Chapter 10

76 5 2
                                    

LEXA

Ang tanga tanga ko talaga, I know Maze was up to something, too bad I fall for it, after niya ako pahiramin ng damit saka ibili ng ulam sa lunch akala ko talaga may kabaitan siya sa katawan, pero hindi paman natatapos ang araw, binasag niya na agad ang kaunting pag-asa ko na tao siya. She's not, demonyeta siya, she and her friends.

I saw her waiting outside the Campus, uwian na kasi namin. Madalas niya akong isabay sa paguwi kapag ganitong magkapareho natatapos ang subjects namin.

Nilagpasan ko siya. Bahala ng maglakad ako pauwi.

"Lexa, oh, common. I told you already, I have nothing to do with it.". Hindi ko siya pinansin.

She has everything to do with it. Mga kaibigan niya ang mga iyon. Nagpatuloy ako sa paglalakad.

Nagulat ako nang tumigil ang kotse niya sa tapat ko mismo, saka bumukas ang isang pintuan doon.

"Sakay!" mataray niyang sabi. "You work for me, so dapat mo akong sundin. Sakay!"

Aba't ang malditang babaeng ito. Hindi nalang umuwi kung gusto niyang umuwi. Padabog akong sumakay sa kotse. Saka siya inirapan.

Pareho kaming walang imik hanggang sa makarating sa bahay nila. Padabog niyang isinara ang pintuan ng makababa siya. Oh, tapos?

Napatingin ako kay Kuya Mike.

" Pasensiya kana Kuya." hinging paumanhin ko.

" Nag away ba kayo ni Miss Maze, Lexa? Ginalit mo yata. Antagal pa naman niyang naghintay sayo kanina, sa labas ng school niyo." nagulat ako sa sinabi ni Kuya Mike.

Hindi ugali ni Maze na maghintay sa iba. She hates waiting.

Bigla tuloy akong nakonsensiya. Nagpalit nalang ako ng pambahay saka inasikaso ang hapunan niya. Si Ate Marie ang tumawag dito ng matapos kung maihanda ang table.

" Nakabusangot ang Prinsesa pero bumaba naman, ayon at nasa hapagkainan na." si Ate Marie.

" Nag away yata sila ni Lexa eh. Kaya mainit ang ulo." ngingiti ngiting sabi ni Kuya Mike. Kasalukuyan din kasi kaming naghahapunan.

" Kahit naman walang kaaway ang batang yon, napakabugnutin. Pinaglihi yata sa sama ng loob. " tugon naman ni Ate Selya.

Totoo din.

Pinili ko nalang manahimik. Pagkatapos ko kumain, tinignan ko ito sa dinning. Wala na ito doon. Kaunti lang ang bawas ng pagkain niya. Niligpit ko nalang ang mga iyon. Pagkatapos, inasikaso ko ang mga assignment ko.

Napansin ko ang oras, lumabas ako ng kitchen at pinagtimpla si Maze ng gatas.

Peace offering ba yarn, Lexa?

Baka kasi wala naman talaga itong alam sa ginawa ng mga kaibigan.

Kumatok muna ako at baka magtranform na naman siya kapag bigla nalang akong pumasok sa kwarto niya.

" Yes?, come in." narinig kong sagot niya.

Pinakatitigan niya ako ng tuluyan akong pumasok sa kwarto niya.

Nilapag ko ang baso ng gatas sa bedside table niya. Wala kaming imik pareho. Tumalikod na ako at lalabas sana nang magsalita ito.

" I believe you, yong tungkol kina Xavier at Lauren, I know it's true." napamaang ako, kaya nilingon ko siya.

Hindi nakaligtas sa akin ang lungkot na nagdaan sa maganda niyang mukha pero saglit lang yon.

"What? You can say now, I told you so." Dagdag pa niya.

Loving Miss VixenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon