19

1.3K 27 0
                                    

Flashback
Judin's POV

"Kelan mo balak sabihin sa amin ng mommy mo yang kolokohan mo Deanna? Do you think we deserve this kind of disrespect from you? Hindi ka namin pinalaki nang ganyan!" Ngayon ko lang nakita si Dean na nagalit nang ganito. Maybe because Deanna's his mini me.

"I'm sorry dad! I wasn't planning on keeping it from you for too long. It's just that I know na ganyan magiging reaction nyo."

"Why? Are you expecting me to jump for joy knowing you're asking that woman for marriage? Are you really crazy?"

"That woman is the love of my life! My future dad!" Galit na sabi ni Deanna.

"I don't care about that woman. Pero hindi ka magpapakasal sa kanya!" Ang taas na pareho ng emotions nila. Kaya I butted in na.

"Dean, let's stop this okay. Let's talk about this some other time." I looked at Deanna telling her to stop pero wala.

"No one can stop me from marrying the person I love not even you dad." Ayoko nang pinapatunguhan ng usapan na to.

"Well, I guess I don't have any choice but to send you to US para magtino ka. Also, I will tell that woman na ginagamit ka lang nya para sumikat sya. Wala naman yung babaeng yun kung wala ka e." I'm so shocked with what I've heard kay Dean. Pero what shocked me more e yung ginawa ni Deanna.

"I didn't know na mas kilala mo pala si Jema kesa sakin. Ang galing mo naman dad! May lahi pala tayong manghuhula. Bakit diko alam? And for your info Dad, I'm gonna marry her with or without your permission. Stay out of my life dad. Hindi ko kayo kailangan!" Aalis na sana si Deanna but her dad grabbed her left arm.

"Bastos ka ah? I'm not done yet talking to you."

"Mas bastos ka Dad! If there's one thing I want to tell you dad is this. I hate you!!! Sana hindi na lang ikaw ang naging daddy ko!"  She shouted while crying. I was crying too. Ano bang nangyayari sa inyo.

Dean was so shocked from what he heard. Galing sa mini me nya, his Sachi... His number 1 fan. He saw me crying too much. Nung magsasalita na ako ulit..

Bigla na lang syang bumagsak. Pareho kaming dali daling lumapit kay Dean.

He suffered from a mild stroke.

End of flashback

(Ito po'y kathang isip lamang!)

Jema's POV

"Honestly, I should be so mad at you Jema. Kasi never nag away yung mag ama sa kahit na anong bagay. Deanna fought for you. Pero nalaman ko din na naghiwalay lang din kayo. So anong sense nung pagtatanggol nya sayo sa dad nya then ended up being hurt din?" Nakikita ko yung lungkot sa mata ng mommy ni Deanna.

"I'm sorry po Mam. Hindi ko po intensyon na saktan si Deanna. I'm really sorry po." Umiiyak na sabi ko. Nakakahiya ang ginawa ko. Tama ang mommy ni Deanna. Pinaglaban ako ni Deanna hanggang sa nastroke ang dad nya. Tapos sinaktan ko lang sya at hiniwalayan. Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko!

Tumahimik lang din ang mommy ni Deanna at pagkatapos ay huminga lang ng malalim.

"The reason why I called you here Jema is because we needed your help. I don't know if it's the right thing to do. Pero I'll do everything para lang magising ang anak ko. Kahit lumuhod ako sayo kasi alam kong ikaw lang ang makakatulong sa kanya." Sino ba naman ako para tumanggi pa. Sa totoo lang gustung gusto ko yung mga sinasabi nya.

"Mam, hindi naman na po kailangan sabihin yun. I'll stay with Deanna po. Kahit ipagtabuyan nya ako okay lang sakin. Gagawin ko po lahat para magising sya at maging masaya ulit." Nakita ko naman na nagsmile na ang mommy ni Deanna. Wala na yung awkward na tingin nya sa akin. Eto na ata yung pinakamatagal na pag uusap namin.

"Thank you Jema!" I smiled back.

"Mam, pwede po ba akong mag request sainyo?" Nahihiya kong tanong.

"Ano yun iha?"

"Okay lang po ba na ako muna po ang magbantay kay Deanna habang di pa po nagsstart ang training namin?"

"Okay iha. And please.. Call me Tita Judin." Nakangiting sabi nya. If there's one thing na I'm thankful of sa mga nangyare e yung unti unti nang nagiging okay ang lahat sa amin ng family ni Deanna.

Step by step BB. We're getting there.

Umalis na sina Tita Judin at ang ate ni Deanna. Tumawag na rin ako kay Mafe para malaman nila ang nangyare kay Deanna.

Andito na ako BB, hindi kita iiwan. Hinalikan ko ang noo nya at hinawakan ang kamay nya. Aalagaan kita hanggang sa gumaling ka.

Ilang oras na din ang lumipas pero wala paring malay si Deanna. Kaya lagi ko syang kinakausap. Lagi ko din syang niyayakap, hinahalikan at tinitignan. Namiss ko sya. Namiss ko syang katabi. Namiss ko syang hawakan. Nagiging emotional na naman ako.

"B, gising ka na dyan. I'm sorry hindi ko alam. Sobrang sorry baby! Hindi ka dapat andyan kung hindi kita sinaktan. I'm really sorry!" Bulong ko sa kanya.

Umiiyak nanaman ako. Pero I promise to myself simula ngayon hinding hindi ako aalis sa tabi nya. Hanggang gumising sya. Kaya magalit sya sakin, pagtulakan ako palayo. I will never let her leave me again.

Kung Wala KaWhere stories live. Discover now