34

1.1K 23 0
                                    

"Wala naman I just wanted to see you. I asked the coaching staff din kasi they allowed me naman to watch. Kaya andito ako."

"Why? You don't want me here ba? Aalis na lang ako. " Hinawakan ko yung kamay nya.

"No baby it's okay." Shit baby again. Ano ba Deanna Wong. Kunware na lang wala akong sinabi.

"That's twice na ha?" Shit I thought di nya napansin yung last time. Buti na lang nagstart na yung training kasi hindi ko alam kung paano ako mageexplain. My gosh. Bakit ba lumalabas sa bibig ko yung word na yun. Erase erase!!

Nagstart na yung training namin. Sobrang naninibago ako.

Wala pang 1 hour pero pagod na pagod na ako.

"Deanna! Ano ba may tao ba sa bubong? Ang taas ng set mo!" Sabe ni Coach K.

"Sorry coach!"

Tinitignan ako ni Jema pero ayokong mawala sa focus. Ayoko syang tignan lalo na andito din si Ivy.

Ilang sets pa ang pinakawalan ko. Pero same result. My gosh! Kinakalawang pa talaga ako.

"Ano ba Deanna? Parang tipaklong na mga middles mo. Talon ng talon pero wala parin nangyayare sa sets mo." Si Coach She na yun. Yari na.

"Water break muna guys!" Aguy! Yari na. Alam ko na kasunod neto.

"Deanna halika nga dito." Ayan na nga ba sinasabi ko e.

Jema's POV

Nakita ko na tinawag ni Coach Sherwin si Deanna. Nag uusap sila ngayon kahit naka water break kami. Yung jowa ni Deanna, andito din. Nanunuod pa. Ano yan bantay sarado mo girl? Nasa ganon akong pag iisip nang magsalita si Kyla.

"Ayos ayos ng kilay bes. Mukhang malapit na silang magsabunutan e. Water break naman naten. So pwede magbreak sa selos? Hahaha!"

"Tigilan mo ako Kyla ah?" Natatawa pa sya habang nakatingin sakin.

"Water break lang to bes ah? Bakit ang init ng ulo mo pag break ang pinag uusapan?" Babatukan ko sana kaso nakalayo na.

After kausapin ni Coach si Deanna pumunta sya sa tabi ni Ivy. Ayun pinupunasan nya yung pawis ni Deanna.

"Sus! Ang tanda tanda na nyan. Kaya na nyan punasan sarili nya." Bulong ko lang naman pero si Kyla parang may anting anting. Ang lakas ng pandinig.

"Ganyan ka din naman dati sa kanya ah? Sinusubuan mo pa nga e."

"Tse! Lumayas ka Kyla baka makrompal ko ulo mo."
Tawa sya ng tawa tapos kinuwento na rin nya kay Ate Ella. Kaya ayan panay asar nila sa aking dalawa.

Buong training akong badtrip kasi naman puro landian ang alam. Bakit kasi andito pa yang babaeng yan. Grrrr! Kairita.

Hindi ko na dapat naradamdaman to. Nag usap na kami ni Deanna. Dapat kalimutan ko na yung past namin. Haaaay!

Tapos na rin sa wakas ang training. Kanina ko pa gustong umalis dito dahil sa dalawang yun.

Nag aayos na ako ng gamit ng lumapit sakin si Bok, kapatid ni Ate Jia.

"Jema, may naghahanap sayo." Ha? Sino nanan maghahanap sakin.

"Hi!" Wow. Bakit andito sya?

"Hi! Napadalaw ka!" Sabi ko.

"I heard kasi from Kyla na tapos na training nyo. I was in the area na rin naman kaya dumaan ako."

Wow. Talaga ba Kyla? Kaya napatingin ako sa kanya. Nakangisi na naman ang loka.

"For you nga pala." Ang sweet din talaga netong si Charles e.

I was about to get the flowers nung may nadinig akong malakas na hampas ng bola. Si Deanna pala. Anong problema nun tapos na training namin ah?

"Kyla!!! May jelly ace ka ba jan? Pahingi nga." Sabi ni Ate Ella habang kumikindat kindat pa.

"Ahhh Ate Ells wala e. Si Deanna kaya tanungin mo." Tapos nagtawanan yung dalawa. Nako! Tigilan nyo kami.

Natatawa narin yung ibang team mates namin. Pero si Deanna at si Ivy... Seryoso pareho yung mukha. Problema ninyong magjowa. Wag kayo dito mag away. Kairita kayo.

Deanna's POV

Halos every day ang training namin and halos everyday din andito si Ivy to watch me. I don't know pero ever since nung 1st day ng training naging clingy na sya sa akin. Never pa naman sya naging ganito. Well not that I'm complaining pero parang may something e. I did not do anything naman.
Hinayaan ko na lang kasi wala tayong magagawa alam nyo na ang lakas kasi ng charm ko. Haha!

Kung halos everyday andito si Ivy, ganun din si Charles. Wala bang trabaho tong mokong na to? May paflowers pa. Masyadong pasikat. Nairita ako kaya nahampas ko tuloy nang malakas yung bola sa pader. Kaya they all looked at me.

Tapos na yung training namin. Medyo nagpapawis pa ako.

Then I heard Ella said..

"Kyla!!! May jelly ace ka ba jan? Pahingi nga." What? Pinagsasabi neto?

"Ahhh Ate Ells wala e. Si Deanna kaya tanungin mo." Si Kyla.

I was about to answer when I saw Ivy looking at me. I gave her a "what did I do look." E wala naman talaga akong ginawa.

(Wala nga ba Boss D?") Wala noh!

(Okay, whatever you say! Haha!)

After our training, nagpunta na kami sa parking.

"Adi, let's go watch a movie." She said when we're inside the car na. My gosh! Pagod pa ang katawang lupa ko dahil sa training.

Kung Wala KaWhere stories live. Discover now