“𝑺𝑬𝑲𝑹𝑬𝑻𝑶”
@Lazy_Psycho24Sa mga ngiting iyong pinapakita,
Sa likod na iyon ikaw ay nagdudusa.
Ngungimiti ng mapakla,
Kahit alam mong hindi mapakawala.Mga sakit na iyong nararamdaman,
Na hindi mo kayang ipagsabi sa lahat.
Pilit na dinadamdam na mag-isa,
Ang mga problemang hindi mo kayang solusyunan.Mga tinatago mo na hinanakit,
Tinatawa mo na lang kahit pilit.
Gusto mo man ipagsabi ang iyong mga problema,
Ngunit nangunguna sa iyo ang pangamba.Mga matang nakapikit,
Dinaramdam ang sakit.
Mga luhang umaagos,
Pati sa puso mo’y tumatagos.Nasa madilim ka ng sulok ng iyong kwarto,
Umiiyak at hindi maintindihan ang sarili.
Pabago-bago ang iyong emosyon,
Dahil sa depression na iyong nararamdaman.❥︎:@𝑳𝒂𝒛𝒚_𝑷𝒔𝒚𝒄𝒉𝒐24🖋️
❥︎:𝑷𝒍𝒂𝒈𝒊𝒂𝒓𝒊𝒔𝒎 𝒊𝒔 𝒂 𝑪𝒓𝒊𝒎𝒆
❥︎:𝑶𝒑𝒆𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝑪𝒓𝒊𝒕𝒊𝒄𝒊𝒔𝒎
