[04]

2.8K 57 9
                                    

Sage's POV

Nasa mesa na kami ngayon ni Kuya Bruce. Kumakain na kami ng tanghalian namin. Ako nga dapat ang magluluto kaso nagsabi siya na para saan pa daw na naging chef siya, kung hindi siya ang magluluto. Kaya naman masaya akong kumakain ng luto niyang ulam na pork steak.

"Masarap ba sage?" tanong ni kuya bruce.

"Oo kuya." Tipid na napangiti naman siya sa sagot ko. Di mo talagang aakalain na chef ang trabaho nito ni kuya. Kasi ba naman parang siga ang itsura niya. Hot na siga. Naantala ang pagkain namin ng may narinig kaming sigaw sa labas.

"Babe!!?" sigaw ng isang babae. Ako na sana ang tatayo para tingnan kung sino yon, pero naunahan ako ni kuya bruce at siya na mismo ang lumabas.

Ilang sandali pa ay narinig ko na kasama niya na yung babae papasok sa bahay.

"Babe magagawa ba natin ngayon?" malanding sabi ng babae. I assume girlfriend 'to ni kuya bruce.

"Di pwede may kasama ako ngayon. Andito pinsan ko." diretso niyang sagot.

Nang nakapunta na sila dito sa mesa, nakita ko na ang babae. Di ko maitatanggi na maganda siya pero mas maganda ako. Natawa naman ako sa naisip ko.

"Hiiiii! I'm Madison. Girlfriend ni Bruce." Matinis yung boses niya ng sinabi niya 'yon. Na emphasize niya pa yung word na girlfriend.

"Um hi... Sage nga pala." gusto ko sanang irapan 'tong babae na to kaso baka makita niya. Kaya naman ngumiti nalang ako sa kaniya na awkward.

"Oh nice name... By the way, yung skin mo kasi sobrang smooth and puti. Can i ask ano yung skin care routine mo? So that i can use it on myself." tanong sakin ni Madison.

"Ah natural lang 'to. Wala kong ginagamit." matipid kong sagot sa kaniya. Napataas naman yung kilay niya sa sinabi ko, 'di niya ata nagustuhan kung ano yung narinig niya.

"Are you saying na hindi natural yung sa'kin? I doubt na hindi ka gumagamit ng skin care." Aba nagtataray na 'tong babae sakin. Akala niya kinaganda niya yung sinabi niya.

"Madison. Stop that." saway ni kuya bruce habang tuloy lang sa pagkain. Ni hindi niya kami tiningnan.

"Stop what? I'm just asking and 'di niya kasi sinasagot." sabi ng bruha.

"Sumagot na siya. So stop that, kita mong nasa mesa tayo." 'yan buti nga sa kaniya. Wala naman nagawa si Madison kaya binuksan niya nalang yung phone niya.

"Hindi ka ba kakain? Ako nagluto niyan." sabi ni kuya bruce.

"Di ako nagpunta dito para kumain niyan..... Iba yung gusto kong kainin." sabi ni madison sabay tingin kay kuya nang may tila ibang kahulugan.

"Mads... Mahiya ka naman, may kasama tayo, pinsan ko pa." 'di ko na sila pinapansin at tuloy lang ako sa pagkain. Maya maya pa ay nagtanong na naman si madison sakin.

"Hey sage... Wala ka bang plano lumabas ngayon? Alam mo na maglibot dito sa village or something." feeling ko pinagtutulakan na 'ko ng babae na to para maka score kay kuya Bruce.

"Madison... Tumigil sabi. Sage wag mong pakinggan 'tong ate mo. Di mo kailangan lumabas kung hindi mo gusto."

"Pero babe! You promise me...." paawa effect naman 'tong si bruha. Napabuntong hininga naman si kuya dahil don at sabay tingin sakin.

"Ummm sage... Pwede bang lumabas ka muna? Try mo din maglibot if you want. May ipapabili na rin kasi ako sayo." sabi ni kuya bruce na parang nahihiya. Dahil sa asar ko sa jowa niya ay napa oo nalang ako.

"Thanks... Sage." sabay kindat sakin at halik sa pisngi ni kuya bruce. Eww.

Nang matapos na ko kumain ay umakyat na rin ako sa kwarto ko at nagbihis na rin. Bumaba na rin ako kaagad at nakita kong nilalandi na ni Madison si Kuya, pero nang makita ako ni kuya bruce ay bahagya niyang natulak ang babae. Hinatid ako ni kuya bruce palabas ng bahay, at nung nasa gate na kami ay nagsalita siya.

The Art of Sins and SinnersWhere stories live. Discover now