"SUMUKO"

23 4 0
                                        

Sumuko
@Lazy_Psycho24✍️

Sa aking pagbalik,
Iba na ang iyong minahal,
Ilang taon na ang lumipas,
Pero ikaw pa rin ang aking mahal.

Pagmamahal mo ba’y biglang naglaho?
Ganiyan ba ang mga pangako?
Na ako lang at walang iba,
Ngunit paano kung ang pinili mo’y siya.

Kay lungkot isipin,
Pagmamahal natin ay pang-hanggan,
Ngunit sa isang iglap,
Ito’y nagbago at hindi ko matanggap.

Ako’y nasasaktan,
Tuwing kayo’y nakikitang masaya,
Habang ako’y nalulungkot at naiiyak,
Na tinatanaw kayong dalawa.

Bakit ako lumayo ng walang paalam?
Kung meron talagang hadlang sa ating pag-iibigan,
Bumalik ako upang ipakita sa kanila na kaya kong ipaglaban,
Ngunit huli na ang lahat at tuluyan na lamang sumuko aking mahal.

❥︎:@𝑳𝒂𝒛𝒚_𝑷𝒔𝒚𝒄𝒉𝒐24🖋️
❥︎:𝑷𝒍𝒂𝒈𝒊𝒂𝒓𝒊𝒔𝒎 𝒊𝒔 𝒂 𝑪𝒓𝒊𝒎𝒆
❥︎:𝑶𝒑𝒆𝒏 𝒇𝒐𝒓 𝑪𝒓𝒊𝒕𝒊𝒄𝒊𝒔𝒎

"WHAT MY HEART SAYS" (A poem compilation)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt