Back To Me 26

34 3 0
                                    

CRISTAL

Frustrated na nagbuga ako ng hangin sabay kalas ng kanyang mga braso na nakapulupot sa akin. Tinalikuran ko siya saka humakbang papunta sa mesa pero kaagad akong napasubsob pabalik sa kanya ng hatakin niya ang braso ko.

"Cristal, baby. . ."

His manly scent and perfume assaulted my nose. I felt deja vu. Isinubsob ko lalo ang aking mukha sa kanyang dibdib. Malaya ko siyang inamoy.

He may be a grown up man now, even his face changed, his voice changed, all of him changed but my heart keep growling at me that he is him. He is my Kuya Kyle! He's still the same hero I ever had. My knight! The one who were always there by my side to help me.

Mariin akong napapikit. Kumapit ako sa kanyang damit.

"Kuya Kyle." I muttered.

I felt him stiffened.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong ipulupot ang aking mga bisig sa kanyang bewang ng mahigpit. God, I miss him so damn much! Hindi ko akalain na kasa-kasama ko lang pala siya. Pero bakit hindi siya nagpakilala kaagad sa akin? Bakit tinago niya? Bakit hinayaan niyang magalit ako sa kanya, mainis sa kanya? Darn! Kaya pala kahit saan ako magpunta nandun siya. Nakasunod lagi sa akin. At sumasagip lagi sa akin!

"Kuya Kyle--"

He cursed. Kinalas niya ang braso ko pero umiiling na hinigpitan ko lalo iyon.

"Cristal." mabagsik na tawag niya sa akin.

Sunod-sunod akong umiling. He released a pissed groaned but I didn't budge. Sinubsob ko lalo ang aking mukha sa kanyang dibdib. Kulang na lang pumasok ako sa loob ng kanyang damit.

"Ikaw siya. I know, I can feel it. Aminin mo man sa hindi, iisa lang kayo. Ikaw siya. Ikaw si Kuya Kyle. Ikaw."

Muli niya akong tinulak palayo sa kanya pero 'di ako natinag. Para akong lintang subrang higpit na nakakapit sa kanya.

"Cristal--"

"No."

Umiiling na nag-angat ako ng tingin sa kanya. 'Yung luha ko biglang nabuhay na naman. But this time galak ang nararamdaman ko. Pinaghalong pag-aalala at takot naman ang nakita ko sa kanyang mukha.

I smiled at him. "You said you're here to protect me--"

"Yes ofcourse!" inis na singhal niya na sa akin.

Lumapad lalo ang ngiti ko.

Nagtagis ang kanyang bagang. Mahigpit niyang hinawakan ng kanyang dalawang kamay ang mukha ko na para bang nanggigigil siya. Bahagya niya pa akong inalog na tila ginigising niya ako sa malalim na bangungot na iwan. Hindi ko maintindihan ang ikinikilos niya.

Hindi ba siya masaya? Bakit parang galit pa yata siya sa akin?

Napalis ang ngiti ko. Bigla akong tinubuan ng takot sa dilim ng mukha niya habang nakatitig sa aking mga mata.

"K-Kuya--"

"I'm not your f*cking Kuya!" dumadagundong na sigaw niya sa mukha ko. "Hindi kita kapatid kaya 'wag mo akong tawaging Kuya, damn it!" padaskol niya akong binitawan.

Napaatras ako sa impact. He looked away. Aburidong napahilamos pa siya ng kamay sa kanyang mukha saka tinukod ang isang braso sa ibabaw ng lababo. Namumula siya sa galit. Tumaas baba pa ang kanyang dibdib na para bang subra-subra ang pagtitimpi niya na 'wag akong sigawan muli.

Naestatwa ako sa subrang gulat. Nanginig sa takot. Awang ang mga labi. Tulalang nakatitig sa kanya. Tila binuhusan ako ng isang drum na yelo.

Hindi ko alam kung anong mali sa ginawa ko. May mali ba sa pagtawag ko sa kanya na Kuya? Alam ko naman na hindi kami magkapatid e. Tsaka dati ko naman siyang tinatawag na ganun pero bakit ngayon galit na galit na siya? He looks like a monster. And it scares the hell out of me! Mas malala ang itsura niya kina Mom at Zephanie. Mas malala pa sa Lion na gusto akong sakmalin.

Back To Me: Bud Brothers Series 3  |COMPLETED|Où les histoires vivent. Découvrez maintenant