XI.

423 88 8
                                    

RUN IN THE WILD

Chapter 11: Alarums ​and Excursions

Hindi ko alam kung ano ang kanilang ginagawa pero sabi nila sa ‘kin ay kailangan ko raw sumama sa paglalakbay nila.

Alam ko naman ‘yon dahil iyon ang sabi ng reyna, ngunit kailangan kong malaman kung para saan ba itong paglalakbay na ‘to. Para naman may clue ako kung ano‘ng mangyayari sa amin, hindi ba? Tsk.

“Can you just tell me, what’s going on here?” I asked Caspian who is busy playing with his hair. Mukha siyang abnormal tingnan sa ginagawa niya.

Abnormal na guwapo.

Hala! Ano ba itong pinagsasabi ko sa aking isipan?! Nako, nako, Fia! Gumising ka!

“Hindi ko rin alam! Basta ang sabi lang sa ‘kin ni Engrid pupunta raw tayo sa hometown ng babaing nagpalaganap ng sumpa!” he just answered.

Napatingin nalang ako sa paligid. Naglalakad kasi kami sa lugar na hindi ko alam. Busy sina Engrid, Rhenouis, at Aideniel sa kani-kanilang mga ginagawa, habang ako ay nahihiwagaan pa rin dito. Ito ba ‘yong quest na sinasabi ng reyna? Magsisimula na ba ‘to ngayon na? As in?

“Sinong babae?” takang tanong ko sa kaniya ngunit nagkibit-balikat lang ito. Inirapan ko nga ang g*go.

“Guys, nakita ko na ‘yong lagusan!” Napatigil naman kaming lahat nang sumigaw si Rhenouis.

Agad kaming napalingon sa direksiyon ni Rhenouis, at saka tumatakkbong nagtungo roon.

Napatigil naman kaming lahat nang makita namin kung anong lagusan ang sinasabi niya.

Ang laki...

Literal akong napanga-nga dahil sa laki ng punong ito. Hindi mo makikita ang dulo nito, sapagkat napakatayog nito. Mas maliit nga rin ako sa mga ugat nito, kailangan ko pang tumuntong sa isang silya para lang makatapak doon... ngunit wala namang silya kaya hindi ako makaakyat. Tsk.

“Pumasok na tayo!” masayang sigaw ni Rhenouis, saka lumutang nalang ng parang may bumitbit sa kaniyang mga engkanto.

Gano’n din naman ang iba, isa-isa silang nakaapak sa malaking ugat, habang ako nama’y nakatunga-nga lang na pinagmamasdan sila.

Nakita ko namang inilahad ni Caspian ang kaniyang kanang kamay, kaya hinawakan ko na ito, at hinigit naman niya ako paitaas.

“You’re welcome!” Hindi pa nga ako nakakapag-thank you, nagpasalamat ng ang eng-eng. Napakayabang talaga ng isang ‘to. Tsk.

I just move my eyes in circular motion. Halata namang ‘di nagustuhan ‘yon ni Caspian kaya sumimangot siya.

“Dito tayo!” usal ni Rhenouis, at itinuro ang malaking butas na nasa pinakailalim ng ugat.

Tumalon naman kami paibaba, at tiningnan ng mabuti ang malaking butas na ito.

Ang dilim sa loob, hindi mo talaga maaninag kahit na may kaunting siwang ng ilaw na galing sa araw.

Naglakad naman ako patungo roon. I narrowed my eyes into slits while adjusting my sight, just to see what’s inside of it.

Kita ko naman sa peripheral vision ko ang pag-iling-iling ni Rhenouis, kaya medyo nagtaka ako sa kaniyang ikinilos.

Nilingon ko naman silang lahat, ngunit bago pa ako tuluyang makalingon ay walang pasabing itinulak ako ni Caspian papasok doon sa malaking butas ng puno, kaya ang ending namudmud ang mukha ko sa lupa. Ano bang problema niya?!

Wight In CardinalWhere stories live. Discover now