“Ikaw ay parang Bituin”
Pagmasdan mo ang mga bituin,
Kumikislap sa dilim.
Mataas at mahirap abutin,
Parang ikaw lang din.Bituin na titingalain sa kalangitan,
At ikaw naman ay pagmasdan sa kalayuan.
Mga bituin na nagliliwanag,
At naging ilaw sa aking daan.Taglay mo rin ang kagandahan,
Na bawat lalaki ay nabibihag.
Kay hirap mo rin abutin,
Dahil iba ang iyong nais na makapiling.Tulad ng bituin,
Kumikislap at nagnining-ning,
Habang ikaw naman,
Pinapangarap at nais makamtan.❥︎:@𝑳𝒂𝒛𝒚_𝑷𝒔𝒚𝒄𝒉𝒐24🖋️
❥︎:𝑷𝒍𝒂𝒈𝒊𝒂𝒓𝒊𝒔𝒎 𝒊𝒔 𝒂 𝑪𝒓𝒊𝒎𝒆
❥︎:𝑶𝒑𝒆𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝑪𝒓𝒊𝒕𝒊𝒄𝒊𝒔𝒎
