7

1.2K 22 0
                                    

1 week before PVL Bubble

Coach O cancelled our training today. To let us rest daw before going to Laoag. So we can also pack our things na. While Jema naman, still have training today. So while waiting for her, I've decided to order food for us na lang. I opted not to cook since I'm tired and I really wanna rest muna. You know rest rest din pag may time. Hahaha!

I heard her entered the condo. I immediately went outside our room to see her. And then I saw her. Awwww I miss my baby so much. I miss my Mrs. Wong.

I walked towards her to kiss her. But she sat on the couch agad. Pagod na pagod lang? Haha! So di ako nakakiss sa baby ko.

"Bad day baby?" then I kissed her sa forehead nya. "No, I'm just tired." she saw the paper bags that I ordered for our dinner. She shook her head and sighed. I don't know why ganun sya. Pagod nga lang talaga siguro.

Lumapit ako sa kanya after I'm done setting the table. "Come on baby let's eat. Gutom na ako. Pero I still waited for you. Sweet ko diba?" Then I tried to kiss her.. Again. Pero parang umiwas sya. Dumampi naman labi ko sa cheeks nya. Sa lips dapat yung kiss e umiwas sya kaya sa cheeks na lang. Parang may kumirot sa puso ko ah? Diko na lang pinansin yun. At inaya na sya para kumaen. She went straight to the table. She's not talking to me.

Honestly, parang may something kay Jema lately. I don't know if it's just me. But I have this very weird feeling na something is really off. So I really need to find out.

Jema's POV

Naging masyadong busy. Sobrang pressured sa upcoming PVL. Sobrang nakakapagod na training.. With business meetings on the side. Problema pa sa bahay. Tapos may engagement pa?

(Oh wait wait mare? Bakit ganyan?) I don't know author. Parang diko pa ata kaya. Napasubo ata ako.

Lately lagi kaming nag aaway ni Deanna. Ewan ko bakit diko magawang sabihin sa kanya yung problema ko. Knowing Deanna alam ko gagawin nya. Ayoko naman na sya na lang lagi ang nagbibigay. Baka mamaya sabihin ng family nya na ginagamit ko lang si Deanna. Hangga't maaari ayokong maging problema namin ni Deanna ang pera.

Meron naman akong savings hindi nga lang siguro kasing laki nung sa kanya.

Sobrang nakakastress ang mga nakaraang araw for me. Hindi ko nga alam kung bakit parang di na ako excited sa wedding namin kaya I asked her nga na kung pwede na after PVL bubble na lang namin planuhin. Pero sa totoo lang parang hindi pa ata ako handa na magpakasal. Sobrang dami ko din kasing iniisip. Si mafe na nag aaral pa tapos.. yung nangyari pa kay Ate Jovs. Hindi ko na din kasi talaga alam.

Flashback

Andito ako ngayon sa Laguna. Di maganda ang aura ng bahay. Si mama at papa halatang galit. Nasa sala sila nung dumating ako.

Jema: Ate, ano bang nangyare?

Fe: Naku yang ate mo ang tanda tanda na para maloko pa ha? Teacher pa yan. Naku talaga.

Magsasalita na sana si Ate Jovs pero si mama nagsisimula nang magrap.

Fe: Sinabi ko na jan na tigilan na pakikipag usap  sa Agnes na yan. Ayan tuloy.

Tinitignan ko si Ate Jovs para ikwento na nya pero si mama ang kulit talaga.

Fe: Naku! Jovilyn hindi kita pinalaki para maging tanga ha? At lalong di kita pinag aral para lokohin lang.

Diko na napigilan.

Jema: Maaaa!! Pagsalitain nyo muna po kasi si Ate Jovs. Pano po tayo magkakaintindihan dito? Please po?

Yun na lang nasabi ko kasi di makasingit si Ate Jovs para ikwento yung nangyari. Tumingin si Tatay kay mama kaya natahimik na rin sya. Lahat na kami nakatingin na kay Ate Jovs.

Jovi: Yung kasamahan kong teacher kasi, nag offer sya sa akin. Parang yung sa business nyo ni Deanna. Syempre, iniisip ko naman na legit yun. Kasi teacher din sya e.. Kaso Pangs..

Humagulgol na lang bigla si Ate Jovi. Masakit sa puso na tignan sya ng ganyan. Si Ate, naging role model sya sakin. Nung panahon na nagloloko ako sa school nung college. Andun sya para iguide ako. Kaya this time ako naman ang susuporta sa kanya.

Fe: teacher nga, kaso manloloko e. Teacher ka din naman pero nagpaloko ka.

Jessy: Ma, Tama na yan. Alam na ng anak mo na nagkamali sya, wala na tayong magagawa jan.

Fe: Ganun, e malaking pera yung pinaloko ng magaling mong anak. Nag aaral pa si Mafe. Si Jema, ikakasal na. Saan tayo kukuha ng pang gastos natin sa pag aaral ni Mafe aberr??

Jessy: e nandyan na yan. Mas iintindihin mo pa ba yang nawalang pera kesa sa anak mo? Kikitain pa natin yan.

Fe: kikitain? Hoy Jessy baka 100 years old kana, wala pa sa kalahati yung sahod mo dun sa pinaloko ng anak mo.

Jema: Ma, tama na po. Ako na pong bahala. May ipon naman po ako e. Yun na lang po ang gamitin natin.

Jessy: anak, ipon mo yun e. Hayaan mo na ako ang gumawa ng paraan. Ako ang padre de pamilya dito kaya ako ang dapat gumawa ng paraan.

Pag si tatay talaga lumagpas na ng 1 sentence ang sasabihin. Tumatahimik na si mama. Alam kasi ni mama na bihira lang magsalita si tatay. Pero pag nagsalita alam mong tutuparin nya.

Jema: Tay, hayaan nyo na po ako. Ako na pong bahala.

Puno ng pag alala yung mga mata ni tatay. Pero tinignan ko sya at sinabi kong okay lang tay. Ako na to.

Jovi: Pangs,.. I'm sorry.

Niyakap ko na lang si Ate Jovi dahil tuloy parin sya sa pag iyak.

Jema: it's okay ate. Kakausapin ko na lang si Deanna. Kikitain ko din naman yun. At yung kasal.. Makakapag antay naman yun.

After ng meeting sa sala, ramdam mo parin yung galit ni mama kay Ate Jovs, kaya kinausap ko na lang si mama. Pinangako ko sa kanya na gagawin ko ang lahat para maging maayos ang pamilya namin. Kumalma narin naman sya. 

Medyo naayos na ang tensyon dito sa bahay. Hindi ko alam kung sasabihin ko pa ba to kay Deanna. Siguro hindi na lang. Problema to ng pamilya ko e.
Kaya kaya ko na to.

End of flashback

Kung Wala KaWhere stories live. Discover now