ESYT 05

137 7 6
                                    

Jom saw me first walking towards them before Reyster noticed me. Paekreto man nitong siniko si Reyster at pasimple na may sinabi kay Reyster, pansin na pansin ko ito. And instantly, lumingon naman si Reyster sa direksyon ko.

“Good morning, Prez! Anong mapaglilingkod namin sa ‘yo,” agad na tanong ni Jom nang makalapit ako. He seemed nice at hindi ma-atittude ang pagsasalita niya. Unlike his friend standing beside him.

Saglit ko naman na tinapunan ng tingin si Reyster. Tahimik lang ito na nakatitig sa ‘kin as if I did something wrong.

“Kayo ang Grade 12 students na transferees, right? And I assume ikaw si Jom?” I ask kahit na alam ko naman na. I just don’t want Reyster to assume that I know them and collected information about them.

Tumango naman si Jom. “Yes, kami nga ni Reyster, Prez. If you don’t mind me asking, ikaw ba ang assigned officer para i-tour kami sa buong campus?”

Unfortunately. “Yes.” Nginitian ko si Jom. I did not dare give attention to Reyster. Baka kung ano pa ang isipin nito. Baka isipin pa nito na may gusto ako sa kanya gaya ng ini-imply niya kanina habang nasa stage.

I toured them around the campus while explaining everything they should remember. Naging smooth lang din ang pag-guide ko sa kanila salungat sa inaasahan ko. Gulat pa nga ako na nanahimik at behave lang na sumusunod sa ‘kin si Reyster. Si Jom lang ang kumakausap sa ‘kin at nagtatanong ng mga bagay-bagay na pinagsasalamat ko. Mas prefer ko kausap si Jom kesa sa kaibigan niyang si Reyster.

But most of the time, kahit na tahimik lang si Reyster, I could still feel his stare from time to time. Nawawala lang ito kapag nililingon ko sila. Pero ang ipinagtataka ko lang talaga ay kung saan galing ang biscuit na pinapapak niya habang nililibot ko sila. Ni wala nga silang dalang gamit nang nasa gym. They just brought themselves there. So I guess nagpunta na sila kanina sa respective classrooms nila, which is ang last stop namin.

Tiningnan ko ulit ang hawak kong dalawang papel na naglalaman ng class schedules nila. Papunta na kami sa main building ng senior highschool kung nasaan ang mga homeroom. Napahinto ako bigla nang makita kung saang strand sila nabibiblang at kung anong block. Dahan-dahan akong napalingon sa kanila na nasa likuran ko.

Unintentionally, I looked at them from head to toe and back to their faces. Both of them look good. In fact, attractive pareho ang mga mukha nila. Mas defined lang ang jawline ni Reyster, while si Jom naman ay may pagka-korean dahil sa softness ng facial features nito.

As to Reyster, hindi na ako masyadong nagtaka strand nito. His dancing skill a while ago in the gymnasium was a proof already. Hindi ko lang talaga inaasahan na ito ang kukunin niyang strand. It’s not like he is really serious about it. And most of the guys who looks good preferred the technology and computer related tracks.

“May problema ba, Prez? Bakit ganyan ka makatingin?”

I snapped back upon hearing Jom’s voice. I composed myself back before speaking. But bago pa man ako makapagsagot ay bigla na lang nagsalita si Reyster nang pabulong kay Jom na rinig ko pa rin naman.

“Hayaan mo na, Jom. Mukhang nagdi-daydream na dahil nakakita ulit ng gwapo nang malapitan.” Parang sinasadya talaga nitong iparinig sa ‘kin. And he made it sound na may iba pang meaning ang sinasabi niya.

As an immediate response, sinamaan ko ng tingin si Reyster. Gwapong-pwapo talaga sa sarili ang isang ‘to. Well, gwapo naman talaga siya. But I won’t tell that to him. Lalo lang lalaki ang ulo niya at mas yayabang lang. Akala mo naman kung sino. Mas attractive pa nga si Jom for me dahil sa personality nito.

