Back To Me 16

38 2 0
                                    

CRISTAL

Natahimik ang table namin ng dumating si Zephanie at naupo sa tabi ni Migz. Nakangiti ito samantalang si Migz nagpapalipat-lipat ang mata sa amin ni Keith. Hindi ko rin maintindihan ang uri ng titig na pinupukol niya sa akin, na para bang ramdam niyang may lihim kaming alitan ng kapatid ko.

"Kumusta pala si JM?" basag sa katahimikan ni Altamonte.

Migz cleared his throat. Umayos pa siya ng upo bago sumagot.

"He's not home yet."

"O? E sino. . . 'yong nabalitaan kong nambugbog kay Wayne doon sa Hacienda niyo? Pumunta pa nga sa DCC Corp." nilingon niya si Zephanie. "Right, Miss Olivar?"

Bigla itong nabilaukan sa kinakain. Sunod-sunod itong umubo. Kaagad naman itong inabutan ni Migz ng isang basong juice.

"You okey?"

Tumango ito saka sumimsim ng juice sa baso.

"H-Hindi. . ." muli itong umubo. "Hindi ko alam--I mean w-wala ako sa office ng pumunta doon si Sir pero tumatawag siya lagi sa akin recently."

"Wala ka sa DCC no'ng pumunta si JM?" umiling ito. "So, you're not aware na nawawala ang Boss mo for two years now?"

Muli itong umiling.

"Sir Migz said he's out of the country. At kailan lang din tumawag sa akin si Sir JM to get an update in DCC. H-Hindi. . ." nagpalipat-lipat ang nagtataka niyang mga mata sa dalawa. ". . .ko alam na nawawala. . . pala. . . siya."

"I'm just kidding." Altamonte chuckled. "Buti ka pa naisipan tawagan ng g*gong 'yon. Samantalang ako na kaibigan niya hindi man lang nagpaparamdam sa akin. But anyways. . ." nilingon ako ni Altamonte sabay hawak ng kamay ko na nasa ibabaw ng mesa.

Napatingin ako kaagad doon saka nag-angat ng tingin sa kanyang mukha. Sinulyapan ko din si Zephanie. 'Di na ako nagulat ng makita ko ang talim ng kanyang mga mata. Pero saglit lang iyon, napalitan kaagad ng ngiti ng tingnan siya ni Altamonte.

"Mauna na kami ni Cristal, Miss Olivar, Migz."

"Pabalik na rin kami ng DCC."

Muli akong nilingon ni Altamonte.

"Babe?"

I nodded at him. Nginitian ko si Migz at bahagya lang sinulyapan si Zephanie na nakatingin pa rin sa kamay naming dalawa.

Napasunod ako sa kanya ng tumayo na siya hawak pa rin ang kamay ko. Nagulat pa ako ng lumipat iyon sa aking bewang at iginiya palabas ng Restaurant.

"May nangyari ba sa ladies room?"

Nasa kasagsagan na kami ng byahe pabalik ng head quarters ng magsalita siya. He drove the car. He insisted kaya hinayaan ko na lang din. Nakaupo ako sa tabi niya, tahimik lang na nakatingin sa labas.

I sighed.

"Hanggang ba naman ngayon 'di pa rin kayo okey?"

Nagsalubong ang mga kilay ko saka nilingon siya. Nanatili naman siyang nakatitig sa kalsada.

"Anong ibig mong sabihin?"

"I saw the way she looked at you."

"Ano namang nakita mo?"

"You know what I mean."

I rolled my eyes. "Iwan ko sayo."

Hindi na siya umimik pa.

Pagdating sa head quarters kaagad akong bumaba ng sasakyan. Hindi ko na siya inantay pa. Dumeritso ako sa opisina ko. Good thing wala na naman 'yung dalawa kong kasama.

Back To Me: Bud Brothers Series 3  |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon