ESYT 02

138 7 0
                                    

Monday came and I am already in school an hour earlier before the first period starts. Maaga pa lang pero medyo marami na ang nasa school na halos kasabay ko lang din dumating, karamihan ay mga old student na. Bumaba na ako ng sasakyan at nagpaalam sa family driver namin na si Manong Wan.

Hindi na rin ako nagtagal pa. Nagpunta na ako sa SSG Office para makapaghanda sa gagawing general orientation at freshmen orientation. So it is safe to say that whole morning of the first day of classes are alloted for the orientations, especially for the freshmen and transferees. Marami rin kasing mga bagay ang dapat pa ipaliwanag sa mga bago sa school namin. And we, the SSG Officers, are in-charge on this matter.

Busy na ang ibang officers pagdating ko ng SSG Office. They were preparing the things they will going to use. Marcus was nowhere to be found inside the office. Probably, inaayos na rin nito ang mga kinakailangan sa loob ng gym.

Umupo ako sa table ko. For a moment, I scanned and checked my thing on the table. Inalala ko muna ang mga dapat kung gawin sa araw na ‘to. First day of classes is really one of the busiest days of SSG Officers. Kaming mga officer kasi ang kikilos ng lahat unlike other events na may designated committees na. But, I am not complaining on all of these work. Pinasok ko itong pagiging officer kaya wala rin akong pwede na masisi. It’s all on me.

Nang maayos ko na ang mga dapat kung dalhin ay nagpaalam na rin ako sa ibang officers na nasa loob pa ng office. I planned to go to the gymnasium to check things with Marcus. Bilib din ako sa batang ‘yon. Grade 8 pa lang pero tumakbo na bilang secretary at nanalo kahit na grades 10 and 11 ang nakalaban nito for the position. Yet, it wasn’t that surprising. Marcus is famous and the current top 1 of their batch.

I know the system of our school is quite different from others. And I know there were some that are wondering why there’s a SSG governing junior and senior highschool. Purely highschool lang kasi ang ino-offer ng school namin kahit na private ito. And it is not the SSG alone ang governing student council dito. Let’s put it this way, ang SSG Officers ang highest student positions in our school. And under the SSG, may dalawa pang student council na solely for JHS and SHS. In short, overall ang SSG compared to the other two student councils na bubuuin pa right after ng general orientations.

May ilang mga kapwa ko student ang bumabati sa ‘kin habang naglalakad ako hallway. I ended up bringing a copy of student handbook dahil ito lang ang pinakaimporte na dapat kung dalhin. Backup ko lang din ito in case na may makalimutan akong section or what.

Malayo-layo pa ako sa gym nang mapansin ko ang kumpulan ng ilang estudyante sa may kalayaun. Marami-rami rin sila sa may open space na ground. Medyo maingay na nag-uusap na tila ba may pinapanuod na kung sino. May iba pa ngang akong naririnig na tila kinikilig.

I was about to just not mind them and continue my walk because it’s still not class hours and as long as they don’t make trouble nang biglang tumili ang mga ito. I stopped on my tracks and turned my head to them. Hindi ko makita ang kung ano man o sino ang pinagkakaguluhan ng mga ito mula sa kinatatayuan ko.

Out of curiosity, naglakad na ako papunta sa kinaruruunan ng mga ito just to see what they were looking. Habang palapit ako nang palapit, tila lumalakas din ang boses ng mga babaeng nagpipigil ng tili at kilig. I couldn’t help but frown to their reactions. Alam ko naman na old students ang mga ito and I never saw them like this before. It piqued my curiosity more.

Dahil sa dami nila sa kumpulan ay hindi ko pa rin makita kung sino ang kinakikiligan ng mga ito. Nasa likuran na ako mismo ng mga ito.

“Excuse me,” mahinahon kong sabi. “What’s happening here?”

Napalingon naman ang mga nasa tapat ko. “Ayy ikaw pala ‘yan, Prez." Napangiti pa ang mga ito na parang hindi alam kung ano ang sunod na sasabihin.

Tinitigan ko naman sila. Naghihintay ng sagot Bago ko bahagya na tumingin sa harap. I still can't see what they're looking at.

Every Step You Take [Vinster AU FanFic]Место, где живут истории. Откройте их для себя