"ANXIETY"

13 3 0
                                        

“Anxiety”

Walang oras na pinapalampas,
Walang lugar na pinipili,
Walang araw at walang gabi,
At kusa itong umaatake.

Iiyak na walang dahilan,
Magsisik-sik kung saan,
Sisigaw at magpapadyak,
Iiyak na walang nakakaalam.

Pilit pinapasintabi,
Ngunit hindi ito mawawaksi.
Nawawalan kana ng kumpyansa sa sarili,
At hindi mo alam ang iyong ginagawa sa sarili.

Problema mo laging nandiyan,
Hindi mo mailalabas kanino man,
At gustuhin na lamang na sarilihin,
Kesa sa may makakaalam.

Pilit na ngiti ang iyong laging pinapakita,
Akala ng iilan ikaw ay masaya,
Ngunit sa loob mo’y ikaw ay durog na durog,
At laging nag-iisa.

Huwag kang sumuko,
Pagkat ito’y isang hamon sa buhay,
Ikaw ay magpapakatotoo,
At patuloy na lumaban sa buhay.

❥︎:@𝑳𝒂𝒛𝒚_𝑷𝒔𝒚𝒄𝒉𝒐24🖋️
❥︎:𝑷𝒍𝒂𝒈𝒊𝒂𝒓𝒊𝒔𝒎 𝒊𝒔 𝒂 𝑪𝒓𝒊𝒎𝒆
❥︎:𝑶𝒑𝒆𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝑪𝒓𝒊𝒕𝒊𝒄𝒊𝒔𝒎

"WHAT MY HEART SAYS" (A poem compilation)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora