ESYT 7

48 0 0
                                    

Hello, guys! Sorry talaga kung ngayon lang ulit nakapag-update. Andami kasi talagang naging ganap ko sa buhay last year. To make the long story short, nagreview kasi ako and took the board exam during the 2nd half of 2023. Tapos madami pang pinaprocess after ng board exam results, which fortunately I passed, kaya naging busy talaga ako. Pero makakapagsulat na ulit ako ngayon kaya magiging frequent na rin ang updates.

💫💫💫

Ano na naman kaya ang problema nitong Toto na 'to? Parang ang laki ng problema nito from the way he looked at Kyler, as if Kyler did something wrong to him.

"Sino 'to?" Reyster asked once again when no one answered him.

Hindi ko rin talaga malaman kung moody lang si Reyster o sadyang may tupak na sa utak. Kung kanina ay panay ang pangungulit at pang-aasar niya. Ngayon naman, halos gusto na niya pumatay. And if only looks could kill, malamang nakahandusay na si Kyler sa tabi ko.

Before I could even make up my mind and speak, I heard Kyler cleared his throat. "The name's Kyler," pakilala niya habang inaaalayan pa rin ako na makatayo on my own. "Kyler Chua."

"Hindi ikaw ang tinatanong ko," masungit naman na sagot ni Reyster. At saka lumipat ang tingin nito sa akin. "Sino 'to? At bakit ganyan ka makakapit sa kanya?"

Bahagya na napakunot ang noo ko. Ano bang iniisip ng may sayad na 'to? At ganito pinagsasabi nito? Sasagot na sana ako pero naputol na naman ang sasabihin ko nang magsalita siya ulit.

"At hindi talaga kayo nahiya na magpaka-PDA rito sa gitna ng hallways. Magkahawak pa kayo ng mga kamay na akala mo katapusan na ng mundo."

At this very moment, deing surprised to explain my exact reaction is an understatement. Hindi ko masundan ang pinagsasabi nito at kung ano ang tumatakbo ng isipan nito. But the real question is ano bang pakealam niya?

"So, sino nga 'to, Vinci?"

Ramdam ko ang pagkaseryoso ni Reyster sa huling tanong niya. I could not sense anything silly or teasing from his voice. Maging ang tingin niya ay nakatitig lang sa akin. He was waiting for me to answer him.

I took a deep breath first as I got my balance. "Gaya ng pagpapakilala niya, he's Kyler Chua. Siya ang current SSG President ng Xavier Academy."

Huminto ako sa pagsasalita. Why do I feel like I am obliged to answer his questions anyway?

"I see. Kaya pala parang enjoy na enjoy ka na inaaalayan ka niya na makatayo." Bumalik na naman ang pagiging masungit nito. Bumaba pa ang tingin nito sa mga kamay namin na siyang ikinatalim muli ng tingin nito. "Higpit pa ng holding hands niya ah." Tila may ibang meaning pa na comment niya kasabay ng pag-ismid niya.

Ewan ko talaga sa lalakeng 'to. Hindi ko talaga siya maintindihan. And I don't have time to understand him. He's not even that important to me. And speaking of time, saka ko lang naalala na nagmamadali na nga pala ako para sa meeting namin.

"Pwede ba, Reyster. I don't have time for your nonsense. And if wala ka nang sasabihin na matino, aalis na kami ni Kyler. Late na kami sa meeting."

Tinalikuran ko na siya at hinila si Kyler para sumunod na rin sa akin. I don't want Reyster to cause more trouble especially to Kyler. Niwala ngang ginawang mali ang tao pero masama na agad ang pakikitungo ni Reyster. And if I don't drag Kyler with me, ako na mismo ang mahihiya para sa kanya na ganon ang sumalubong sa kanya rito sa school namin.

"Nice meeting you, Reyster," rinig ko pa na paalam ni Kyler bago tuluyan na nagpahila nang tuluyan. Pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang tono ng boses niya na tila nang-aasar pa kay Reyster. Although I already knew Kyler's personality, I didn't expect na papatulan pa niya si Reyster.

Kaya nang makalayo na kami kay Reyster, I simply pinched Kyler's arm. Alam ko naman na may pagkaloko-loko rin siya pero hindi ko naman inaasahan na gagatungan pa niya yong isa. I wouldn't be surprised if this will really cause me trouble in the future.

"Hey! What was that for? Sakit mo pa rin talaga mangurot, Vinci."

"Shut up, Kyler. Tara na sa office at late na talaga tayo." Nagpatuloy na akong maglakad at nauuna na ako sa kanya.

"Heto na nga. Nakasulod na sa 'yo. But, I'm still wondering kung bakit ganon na lang makaasta 'yong schoolmate mo sa akin. Ano nga pangalan n'on?"

"Reyster. Transferee lang 'yon dito this school year."

"Ah... Transferee. Kaya pala 'di familiar sa 'kin. But, anyway, Tara na nga."

Nagulat pa ako sa bigla niya akong inakbayan. Hindi ko man lang napansin na nakahabol na siya sa 'kin at nakasabay na sa paglalakad ko. He even leaned closer to him as we continued walking.

"Nagtataka talaga ako kung bakit makasunod pa rin sa atin 'yong schoolmate mo. At ramdam na ramdam ko ang sama pa rin ng tingin niya sa 'kin," Kyler whispered.

I halted my steps but Kyler did not let me stop and look at our backs. Siya naman ang humila sa 'kin habang nakaakbay pa rin.

"Huwag ka magpahalata na alam natin na sinusundan niya tayo. Gusto ko pa malaman kung bakit siya nakasunod," dugtong pa ni Kyler. At dahil nga rito ay tila nagtayuan ang balahibo ko nang hinawakan niya ang ulo ko at inilapit pa niya lalo ang sarili sa 'kin. Then he hushed, "Hindi ako papayag na maunahan niya ako."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Every Step You Take [Vinster AU FanFic]Where stories live. Discover now