[01]

3.4K 77 3
                                    

Sage's POV

Ilang oras din ang tinagal ng byahe namin papuntang manila. Hindi naman nakakaboring ang byahe kasi panay ang kwento ni Mang Greg. Yun nga lang kung ano-anong kwento pinagsasabi niya.

"Sage malapit na tayo, Natandaan ko na tong lugar na 'to." Sabi niya sakin

"Nakapunta na pala kayo mang greg sa bahay nila tito?" Tanong ko sa kaniya.

"Pumunta kayo dati dito kaso parang di mo na natatandaan sobrang liit mo palang kasi non, dede palang sa bote sinusubo mo ngayon iba na...." Sabi niya sabay ngisi. Sa sinabi niya ay kinurot ko ng bahagya yung tagiliran niya.

Tumingin ako sa labas at mukhang maganda naman ang yung lugar. Para siyang subdivision pero mas marami nga lang ang tao. Kita ko sa labas ang mga batang naglalaro sa kalsada at nang makita nila ang sasakyan namin ay nagsitabi sila at tumingin sa kotse.

"Daming bata dito ah, mukhang masisipag magsigawa mga tao dito." Tinawanan ko siya sa sinabi niya.

"Ah mang greg, tanong ko nga pala ano hong itsura ni Tito Conrad?"

"Yung tito mo? Bihira lang kasi yon magpakita. Ang alam ko kasi seaman yon kaya di nakakabisita at minsan pumunta sa inyo." Yun lang ang nasabi niya at maya maya pa ay huminto na kami sa isang gate.

"Ito na ata yon." Pagkasabi ni mang greg non ay lumabas na rin ako at pinagmasdan ang bahay. Maganda ito at may dalawang palapag, halatang nakakaangat ang nakatira dito.

"Oh eto na maleta mo sage." Bigay sakin ni Mang Greg

"Diretso uwi kana rin po ba?"

"Oo, may kamag anak rin kasi akong malapit dito at pumayag naman yung papa mo na dumaan muna ako don saglit pagkahatid ko sayo." Tumango lang ako at nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.

"Mag iingat ka sage ha. Nasayo naman number ko diba? Kapag may problema ka tawagan mo lang ako." Malambing niyang pagkakasabi at niyakap ko rin siya pabalik.

"Kayo rin ho mag iingat don. Kayo na ho bahala kila papa." Pagkatapos niyang yumakap sa akin ay akala ko bibitawan niya na ko pero nagulat ako nang biglang hawakan at pisilin niya ang pisngi ng pwet ko sabay sabing.

"Sa susunod lagot sakin to." May diin niyang sabi. Sa ginawa niya ay napatingin ako sa paligid baka may nakakita pero buti nalang talaga ay malayo yung may mga tao.

"Mang Greg! Ano ba baka may makakita sa ginagawa mo." Tawa lang ang ginawa niyang pag sagot sa akin.

"Oh sya sige na, mauna na ko ay baka kung ano pang magawa ko sayo hehe." Inantay ko munang maalis siya bago ako nagtawag ng tao dito sa bahay ng tito ko.

"Tao po!" Sigaw ko. Para kasing walang tao dito sa bahay padilim na pero wala parin akong nakikitang bukas na ilaw. Nakailang ulit ako ng sigaw pero wala talagang lumalabas. Mukhang wrong timing pa ata punta ko. Natigil ang pag iisip ko ng may lumapit sakin na matandang babae. Mukhang kapitbahay nila tito.

"Wala pa ata si Conrad iho. Umalis kasi kanina." Malumanay na sabi ng ale.

"Ah ganon ho ba? Pano kaya yan, galing po kasi ako sa province."

"Ah ganon ba? Sige dun ka nalang muna sa bahay namin. Antayin mo nalang don si Conrad. Malamok pa naman dito sayang kutis mo." Sabi niya sa akin. Hindi na ko nahiya dahil andami talagang lamok. Kanina pa ko nagtitiis tumayo don kahit malamok.

Sumunod ako sa bahay ng matanda at pumasok. Maaliwalas naman to. Kahit medyo maliit ay maganda.

"Ano palang pangalan mo iho? At anong kailangan mo kay Conrad?" Tanong niya sa akin.

The Art of Sins and SinnersDonde viven las historias. Descúbrelo ahora