Chapter 17

31 5 3
                                    

Dave’s POV

Kanina pa nag-uusap sina Aling Roda at Gwen sa labas. Maya-maya pumasok na sila at nakita kong namumugto ang mga mata ni Gwen. Naawa ako sa nakita ko sa kanya. Malayong-malayo sa makulit na Gwen na nakilala ko. Dito ko nasabing hindi ko nga siya lubusang kilala at tama siya, hindi ko dapat siya hinusgahan.

“Nakahanda na ang kwarto, pwede na kayong magpahinga.” sabi ni Aling Roda. Iisang kwarto lang kasi ang bakante dito sa bahay nila Aling Roda kaya no choice kami ni Gwen kundi matulog sa parehong kwarto. Nauna siyang nagtungo sa kwarto, napansin kong pilay pa rin siyang maglakad, kaya humiram muna ako ng langis kay Aling Roda bago pumasok sa kwarto.

Pagpasok ko, nakita kong nakahiga na si Gwen,

“Sorry.”

sabi ko sa kanya pero hindi siya sumagot, kaya inalok kung hilutin ang paa niya bilang peace offering. 

“Okay na.” sabi niya pero nagpumilit pa rin akong hilutin ang paa niya. Habang hinihilot ko siya, este yung paa niya, naalala ko si Lolo Ricardo, ako kasi laging nanghihilot don kapag nirarayuma siya. “Ms. Gwen may sasabi….”

hindi ko na naituloy pa ang sasabihin nang mapansin kong nakatulog na pala siya…

I was about to tell stories but then she was asleep. Sayang magkukwento sana ako tungkol sa sarili ko as she always asking pero tulog na siya. Hindi ko alam pero bakit parang bigla na lang gusto ko siyang makilala ng lubusan at bakit gusto kong ipakilala ang sarili ko sa kanya? May part sa brain ko na nagsasabing ipakilala ko ang sarili ko sa kanya but then may part na nahihiya ako dahil hindi masyadong maganda ang pagkakakilala naming dalawa.

Sa sobrang pag-iisip ay nakatulog na lang din ako sa tabi niya… hindi ko na alam ang nangyari… Kinabukasan…. nagulat na lang ako sa malakas na sigaw at sunod-sunod na hampas ng kamay….

“Ano ba?” sabi ko.. noon ko lang napansin ang posisyon namin.. Nakadagan ang kaliwang kamay at paa ko sa kanya na mistulang magkayakap kami…

“Ahhhhh.” tili pa rin niya “Get off me.”

Bigla naman akong napalundag sa kama kasi kahit ako nagulat sa posisyon namin. “Sorry Ms. Gwen, malikot talaga ako matulog eh..”

“Hindi, sinadya mo yun, ang tipid mo kayang kumilos paanong magiging malikot ka sa pagtulog..” sabi niya.

“Hindi, hindi ko sinadya yun, hindi ko talaga alam.. Unconscious ako, oo tama, pag unconscious ako malikot ako.. Sorry.”

Matapos yung scene na yun ay tinawag na kami ni Aling Roda para kumain ng almusal.

    Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kami kay Aling Roda pabalik sa Maynila.

“Maraming salamat po sa pagpapatuloy at pagpapakain sa amin Aling Roda. Pakisabi na rin po kay Mang Kanor na umalis na kami.” wika ko.

“Walang anuman yun. Sige makakarating kay Kanor, ang aga niya kasing umalis eh hindi nagpasabi kung saan tutungo. Oh ikaw hija, ayos na ba yung paa mo?”

“Opo, maraming salamat po sa lahat Aling Roda.” sabi ni Gwen.

Paalis na kami sa baryo nila Aling Roda nang tumatakbong paparating si Mang Kanor..

“Bakit po?” tanong ni Gwen.

“Pinaki-usapan ko yung kumuha ng ani ko kagabi na hindi ko na ititinda sa kanila yung produkto ko, pumayag naman sila dahil di pa rin naman nila nababayaran ito. Pwede niyo nang ipadeliver sa inyo yung aning malagkit ko..” wika ni Mang Kanor.

“Talaga po? Maraming maraming salamat po Mang Kanor.” tugon ni Gwen na sobrang saya na sa sobrang katuwaan ay napalundag at niyakap pa ang mag-asawa..

Buti na lang at naging maganda ang punta namin dito… Hayyy parang tumatalon ang puso ko na makita si Gwen na masaya pero bakit????

pa vote at pa comment po.. pampagana... salamat...

Oh My Guard!Where stories live. Discover now