Chapter 26

1.1K 26 1
                                    

Levana Hera Nyx's Point of View

Just a little more time and I will get you from him. Be ready, my Queen. At kapag nakuha kita, hindi na kita ibabalik sa lalaking iyon.

Iyan ang nakasulat sa bulaklak na natanggap ko ngayong umaga. Buti na lang ay hindi si Levin ang nakakuha dahil nakaalis na siya bago pa ito ma-deliver.

Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin nasasabi sa kaniya ang tungkol sa lalaking nagbabanta sa buhay namin. Gusto ko kasing mag-focus siya sa kaniyang pag-aaral. Baka ma-distract siya kapag nalaman niya pa. Balak niya pa mandin maging with high honor ngayong quarter.

Natatakot na ako. Hindi ko alam kung kailan niya ako kukunin pero sana lang ay hindi ito matuloy. Natatakot ako sa kaniya. At hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Baby, who was it? I heard the doorbell rang. May nag-deliver ba?"

Napalingon ako kay Thunder nang bigla itong magsalita mula sa aking likod. Bagong paligo lang ito at may towel pa na ikinukuskos sa kaniyang ulo.

Agad na napunta ang kaniyang paningin sa aking kamay at doon ay nakita ang hawak kong bulaklak at sulat.

"Thunder, nagpadala na naman siya ng sulat sa akin. Natatakot na ako. Ano'ng gagawin natin? Baka ituloy niya na ang balak niya."

Agad niyang kinuha ang sulat at binasa ang nakapaloob dito. Rinig ko ang malulutong niyang pagmumura kaya hindi ko maiwasan na hindi maluha. Alam kong nag-aalala rin siya para sa kaligtasan ko, kaya nga rito niya ako pinatira sa bahay niya. Pero mukhang hanggang dito ay nasundan pa rin kami ng lalaking iyon. Hindi na ito maganda. Dapat na talagang mahuli kung sino man siya.

"Baby, calm down. I'll hunt this guy down. Hindi ka niya makukuha sa akin, I won't let that happen," aniya at hinawakan ang aking mukha. Pinunasan niya ang luha ko bago ako ngitian.

"Pero paano kung gawan ka niya nang masama? Paano kung kunin nga niya ako? Thunder, natatakot na ako. Pakiramdam ko ay hindi na ako ligtas kahit saan man ako mapunta. Alam kong hindi siya simpleng tao lang. Kung nasaan ako, naroon din siya. Hindi niya ako tinitigilan. Hanggang dito nga ay nasundan niya pa ako."

"Baby, you listen to me. Kahit ano'ng mangyari ay hindi kita pababayaan. I'll protect you, as well as your brother. Hindi kayo mapapahamak," wika niya bago ako niyakap.

Tumango-tango ako. Magtitiwala ako kay Thunder, naniniwala akong poprotektahan niya ako, kami ni Levin.

"Magbihis kana, Thunder. Baka mahuli pa tayo, maraming trabaho ang need nating tapusin ngayon."

"Fine. I love you."

"Mahal din kita."

Hinalikan niya muna ang aking noo bago pumasok sa kuwarto, ako naman ay dumiretso sa kusina upang ipaghanda ang aming almusal. Nang matapos ay wala pa rin si Thunder kaya napagpasyahan kong tawagin na siya.

"Thunder, halika na. Kumain na tayo!"

Ngunit makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin siya lumalabas kaya naman kusa na akong pumasok. Doon nga ay nakita kong kalalabas niya pa lang ng CR. Nakabalot ng tuwalya.

"Naligo ka ulit? 'Di ba nakaligo ka na?"

"Baby, nainitan ulit ako. Come here, wipe my hair," utos niya.

Napailing na lang ako bago kinuha ang isa pang towel bago siya nilapitan. Umupo siya sa kama at pumuwesto ako sa kaniyang harapan. Agad niyang hinawakan ang aking bewang at tumitig sa akin.

"What's with that look?"

"You're so beautiful, baby," he replied.

"Stop it, Thunder. We might get caught because of your excitement again."

Ferrer Series #2: Loving You, Secretly✓Where stories live. Discover now