/20/ Stargazing

63 6 0
                                    

"A-anong ibig nyong sabihin?" Ako ang unang pumagitna sa kanila.

"Hindi ko na kaya! Ayoko-Ayokong
makitang nasasaktan kayong dalawa ng dahil sa'kin!"

Gaya ng tanong ko kanina, anong ibig nyang sabihin? Naguguluhan ako.

"Fake lang ang lahat, hindi totoong may amnesia si Kiefer, ako ang nag-utos sa kaniya na kalimutan ka nya, Kylie. H-Hindi ko naman expected na sa ganito kayo aabot!" pagpapaliwanag ni Ma'am Lauren na ikinanlaki ng mata ko.

Pinahid ko ang mukha ko at marahang tumingin kay Kiefer na ngayon ay hindi
magawang makatingin sa'kin.

"Kilala mo ba sya?"

"Hindi."

"Hindi ako naniniwala, Kiefer. Alam kong naaalala mo ang babaeng 'to."

"Hindi nga sabi—"

"Sa oras na malaman ko ang katotohanan, huwag mo ng asahan na may magandang mangyayari kay, Kylie. Ngayon gusto mo bang isalang pa kita sa lie detector test?"

Umiling si Kiefer.

"Then, magpanggap ka na wala kang naaalala, make them realize na wala na silang lugar sa buhay mo, kalimutan mo na sila, lalo na si, Kylie."

"P-pero?" Hindi ako makapaniwala. Ngayon napag-isip isip ko, worth it nga ba lahat ng ginawa at napagdaanan namin?

"I'm sorry, Kylie. I'm sorry kung nasaktan kita!" biglang lumuhod si ma'am Lauren sa harapan ko habang humihikbi.

"Wala po kayong kasalanan, ang totoo ako po dapat ang mag sorry," hinawakan ko ang pisngi nya, "sorry kasi nagulo ko 'yung buhay nyo."

Umiling lang si ma'am Lauren at niyakap ako.

"Ngayon naiintindihan ko na, sa tingin ko sapat na ang mga ginawa mo para mapatunayan na mahal mo talaga ang
anak ko," saad ni ma'am Lauren.

Hindi ko ma-imagine na ganito pala ang yakap ng isang ina? At kay ma'am Lauren ko pa mismo na-experience 'yon.

Bumitaw na kami kaya naman nabaling ang tingin ko kay Kiefer.
"Hoy, Kiefer!" pagtawag ko.

"B-Bakit?" Luminga linga si Kiefer habang hindi nakatingin sa'kin.

"Baliw ka talaga kahit kailan! Sinayang mo lang 'yung luha ko!" sigaw ko at sinunggaban si Kiefer.

Ngayon, wala ng sakit, wala na akong maramdaman na paghihirap kasi alam ko na nasagot na ang mga hinihiling ng bawat isa. Sa huling pagkakataon, napatingin ako sa kalangitan. Nagulat ako ng makitang hindi na nag-iisa ang bituin sa itim na langit, marami na sila.

At ngayon, napahinga ako ng maluwag.

Ang totoo nyan, the game is over, hindi man naaayon sa kagustuhan ko, ang alam ko masaya akong nabubuhay sa mundong 'to.

Hindi para kamuhian ko ang salitang love, kun'di ang maranasan ang bagay na yon.

***

"Sasabihin na ba natin?"

"Nasaan ba kasi si Xavier? S'ya dapat yung magsasabi 'diba?"

"Sandali, hintayin nalang natin si Xavier, nag lalandian pa 'yung dalawa oh."

Nabaling ang tingin nila kila Kiefer at Kylie, hindi kasi sila matigil sa pagbabangayan.

Parang mga bata ang inaasta ng dalawa, pero sa kabila ng lahat ay nagawa nilang ipaglaban ang salitang love.

"Pero seryoso, na-appreciate ko 'yung mga efforts nyo." Biglang sumeryoso ang tono ng pananalita ni Kiefer.

"Mabuti naman, baka mabatukan pa kita kapag tuluyan mo kaming kinalimutan," sagot naman ni Kylie.

That One Girl (Completed)Where stories live. Discover now