Epilogue

83 8 0
                                    

[One Year Ago]

Sinasabing ang buhay ng tao ay isang regalo mula sa Kaniya. Pero sa kabila ng lahat, masasabi kong nagawa kong baguhin ang takbo ng buhay ko. Sa simpleng tao na mga nakilala ko, sa mga iba't-ibang bagay na sumubok sa bawat pagkatao ko. Masasabi kong, kahit sa isang araw na gumising ako, alam kong naging masaya ako.

"Wow, seryoso tayo ngayon ah? Biglang may umakbay kay Kylie.

"Justin, tigilan mo nga ako!Andami-dami ng nangyari pero 'yung ugali mo gano'n parin." Napabusangot si Justin ng sabihin 'yon ng dalaga.

"Edi sorry na!"

"Basta manahimik ka nalang sa tabi."

"Para naman akong aso no'n!"

"Mukha ka naman talagang aso."

Parehas silang natawa samantalang bahagyang tumingin si Justin sa kinaroroonan ni Kiefer.

"Pa'no naman ako, Kylie?" Sandaling lumungkot ang presensya na namamagitan sa kanila.

"Darating din ang para sayo, Justin. Gusto ko ring mag sorry."

"Sorry? Para saan?"

"Kasi hindi kita pinili. Ikaw 'yung laging nad'yan para sa'kin pero si Kiefer 'yung nagustuhan ko—"

Matamis na ngumiti si Justin.
"Tama ka, darating din ang para sa'kin, at sisiguraduhin kong mas maganda sya kaysa sa'yo!" Biglang tumakbo papalayo si Justin ng makitang nanlilisik na ang mata ni Kylie.

"Hoy, Justin! Bumalik ka dito!" sigaw ni Kylie.

"Masyadong high blood ang isa dito, Kycine multuhin mo naman ang friend ko." Sandaling napatigil si Kylie ng mapagtantong nasa harap pala sila ng puntod ni Kycine.

Death anniversary kasi nito.

Nakakalungkot mang isipin pero nagtapos na ang lahat, at nagtapos ito kay Kycine.

"Kimmy! Huwag ka ngang magbiro ng ganyan!" suway ni Kylie kaya naman nanahimik nalang si Kimmy.

"Sorry na girl!" Itinaas ni Kimmy ang kamay bilang pag-suko.

"Anyways, maiwan na muna kita, hahanapin ko lang si Mark."

Biglang hinawakan ni Kylie ang braso ni Kimmy kaya naman natigilan ang dalaga.

"Anong meron sa inyo ni Mark?" tanong ni Kylie na nagpamula sa pisngi ng dalaga.

"W-wala, ang issue mo naman, Kylie!"

Bigang tumakbo papalayo si Kimmy na para bang may tinatakasan.

Natawa nalang si Kylie sa gilid. Natutuwa sya kay Kimmy, masaya syang makitang masaya ang kaibigan nya sa isang lalaking para sa kaniya.

Mula naman sa 'di-kalayuan ay napatingin si Kylie sa ibang mga kaibigan. Sina Angela, Claire at Khean na pawang nagtatawanan.
Si Kiefer na nakatanaw sa kawalan.
Si Justin na nakikinig ng music sa gilid at sina Kimmy at Mark na magkayakap.

Sapat na kay Kylie na makitang maayos at walang pagbabago sa mga kaibigan. Pero ang hindi nya maintindihan, ay kung bakit wala si Xavier?

Humarap sya sa puntod at kina-usap ang dating kaibigan.

"Kycine, ako na ang humihingi ng sorry para sa hindi pagdating ni Xavier, baka kasi busy. Kycine, alam mo ba na maayos na ang lahat, si Tita Lauren, hinahayaan nya na ako na makituloy muna sa mansion nila, nasa jail pa kasi si lolo. Pero alam mo? Malaki na ang ipinagbago naming lahat, nagbago na si tita, si lolo, at... Ako."

"Magkasama naming hinaharap ang lahat, naaalala mo ba 'yung mga araw na iniligtas mo kami ni Kimmy? Inayos mo pa nga yung nasirang buhok ko 'diba?"

Hindi mapiglang hindi malungkot ni Kylie habang hinahawakan ang
puntod ni Kycine.

That One Girl (Completed)Where stories live. Discover now