Chapter 10

1 0 0
                                    

Dave's POV

Ang tanga ko para isiping nakikipagdate si Gwen sa iba. Kung nabasa ko lang sana kaagad yung text niya. Pero ganun pa man hindi ko dapat siya hinusgahan.

Agad kong idinial yung number niya para tawagan at magsorry pero out of coverage yung cellphone niya. Naisip ko na baka tulog na siya at nagpapahinga na.

Pupuntahan ko na lang siya bukas?

***

Kinabukasan pumunta ako sa bahay nila upang maka-usap ko si Gwen. Pagkadating ko roon ay pinapasok ako ng kanilang guard sa loob ng bahay. Naabutan ko sina Lolo Carlito at si Tito Christopher na nag-uusap sa sala.

"Good morning po Lolo, Tito."

"Good morning naman!" sagot nilang dalawa.

"Pupuntahan ko po sana si Gwen." sabi ko.

"Naku, hijo. Kakaalis lang niya." sagot ni tito.

"Saan daw po nagpunta?" tanong ko ulit.

"Pupunta raw siya ng mall at bibili ng bagong cellphone kasi nabasa raw yung phone niya kahapon." sagot naman ni lolo.

"Kaya po pala hindi ko siya matawagan." sagot ko.

"Hindi ko nga alam kung bakit nabasa yun ng ulan. Hindi na rin namin siya natanong kanina dahil nagmamadaling umalis kanina. May ideya ka ba Dave?" tanong ni tito.

"Ang totoo po, naparito po ako para mag-apologize sa kanya. Medyo nagkasagutan po kasi kami kahapon habang nasa kotse kami. Nagpumilit po siyang bumaba sa kotse. Pagkatapos po noon ay bumuhos ang ulan. Binalikan ko po siya agad pero basang basa na po siya. Patawad po tito at lolo." daing ko.

"Apo, normal sa magnobyo at magnobya ang pagtatalo paminsan minsan. Pero dapat mas nananaig ang pag-uunawaan sa inyong dalawa." payo ni lolo.

"Salamat po lolo at tito sa pang-unawa. Sige po mauuna na po ako. Hahanapin ko na lang po sa mall si Gwen." panayam ko.

Gwen's POV

Habang nag-aalmusal..

"Dad, remember Yuan?"

"Yeah, yung mabait na batang tumulong sa atin sa airport."

"Opo, lumabas po kami kahapon para sa treat na promise niyo sa kanya."

"Oh that's great."

"Naikwento po niya that he is planning to put up his own reataurant. Just like me kulang pa rin po yung capital niya and he is looking for someone na makakasosyo niya sa business niya. He offered me if i'd like to, tutal restaurant din naman ang itatayo ko."

"So what have you decided?"

"Sabi ko po pag-iisipan ko pa po."

"I think maganda naman ang offer niya tutal pareho naman pala kayo ng hilig na business. I agree with that, anak."

"Salamat Dad! How about you lolo?"

"Masaya ako apo at kinailangan po pang kuhanin ang opinyon namin ng daddy mo kahit na hindi naman dapat. Para sa akin kung saan ka masaya doon din ako."

"Salamat po lo."

"By the way po pupunta po ako sa mall mamaya para bumili ng bagong phone, nabasa po kasi kahapon yung cellphone ko eh."

Tumayo na ako agad at nagtungo sa room ko para maligo at magbihis.

***

Dinaanan ko si Audrey sa kanilang bahay para naman may makakasama ako sa mall.

"Bespren samahan mo naman ako sa mall."

"Anong gagawin natin don? Di'ba kahapon lang nasa mall ka?"

"Wala nang maraming tanong. Magbihis ka na at pupunta tayo sa mall. Dahil hindi mo ako sinipot kahapon, you have no choice."

"Okay sige na. Hintayin mo ako dito maliligo lang ako."

After one long hour, sa wakas natapos din si Audrey magbihis.

"Let's go!" yaya niya.

"Hay, naku buti naman at bumaba ka na."

***

Tinulungan ako ni Audrey na pumili ng magandang cellphone. At nang makapili na ako ng phone na gusto ko binili ko na ito. Sa wakas mailalagay ko na rin yung dati kong sim. Baka kasi marami nang nagtext doon. Bigla ko tuloy naisip si Dave. Nagtext kaya siya o kaya tumawag sa akin???

"Hey bespren nakabili ka lang ng phone tulala ka na diyan?" -Audrey

"May iniisip lang ako.. Tara meryenda muna tayo."

"Teka bakit nga ba hindi si Dave ang niyaya mo ngayon?"

"Naku mahabang istorya... order muna tayo tsaka ko na ikukwento sa'yo."

Habang kuamakain kami ni Audrey ay ikinuwento ko sa kanya ang nangyari sa amin ni Dave kahapon.

"Sorry bespren kung dumating lang sana ako kahapon eh di hindi sana kayo nag-away ni Dave."

"Bespren naman. Wala kang kasalanan dun. Pero sayang din at hindi mo nakilala si Yuan kahapon."

"So balak mo talaga kami i-blind date kahapon?"

"Oo bespren ganun nga sana."

"Naku bespren wrong timing yang blind date mo."

"Bakit naman? May bf ka na ba?"

"Oo bespren, sinagot ko na si Mark. Yung batchmate natin na nanliligaw sa akin noon pa."

"Ahaha naawa ka na sa kanya kaya sinagot mo na ano?"

"Hindi naman awa ang dahilan bespren. Nakita ko talagang sincere siya sa akin kaya sinagot ko na."

" Well happy ako sa inyo. Alam ko namang mabait yung Mark na yun kahit minsan ay weird siya."

"Wait si Dave ba yun?" sigaw ni Audrey.

Unti-unti akong lumingon sa likuran ko at nakita ko nga si Dave na papalapit sa table namin.

Habang papalapit siya ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Siguro kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya ngayon. Magagalit ba siya ulit o hihingi na siya ng tawad dahil narealize niyang mali siya.

Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala siya. Hinawakan niya ang mga kamay ko habang hindi maalis ang mga mata niya sa mata ko.

"Sorry for everything! I'm just a fool to think that you can date some other guy. I'm really sorry!"

Medyo nagblush ako at sa loob ko ay parang may kung anong saya akong naramdaman.

"It's okay babe! I'm happy that you have realized what you have thought wrong about Yuan and I. May isa lang sana akong hihilingin."

"Anything!"

"I want you to apologize to Yuan."

Nakita ko sa kanya ang pagkagulat. Hindi naman sa sinusubukan ko siya pero kung talagang sincere siya sa paghingi ng tawad ay gagawin niya ito.

"Of course babe! I was about to tell you that. Pwede mo ba siyang i-contact para makapagsorry ako personally?"

Lalo akong natuwa sa mga sinabi niya.

"Sure babe, I was also planned to meet him this weekend!"

Nanlaki amg mata niya..

"For what?"

"For some business matters. Tsaka mo na malalaman babe. Besides, kasama naman kita sa weekend."

"Okay sabi mo eh" sabay smile ng konti.

"Naku, ang sweet niyo naman. Nakalimutan niyo yatang nandito ako oh." "Hello Audrey andito ako".. pabirong sabi si Audrey sa sarili.

Oh My Guard!Where stories live. Discover now