Part 7

194 12 4
                                    

Lexa

Nakahinga ako ng maluwag dahil pagkatapos kumain ng tanghalian ay natulog lang ang bruhang si Maze. Masakit panigurado ang ulo niya dahil sa alak at sa kung anong ipinainom sa kanya ng nobyo niyang si Xavier.

Naglaho na ang kung ano mang paghanga na meron ako sa lalaking yon. He seems like a very nice boy, but appearances can be really deceiving. Sana alam ni Maze na may tinatagong kasamaan ang boyfriend niya.

" Mukhang approved ang luto mo kay Seniorita Maze' Lexa, kumain eh." tukso ni Ate Marie sa akin.

" May hangover lang yon Ate kaya nagustuhan ang nilaga at may sabaw." pero si Nanay ang nagturo sakin magluto kaya alam ko din naman na masarap iyong luto ko.

" Hindi rin, pihikan ang panlasa ng batang iyon Lexa. Kapag ayaw niya, may hang over man siya o wala hindi niya kakainin. Kaya very good ka. " napakibit balikat nalang ako.

Baka nga namana ko kay Nanay ang husay niya sa pagluluto.

Bangdang hapon ay nag advance reading ako sa mga upcoming lessons namin sa school, natapos na kasi namin nila Ate Marie ang mga gawaing bahay.

Naihanda ko na pati ang mga ingredients ng lulutuin ko sa dinner ni Maze.

" What are you doing?" napahawak ako sa puso ko sa biglaang pagsulpot ng bruha. Nahanap niya pa ako samantalang nasa bandang likod na ako ng bahay nila.

" Nagbabasa lang, Seniorita." huli na bago ko narealize ang tinawag ko sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay.

" Don't call me that.." anya

" Sorry naman, diba ganon naman ang tawag sa mga kagaya mo na anak mayaman." lalong dumilim ang anyo ng bruha.

" Just call me Maze.." bored na sagot niya.

" Okay fine, Maze... Happy?" inikutan niya ako ng mata saka nag walk out.

Kita mo ugali ng babaeng yon.

Mabuti nalang talaga at napakalaki ng bahay ng bruha, bibihira magkrus ang landas namin.

Bandang seven ng gabi ay ipinaghain ko na ito ng dinner. Himala daw na hindi ito gumala sabi nila Ate Marie. Baka pagoda pa ang Lola nyo.

" Have you eaten your dinner?" tanong niya. Gulat man ay maayos ko siyang sinagot.

" Kakain palang din kami nila Ate Selya." sagot ko.

" Join me then.. Sinasabayan ako kumain ni Nanay Daisy." nasabi nga yon ni Nanay.

Ayoko man sana pero parang naririnig ko ang boses ni Nanay, " Kawawa naman kasi ang batang yon, mag-isa lang siyang kumakain. "

" Sige na nga.. " umalis ako saglit para kumuha ng plato. Nakihingi narin ako ng ulam namin nila Ate Selya na adobo. Nagdala din ako ng kanin. Si Maze kasi steak at salad ang pagkain.

Nag umpisa na kaming kumain. Napansin ko na nakatingin siya sa plato ko.

" Gusto mo ba ng adobo?" tanong ko.

Hindi ito sumagot pero tila nag iisip  ito.

" Fine, just a little, parang sarap na sarap ka kasi dyan sa kinakain mo." anya.

Sus! Kunyare pa ang bruha, natakam lang sa adobo ko.

Inilapit ko sa kanya ang bowl ng ulam. Naglagay naman ito sa sariling plato ng isang hiwa ng  adobong baboy.

Ipinagpatuloy ko na ang pagkain. Maya maya ay inilapit nito sa akin ang kinakain niyang steak.

" You can have the rest. Pero pahingi pa ulit ako ng adobo." napangiti ako.

Loving Miss VixenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon