Chapter 8

1.8K 70 8
                                    

Chapter 8

"I noticed you were wearing sneakers the last time I saw you; why didn't you wear them this time?" tanong ni Jacques habang isinusuot ang apat na pulgadang heels sa kanang paa ko. Sa madilim na liwanag ng ilaw sa back seat, ramdam ko ang bigat ng titig niya sa mukha ko kaya hindi magkamayaw ang paru-paro sa tiyan ko.

"Naiwan ko sa bahay," pagsisinungaling ko. If I said my five-year-old sneakers had worn out, I'd be in an awkward situation. Tuluyan nang humiwalay ang suwelas ng sapatos ko. Naubos na ang laman ng rugby na lagi kong ipinandidikit kaya wala akong choice kundi isuot ang heels ko pauwi.

I noticed his chest move slightly, as if he was sighing. Minasahe pa niya ng isang beses ang kaliwang paa ko, bago niya isinuot ang kapares ng heels ko. "Your anklet suits you," komento niya. Bahagya niyang pinasadahan ng daliri niya ang aking anklet kaya nagdulot ito ng mumunting kiliti sa aking bukung-bukong.

I bite my inner cheeks because of it.

"Amulet 'yan, bigay ng isa sa mga naging customer ko sa S & L."

"Yeah. I'm familiar with this type of amulet. Your client must be Chinese." He assisted me in getting both of my feet on the floorboard, even though I was able to do so.

Gayunpaman ay nagpasalamat ako.

"Thanks... Ahm... Hindi ko alam kung Chinese. Ipinaabot lang 'to kay Gab tapos ibinigay ni Gab sa akin noong natapos ang shift ko. Hindi na ako nangulit kung kanino nanggaling kasi nakalimutan daw niya kung sino ang nagbigay."

It's a super thin anklet with a multi-stone design and it's lock is an evil eye. Ayon kay Gab, amulet daw iyon against misfortunes in life.  Nakaka-block din daw iyon ng negative energy at nakapagbibigay ng good luck.

Hindi naman ako naniniwala sa ganoon pero isinuot ko na lang, wala namang mawawala. At tiyaka ang ganda kasi.

"Oh," he just replied like that. Umibis na siya sa driver's seat at sinabing uuwi na kami. Pinasibad kaagad niya ang kotse.

I didn't want to overthink about his reaction, so I asked the question that was running through my head. "Why? Don't you want me to wear it?" tanong ko.

I was puzzled when I noticed him smirking in the rearview mirror. "I don't want to impose anything on you, Alyn. You are free to wear whatever you want. As I have said, the anklet suits you. It complements your olive skin. To be honest, it looks good on you."

Napangiti ako. Akala ko pinagseselosan niya kung sinuman ang nagbigay ng anklet. Kung sasabihin niyang ayaw niyang nakikitang suot ko 'yon...

Manigas siya!

Biro lang... Siyempre... Susundin ko siya. Itatago ko.

E, ang kaso, he said that it looks good on me so I will still wear it. Ang ganda kasi, bagay na bagay sa paa ko.

Inihinto niya ang kotse sa mismong tapat ng bahay ni Tita. Sasabihin ko sanang huwag na siyang mag-abalang bumaba pero napakabilis niyang binuksan ang pinto ng kotse at nag-jogging siyang umibis sa kabila. Ako na ang nagbukas ng pinto.

He extended his large palm and my heart beat crazily again. Halos manginig pa nga ang kamay ko nang tanggapin ko iyon. His hand made my hand appear so small. It felt like a small puppy finding its own home. Puwede pala iyon? Iyong magdadaupang palad lang kami pero parang milyon-milyon boltahe na ang dumaloy sa katawan namin.

I knew he felt it because of the way he looks at me. Napalunok na lang ako ng marahas.

Ngunit sa mga sitwasyong ganito, paulit-ulit kong pinaaalalahanan ang sarili kong may ibang babaeng nakalaan para sa kanya.

What's Your Order Mr. BillionaireTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang