[15]

3.6K 94 33
                                    

"Pa'no ba 'yan pre talo ka sa pustahan." saad ng isang binata sa kaibigan niya.

"Tsk! Oo na!" pagmamaktol ng binata na nakasuot ng pang nurse na uniporme.

Inilabas ng binata ang wallet niya at sabay kuha ng dalawang libo. Pagkakuha niya ng pera ay inabot niya ito sa kausap niya.

"Oh anong gagawin ko dito?" tanong ng binata.

"Ano pa edi sa inyo na natalo ako sa pustahan diba." paliwanag ng lalaking basang basa sa pawis dahil nakipag pustahan ito sa larong basketball.

"Pare naman.... Ayaw namin ng ganyang pustahan. Walang thrill eh!"

"Tama!" Pag sang ayon ng isa pa nilang kalaro.

"Ulol thrill pinagsasabi niyo diyan!" natatawang sagot nito.

"Eh kung ayaw niyo ng pera, ano palang gusto niyo?" mungkahi ng binata.

Nagkatinginan muna ang mga kalaro niyang binata sabay ngisi. Nagtaka naman ang lalaking nagbalak mag abot ng pera kanina.

"Pre 'di ko gusto yang mga tinginan niyo."

"Ganito Trevor....." sabi ng isa na tila nag iisip pa.

"Makipagtalik ka sa iba then kuhanan mo ng video." walang pakundangang sabi ng isa.

"Gago!" natatawa ngunit kinakabahang sabi ng binatang nag ngangalang Trevor.

"Parang baliw naman 'to! Yun nga papagawa namin sayo dahil talo ka sa basketball."

"Ginawa niyo pa kong utusan! Tsaka 'di ako tanga para diyan. Mamaya mapahamak pa ko." paliwanag ni Trevor.

"Pre naman pwede mong i-edit yon i blur mo mukha mo o gusto mo kayong dalawa pa." suhestiyon ng isa.

"Ay wala takot ata 'tong kaibigan natin! Mukhang duwag HAHAHAHAHA." pang aasar nila sa kaibigan nila.

"Ulol! Sinong duwag!"

"Ah! Alam ko na kung bakit ayaw mo pre." nang marinig naman ito ni Trevor ay bahagyang tumaas ang kilay niya.

"Naintindihan ko pre baka wala kasi sayong pumatol!" pagkasabi non nagsitawanan silang lahat.

"Gago! Anong walang papatol!? baka nga sila yung magmakaawang tirahin ko sila!" sagot ni Trevor.

"Oh madami naman pala eh! Kaya gawin mo na pre tapos panoorin nating lahat! G?!" panghihikayat ng magtotropa.

"Putangina naman oh! Sige na nga!" pagpayag ng binata.

"Ayun! Makikita natin kung pano tumira sa kama ang nag iisang Trevor Marquez."

"Mas marami kang choice kung sino isasama mo sa video pre kasi mag sem break na tayo."

"Uuwi ako sa'min kaya mukhang mahihirapan akong maghanap." sagot ni Trevor.

"Sus! Problema ba 'yan! Edi don ka humanap ng mabibiktima!"

Sumilay naman ang ngisi sa labi ni Trevor dahil sa ideyang pumasok sa isip niya.

....

Conrad's POV

Hindi na ako sumama kila Bruce at Madison. Madami kasi akong client na kailangang kitain at bukod pa riyan... Wala rin naman do'n si Sage.

Bwisit kasing Max 'to wrong timing. Imbis na masosolo ko na si Sage.

"Mr. Marquez!" nagbalik ako sa aking isipan ng magsalita ang kameeting ko.

"Oh sorry Mr. Bo..." paghingi ko ng paumanhin.

The Art of Sins and SinnersWhere stories live. Discover now