Chapter 16

1.5K 60 12
                                    

Chapter 16

I was gradually lowering my guard around him, and I was starting to enjoy it. I feel comfortable with him now. Kapag papasok ako o uuwi galing trabaho, bulto niya agad ang hinahanap ng mga mata ko. His presence can immediately calms my spirit, and I can tell that I'm the only one receiving his undivided love and attention.

"Ate Jen, sundo mo...." Inginuso ni Elaine ang lalaking tinutukoy niya na agad ko ring naispatan.

Sa halos gabi-gabi at tuwing madaling-araw na paghahatid-sundo niya sa akin ay sanay na ang mga katrabaho kong nakikita siyang naghihintay sa akin.

He was dressed comfortably and was leaning against his car with his arms crossed. Naka-white t-shirt lang siya, black sweatpants at black sneakers. Simple lang ang mga iyon ngunit alam kung mamahalin ang bawat suot niya. Nang makita niya ako, naglakad siya palapit sa amin.

His admiring gaze at me alone caused my face to flush. I bowed my head and pretended to look inside my bag because I didn't want to show how flustered I was.

"Yiii..." pambubuyo agad ng mga kasama ko sa trabaho.

I was biting the inside of my cheeks to keep my lips from smiling. Ang lakas talaga nila mang-asar!

Napatili pa si Vina nang makalapit na si Jacques. Napanganga ako dahil sa gulat. Ipinaghugpong niya kasi ang kamay niya sa kamay ko. Hinila naman ni Olivia ang buhok ko kaya tinampal ko ang braso niya. Elaine screamed with excitement as well. Ngiti lang ang tanging itinugon ni Jacques pero ako, mas lalong nangamatis ang mukha ko. Gusto kong bawiin ang kamay kong hawak na niya ngunit hinila niya pa ako ng marahan at inilagay ang isang kamay niya sa likod ko para makalapit ako ng husto sa kanya.

"Ay, wala na. Uwian na." Elaine rolled her dolly eyes. "Pasintabi sa aming mga single."

"Gusto kong magwala! Ikaw lang ba paborito ng Diyos?" Olivia growled playfully.

Humagikgik naman si Vina. "Magsabi naman po kayo. Nakakasakit kayo ng damdamin. Tara na nga, girls!"

Pabiro silang umirap sa amin at tinalikuran nila kami kaya hinampas ko sa dibdib si Jacques. He was already grinning amusingly when I looked up at him, as evidenced by his curving lips.

"Uwi na tayo?" Masuyi niyang bulong sa akin, pinisil pa niya ng marahan ang kamay ko.

Uwi na tayo... Napakasarap sa pandinig. It sent a soothing sensation through my senses, like a breeze blowing away my tiredness.

Tumango ako at nakiayon lang sa lakad niya.

Mali pala ako, siya ang nakikiaayon sa lakad ko dahil maliit ang hakbang ko kumpara sa mahahaba niyang biyas. Napakatangkad naman kasi ni Manong! Para akong unano kapag siya ang kasama ko.

Hindi na ako dumaldal pa sa biyahe dahil sobrang inaantok na ako at kaysakit ng paa, kamay at likod ko dahil sa maghapon at magdamag kong pagtatrabaho. Parang gusto ko na lang umiyak pero strong ako, e! Kaya ko 'to!

Pero ang hirap naman kasing kumita ng pera! Ang hirap maging mahirap sa totoo lang...

Isinandal ko ang ulo ko sa headrest ng shotgun seat at sinubukang ipikit ang mga mata ko. He turned his radio and played a soothing song by Coldplay called Strawberry Swing, and it helps me relax. Ramdam niyang pagod ako.

By the time I heard Jacques clearing his throat, I was already dozing off. Hininaan niya ng kaunti ang volume ng pinatutugtog niya.

"Sobrang dami mo sigurong minasahe ngayon," pambabasag niya sa katahimikan naming dalawa.

Tumango ako at ngumuso, nakapikit pa rin. "Oo. Puro body builders pa kaya sobrang energy ang na-exert ko today. Ang lalaki ng katawan tapos deep tissue pa ang massage nila," sumbong ko sa kanya.

What's Your Order Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon