Chapter 20

1.2K 23 0
                                    

Levana Hera Nyx's Point of View

"Fuck! Bakit ba ganito ang suot mo? Look at your gown, it's too revealing. Damn, baby, baka mapaaway ako mamaya sa party," parang batang ungot ni Thunder. Hindi ko tuloy alam kung nagustuhan niya ang suot ko o hindi.

Kanina pa siya gan'yan. Pagkatapos kasi niya akong purihin kanina ay biglang nandilim ang kaniyang awra at kung ano-ano na ang sinabi. Kesyo masyado raw akong maganda, kesyo baka raw may pumorma sa akin sa party, kesyo makahanap daw ako ng iba kasi sobrang ganda ko at kung ano-ano pang wala namang katuturan.

Gusto ko na nga siyang batukan dahil naririndi na ako pero hindi ko na lang ginawa. First time ko lang siya makitang ganito, tipong wala namang lumalapit na lalaki sa akin pero nagseselos na kaagad siya. Ilang beses ko na rin siyang sinabihan pero hindi naman nakikinig sa akin.

"Tumigil ka na nga, Thunder. Hindi ka ba nasisiyahan sa itsura ko? Maganda naman ako. Ano'ng pinoproblema mo?"

"Baby. I agreed that you're so beautiful with your looks now and even before. But look at yourself, you're so fucking beautiful now! Mas gusto ko pang ang itsura mo ay mahahabang damit kaysa sa suot mo ngayon. Heck! Kailangan talaga kitang bantayan doon sa party mamaya. Baka malingat lang ako saglit, may kumuha na kaagad ng pangalan mo," nakasimangot niyang sagot.

"Alam mo, mas mabuting pumunta na tayo sa party ng Mom and Dad mo. Baka ma-late pa tayo dahil diyan sa inuungot mo."

Sumimangot na naman siya bago ako hinapit sa bewang. Nahiya ang hangin, parang wala nang espasyo sa pagitan naming dalawa. Palagi namang ganito. Kung makahawak sa akin ay akala mo mawawala ako sa tabi niya.

Ipinagbuksan niya ako ng pinto ng kaniyang kotse bago siya sumakay. Napatingin ako sa front mirror at natitigan ang itsura ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na magiging ganito ang itsura ko. Malayong-malayo sa nakasanayan kong itsura. Salamat kay Thunder.

"Ganda, 'no?" He suddenly said. Tinitignan niya rin pala ako sa salamin.

"Thank you, Thunder. Feeling ko tuloy ay ako ang pinakamagandang babae ngayon."

"Well, that's true. You're the most beautiful woman in the world tonight, baby. Sobrang ganda mo na gusto kong ipagdamot ka na lang sa iba," malambing niyang saad na nakapagpangiti sa akin. He never failed to make me smile.

Hindi ko na talaga kayang mawala siya sa akin. Masyado na akong hulog na hulog at hindi ko alam kung makakaahon pa ba ako. Bakit ka ganiyan, Thunder? Masyado na kitang mahal, sana lang ay hanggang dulo ay tayo pa rin.

"What are you thinking, baby?"

"Iniisip ko lang na kung hanggang dulo ay tayo pa rin ang magkakatuluyan."

"Of course tayo pa rin. I won't let someone ruin our relationship. Baka makapatay pa ako kapag sinubukan nila. Always remember na sobrang mahal kita kaya hindi maaaring magkahiwalay tayong dalawa."

Ngumiti na lang ako bago hinawakan ang kaniyang kamay. Ilang minuto lang ang naging biyahe namin at nakarating na sa hotel kung saad idinaos ang anniversary ng mag-asawang Ferrer. Sobrang ganda rito sa hotel at makulay pa. Dala ko rin ang regalo ko sa kanilang mag-asawa at sana lang ay magustuhan nila ito.

"Are you ready?"

"Yes, I am."

Muling hinapit ni Thunder ang bewang ko at naglakad na papunta sa loob. Halos lahat ng kababaihan at kalalakihan ay tinitignan kami at hindi ko maiwasan na mahiya dahil doon.

"Good evening, Sir Thunder and to your date tonight," bati ng isang staff sa hotel bago kami ginabayan kung nasaan ang table namin.

Malayo pa lang ay kita ko na ang masayang tawanan ng Ferrer Family. May mga kasama rin sila na ngayon ko lang nakita. Malaki ang table kaya hindi sila siksikan.

Ferrer Series #2: Loving You, Secretly✓Where stories live. Discover now