Chapter 10

1.5K 31 1
                                    

Levana Hera Nyx's Point of View

"Levin, kailangan kong mauna ngayon. Maraming gagawin sa opisina. Ikaw na muna ang bahala rito sa bahay. Kailan lang talaga na maaga ako ngayon."

"Opo, Ate. Ako na ang bahala. Alis kana," aniya at busy kumain ng pancit canton habang nanonood ng TV.

Wala siyang pasok ngayon dahil nga may outing ang mga teachers niya kaya hayan, hayahay siya ngayon.

"Mag-iingat ka rito, huwag magpapapasok ng kung sino-sino lalo na kapag hindi mo kilala."

"OA mo talaga, Ate. Ingat ka po and pakisabi kay Kuya Thunder, laro kami ng basketball bukas," saad niya kaya napagbuntong hininga na lang ako.

Akala mo naman kung sinong hindi OA, siya nga itong masugatan lang ako ng kaunti ay halos isugod na ako sa hospital dahil sa pag-aalala niya. Mana rin naman siya sa akin.

Iniwanan ko na lang siya ng one hundred pesos na panggastos niya mamaya para sa tanghalian bago umalis.

May bagong project ngayon ang agency at may photoshoot naman si Thunder kaya busy ang mga tao ngayon sa opisina. Halos wala na ngang pahinga dahil sa sobrang busy.

Pagkarating sa kompanya ay wala namang nagbago, ganoon pa rin ang pakikitungo nila sa akin. Pero ang kaibahan lang ay wala na si Julia rito kaya wala nang physical bullying na mangyayari sa akin. Sana nga ay wala na.

Masaya ako kasi kahit papaano ay medyo naging tahimik na ang buhay ko. Puro tinginan na lang.

"Hey, baby!" Bati sa akin ni Thunder at ngumiti pa.

Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa kan'ya ngayon at nakangiti siya, iba ang ngiti niya na para bang may gagawin siyang masama. Well, lagi naman.

"Good morning, Sir."

"Dalawa lang naman tayo rito. Why don't you call me by my name?" Nakangisi niyang tanong ngunit umiwas lang ako ng tingin.

Hindi ko matagalan ang titig niya sa akin, para akong hinahalukay at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay. Dapat ko na bang sanayin ang sarili ko?

"All right, I understand. I have to tell you something nga pala," aniya.

"Ano po 'yon, Sir?"

"I decided to court you," sagot niya kaya napamaang na lang ako.

Ano raw? Parang nabingi yata ako.

"Po? What did you say?"

"I said, I decided to court you. Alam ko naman na wala ka pang nararamdaman sa akin kaya liligawan na lang kita para magkagusto ka sa akin. This is not easy for me because this will be the first time that I'll court a woman, but for you, I'll do anything," saad niya.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o irereact ko sa sinabi niya. Kita ko sa kan'yang mukha na seryoso siya sa sinabi niya. Dapat ko ba siyang payagan? Hindi ko ini-expect na sasabihin niya ito sa akin ngayon.

"I don't know what to say, Sir."

"You don't have to say anything, baby. Nagpapaalam lang naman ako sa iyo at kahit pa ayaw mo ay gagawin ko pa rin because that's what I want," aniya kaya wala sa sariling napatango ako.

"Uhmm, you have a photoshoot pala ngayong umaga."

Kailangan kong ibahin ang topic namin at baka kung saan pa mapunta. Hindi ako handang pag-usapan ang ganitong bagay.

"Fine, you'll come with me then," aniya.

This will be the first time na isasama niya ako sa photoshoot niya. Usually kasi ay siya lang talaga at iniiwan ako sa table ko. I don't know why but nai-excite ako dahil isasama niya ako ngayon.

Ferrer Series #2: Loving You, Secretly✓Where stories live. Discover now