Siniko naman ni Jom si Reyster. “Manahimik ka nga diyan, Toto. Si Prez ‘yang pinagsasabi mo,” mahinang sabi ni Jom. Saka ito tumingin na nanghihingi ng paumanhin. Buti pa ‘tong si Jom, hindi mayabang. Sobrang layo ng ugali nilang dalawa.

“So, Arts and Design din pala ang track n’yo.” Tinalikuran ko sila. Much better na hindi ko na lang muna pansinin si Reyster. For sure, tuwang-tuwa na naman ‘to nang makita ako na nag-pace out.

“Ahh, yes, Prez. More on arts kasi talaga kami, performing to be exact.”

Nauna na akong maglakad papunta ng classroom. “Good to hear that, Jom. Kaunti lang kasi kaming ADT students dito. Kahit paaano nadagdagan ang population namin dahil sa inyo.” Huminto ako sa tapat ng classroom na naka-indicate sa class schedule nila na magiging homeroom ng section na kabibilangan nila.

“Kami? Ibig ba sabihin nito ADT student ka rin, Prez?” gulat na tanong ni Jom.

Ngumiti ako at tumango. “Yes. Since there’s only one section ang grade 12 ng ADT, we’re classmates. And this will be our classroom. I guess dito na kayo nanggaling kanina before pa ang orientation sa gym.”

“Paano mo naman nasabi?” bigla na lang singit ni Reyster. Magsasalita na nga lang, magsusungit pa. Kala mo naman nakakapogi.

I rolled my eyes and I took a deep breath. I don’t want to be annoyed this early in the semester. Isang taon pa naman kami magiging magkaklase.

“As you can see, wala kayong dala na gamit. So saan n’yo possible na iniwan ang bags n’yo? Impossible naman na wala kayong dala na bag, ‘di ba?” Tinaasan ko ng kilay si Reyster.

“Ang dami mong alam. Tara na nga sa loob, Jom.” Nauna itong pumasok ng classroom.

Nagkatinginan na lang kami ni Jom.

“Pagpasensyahan mo na lang ‘yong pinsan ko, Prez. Moody talaga ‘yon. Pero mabait naman ‘yon kapag naging close mo na.”

“Jom,” tawag ni Reyster nang hindi pa rin sumusunod si Jom.

Pareho kaming nalaingon ni Jom kay Reyster. Nakatayo na ito sa tapat ng pinto. Nakapasok sa bulsa ang isang kamay nito. Ang kabila naman ay hawak pa rin ang pakete ng biscuit. At sinubo ito ng isang piraso ng biscuit.

“Ayan na nga.” Nilingon ako ni Jom. “Mauna na kami sa loob, Prez. Kitakits na lang mamayang hapon.”

Tumango lang ako saka sinundan ng tingin si Jom. Nang makalapit naman na ito kay Reyster ay saka ko lang napansin na nakatitig na naman ang isang ‘yon sa ‘kin. Hindi ko tuloy malaman kung ano talaga ang problema nitong Toto na ‘to. Is it still about what happen last Saturday? Ang OA naman niya kung ganoon pa rin.

“Salamat pala sa pag-tour sa ‘min sa campus kahit na naikot naman na namin ang campus noong enrolment.” Agad na tumalikod si Reyster at tuluyan nang pumasok ng classroom.

What the hell? Was that his reason kung bakit tahimik lang siya habang umiikot kami sa campus? He should have just told me beforehand that there’s no need for me to tour them kung ginawa naman na pala nila ‘yon. Hindi na sana nasayang pareho ang mga oras namin kung sinabihan lang niya agad ako. No wonder alam na agad nila kung saan ang classroom namin.

Napatingin ako sa loob ng classroom. At nahuli ko siya na ngumisi nang dumapo ang tingin ko sa kanya.

Wait. Don’t tell me. . . He intently did not tell me para inisin ako? That jerk!

Every Step You Take [Vinster AU FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon