghakbang sa hagdan ang tugon ko sa kaniyang tanong.

He doesn't deserve the greet he wanted anyway.

After that long terrifying day, I've finally got to lay on my bed and close my eyes.

"Conzalaz!"

Mariin akong napapikit at hinilamos ang aking palad sa mukha.

Nakita rin ako ng iba niyang kaibigan. Ano nalang kaya ang sasabihin niya sa kanila?

He could say that I will be his worst enemy or the smartest in our class or maybe just another girl he'll compete again after years of him winning.

Thoughts about him spiral in my head. Kalat-kalat ang mga naiisip ko sa senaryo kanina.

Basta ang alam ko ay natatakot akong palitan niya ang pwesto ko.

No.

Napaupo ako at napahawak sa aking pisngi.

Did I just admit to myself that I'm afraid of him taking my place?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Invisible LineWhere stories live. Discover now