ESYT 06

191 11 6
                                    

Author's Note:
Hello, guys! Musta? Pasensya and thank you sa mga naghintay ng update. I know natagalan bago nasundan ang update. May iba pa kasi akong writing projects na hinahabol ang deadlines, on top pa yan sa work ko na naging busy rin kasi audit season. I hope maunawaan n'yo rin kung bakit may katagalan ang updates kasi during free time ko lang sinusulat ang ESYT. Of course kapag nagkabuhol-buhol ang work schedules and deadlines, uunahin ko 'yong may pera. 😅😅 'Yon lang naman at sana na-enjoy at ma-enjoy n'yo pa ang ESYT.

Don't forget to vote and leave some comments. ♥️♥️

💫💫💫💫💫

Napapikit ako ng mga mata at napahinga nang malalim. Kaunting-kaunti na lang talaga ang natitira sa pasensya ko. Ilang araw ko lang na binabalewala ang pinaggagawa ng taong nakaupo sa likuran ko. Ni halos hindi ko na nga ito pansinin para hindi na lumala pa. But as the days passed, opposite ang nangyari. Lumala lang ang ginagawa nitong pang-iinis sa ‘kin. Kung hindi lang talaga ako ang SSG President, matagal ko na pinatulan at nasapak ang isang ‘to.

Muli akong napahinga nang malalim. Sunusubukan ko na manatiling mahinahon. Pero hindi na alam kung hanggang kailan ang natitirang pasensya ko bago maubos.

Sino ba naman ang hindi maiinis kung panay at walang tigil sa pagpapapansin ang taong nakaupo sa likuran mo? Not just simple na pagpapapansin, there were times na kinikiliti ako nito sa batok gamit ang hibla ng walis tambo. Minsan naman ay sinasadya nitong sinisipa ang upuan ko. Tapos kung lilingunin ko, nagtutulog-tulugan ang loko.

Although it wasn’t all his fault, ang tanga ko rin kasi sa part na ‘yon no’ng lumipat sila ng upuan sa likuran ko. Hindi ko agad naisip na magagawa niya ang lahat ng ito as the days go on. Sa dami ba namang vacant seats sa classroom namin, napili pa nitong lumipat sa likuran ko. I know I don’t own the chairs. It’s just that parang planado nita talaga ito. Hindi ko nga lubos maisip na, bit by bit, lumalabas ang pagiging makulit at mapang-asar ng gago kahit alam ko naman na sa simula pa lang na malakas na ito mang-asar.

“Oy, tama na ‘yan, Reyster. Baka sumabog na ‘yan si Prez,” pigil ni Jom. Nakaupo na rin ito sa bandang likuran ko, katabi ni Reyster.

Mabuti pa nga itong si Jom, alam kung kailan tumigil kung nang-iinis. Well, even once, hindi ko pa nakita si Jom na nang-inis ng ibang tao maliban lang kay Reyster. I don’t even know kung ano ang ipinang-aasar nito sa napakabait nitong best friend dahil sa tuwing may ibubulong ito kay Reyster ay automatic na sumasama at tumatalim ang tingin ni Reyster.

“Anong sasabog? Ano siya bomba para sumabog?”

Muli kong naramdaman ang pagsundot-sundot sa leeg ko. Ano ba talaga ang tingin niya sa ‘kin? Palagi na lang ganito ang eksena namin kapag wala kaming teacher. Well, he’s also doing it while we were having a class. Mas malala lang talaga kapag free time namin. Kaya imbes na makapagbasa ako in advance ng next topics or mag-focus sa paggawa ng activities, nauubos ang oras ko kakapigil sa sarili na huwag ipakita na apektado ako sa pang-iinis ni Reyster.

At ngayon nga may kailangan na akong tapusin na documents para sa paparating na inter-school games, I can’t focus sa pag-draft ng budget proposal presentation naipapa-approve ko pa sa SSG Adviser namin at sa School Finance. Dapat matapos ko ito as soon as possible dahil dito nakasalalay ang lahat ng gagastusin para sa games. In fact, malapit na nga ang deadline nito na binigay ng SSG Adviser namin.

Gustuhin ko man na magpunta ng SSG Office at doon ko ‘to gawin, I just can’t. Maikli lang free time namin ngayon bago ang next class. It would be time consuming for me to walk back and forth to the SSG Office.

Every Step You Take [Vinster AU FanFic]Where stories live. Discover now