Chapter 14

1.2K 29 0
                                    

Levana Hera Nyx's Point of View

"Where do you want to go?" Tanong ni Thunder habang sinusubuan ko siya ng pagkain. Akala mo walang kamay kung magpasubo sa akin ng pagkain.

Hanggang ngayon ay nakaupo pa rin ako sa kaniyang kandungan. Medyo naiilang na nga ako lalo pa at hinihimas niya ang aking bewang. Nagbibigay kasi ito ng kiliti sa akin. Sa tuwing inaalis ko naman ang kaniyang kamay ay nagagalit lang siya at ibabalik ulit kaya hindi ko na lang ito pinansin.

"Hindi ko rin alam. Ikaw naman ang nag-aya nitong date natin kaya ikaw na lang ang mag-isip."

"Baby, this is our first date as a couple. This should be memorable," ungot niya.

"Wala kasi akong maisip na gusto kong puntahan, Thunder."

"How about we will go to my parent's house na lang?"

"Ha? Ayaw ko!"

Hindi pa ako handang makilala si Mr. and Mrs. Ferrer as Thunder's girlfriend. Baka kasi hindi nila ako magustuhan. Baka ipagtabuyan nila ako katulad ng mga pinapanood ko. Hindi ko iyon kaya. Masyado ko na talagang mahal si Thunder at hindi ko siya kayang layuan.

Baka totoo iyong mga napapanood ko. Bibigyan ako ng pera para palayuin sa anak nila kasi mahirap lang ako at pangit pa. Kaya hindi pa ako handang makilala sila bilang girlfriend ni Thunder.

"Baby, are you okay?" Nag-aalala niyang tanong.

"Yeah, ayos lang naman ako. Bakit mo naitanong?"

"You spaced out, baby. Are you thinking something? Or someone perhaps, maybe a guy?" Biglang dumilim ang kaniyang awra dahil sa huling tanong.

"Hindi, ano ka ba?"

Hinawakan ko ang pareho niyang pisnge bago kinintalan ng maliit na halik ang kaniyang ilong. Bumalik sa masayang awra ang kaniyang mukha kaya napahinga na lang ako ng malalim Abnormal talaga.

"Iniisip ko lang na baka hindi ako matanggap ng parents mo. Alam mo na, pangit ako at mahirap pa kaya baka itaboy nila ako at ipalayo sa iyo."

"Baby, hindi ganoong tao ang parents ko. Supportive sila sa kung ano ang gusto naming magkakapatid," aniya.

"Sigurado ka bang matatanggap nila ako kahit ganito lang ako?"

"Oh, trust me. Matagal ka na nilang gustong makilala bilang girlfriend ko," he said.

"Puwede bang sa ibang araw na lang tayo pumunta sa parents mo? Nahihiya pa kasi ako. Mag-iipon lang muna ako ng lakas ng loob."

"Okay, if that what my baby wants," he said softly.

Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa matapos. Dito na rin siya naligo. May baon na damit ang loko, laging handa talaga. Sa mall na lang namin naisipan na magdate. At habang naglalakad kami ay ramdam ko ang mga tingin na ipinupukol sa amin ng mga tao.

Sino nga ba ang hindi? Sobrang pogi nitong kasama ko at ako naman ay parang losyang dahil sa ayos ko. Idagdag mo pa na hawak niya ang aking bewang, kulang na lang ay yakapin niya ako dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Nahihirapan tuloy ako huminga.

Pumunta kami sa bilihan ng damit at nakahawak pa rin siya sa akin. Para bang ayaw niya akong bitawan.

"Thunder."

"Hmm? Yes, baby?" Tanong niya at patuloy sa pagtingin sa mga dress na nasa harapan namin.

"Puwede bang bitawan mo ako kahit saglit lang? Kanina pa kasi tayo pinagtitinginan ng mga tao."

"Don't mind them, baby. Inggit lang sila dahil guwapo ang kasama mo," sagot niya at nilingon ako.

"Yabang mo talaga."

Ferrer Series #2: Loving You, Secretly✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon