The Finale

52 7 9
                                    

Gwen's POV

      Pasado 5:00 am nasa airport na ako. Nakapag-check-in na rin ako at pumasok na ako sa boarding area. Pakiramdam ko ang bagal ng ikot ng orasan. Kanina pa kasi ako nakatitig sa wall clock na nakasabit sa harapan ko.

“Miss anong seat number mo?” biglang tanong ng isang lalaking tumabi sa akin sa waiting area.

Unti-unti akong tumingin sa kanya, “11-C” sabi ko.

“Magkatabi pala tayo miss, 11-B kasi ako.” sabi niya. “Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?”

“Gwen Tan.”

“I’m Yuan Park!” nice to meet you, sabay abot ng kamay niya.


Tumunog yung cellphone ko galing kay Audrey. Sinagot ko agad, pero natagalan bago nagsink-in sa akin yung sinasabi ni Audrey mula sa telepono.

     “Ano Audrey paki-ulit nga?”

     “Si Dave, 50-50, naaksidente siya habang papunta sa airport para habulin ka.”

     Biglang parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko, at isa lang ang naiisip ko ngayon, ang puntahan si Dave sa hospital. Habang palabas ako, hinarang ako ng mga guard, hindi na raw ako pwedeng lumabas dahil 5 minutes na lang raw ay aalis na kami.

     “Palabasin niyo ako, hindi na ako aalis.” pamimilit ko. Pero ayaw talaga ako palabasin.

Tumawag ulit si Audrey…

“Gwen, asan ka na?”

“Nandito pa lang…”

“Gwen, PATAY na si DAVE!”

“Hindi, hindi maaari, HINDIIIIIIIIIIIIII!!!!!!!!!!”

     “Hello Ms. Gwen,” sabi ni Yuan, “Gising ka, nananaginip ka! Malapit na tayong sumakay sa eroplano.”

     “Panaginip lang?” sabi ko. “No, hindi na ako aalis. Gusto ko pa siyang makasama.” tumakbo na ako palabas sa boarding area.

     Paglabas ko sa gate, nakita kong tumatakbo si Dave papalapit sa akin.

“Gwen!”

“Dave!”

     At sabay kaming tumakbo hanggang sa magtagpo kami sa gitna. Parang slow motion ang lahat, lalo na nung binuhat niya ako at ipinaikot-ikot.

“Dave, ibaba mo ako, nakakahiya!”

Pagkababa niya sa akin, niyakap niya ako ng mahigpit at nagsorry.

      “Patawarin mo ako Gwen, sana bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataong para magsimula muli,”

     “Oo Dave, kaya nga ako umatras sa flight ko para bigyan kita ng isa pang chance, dahil na-realize kong hindi ko kayang malayo sayo. Magpasalamat ka sa panaginip ko kaya nandito ako ngayon.”

     “Oo sobra ang pasasalamat ko sayo sa pagtanggap sa akin muli. Salamat din kay Audrey na siyang nagsabi na nandito ka ngayon. Simula ngayon mamahalin kita bilang yung totoong ako. Gusto kong patunayan kung gaano kita kamahal.”

     Hinawakan niya ang aking mukha at tsaka hinagkan ang aking mga labi. “Ito na ang simula ng magandang pagsasama natin Gwen, I love you!.” sabi niya.

     “I love you Dave, or should I  say Dale.” sabay tawa kami pareho.

      Umakbay na siya sa akin at naglakad na palabas ng airport yun naman ang oras na palipad na ang eroplano kaya tumingala kami ni Dale at kinawayan ang eroplano habang pataas na ito…

THE END……….


of book 1……. abangan ang book 2!


     Thanks for reading. I hope you enjoyed it a lot. Let me know your insights about my book or maybe some suggestions and comments. Please share it to others and don’t forget to vote.

     Again thank you very much for reading. 

     Special thanks to all who voted it and for those who commented also. Thank you for spending your spare time to read my book. Wait for its sequel. Bye bye.

Oh My Guard!Where stories live. Discover now