Chapter 1

0 0 0
                                    

Napatayo ako sa bleachers nang maka-three points ang bias ko sa basketball team ng school. Hindi pa ako nakuntento at naghihiyaw pa ako sa sobrang galak.

"Nice shot, Dillan!" hiyaw ko pa saka muling naupo.

Naramdam ko ang paghampas sa akin ng katabi kong si Kayla. Best friend ko siya at kung nasaan ako ay nandoon rin siya. Siya ang kaunahan kong naging kaibigan pagsampa ng college at hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin kami.

Pareho kaming Accountancy student. Awa ng Diyos ay naka-survive kami sa kurso namin at third year na kami ngayon. Iilan lang din kasi ang nakakapasa sa kurso namin kaya ma-swerte kami at kumakapit pa ang grades namin--hindi pa bumabagsak.

Inaya ko siyang manood ng basketball dahil gusto kong magpapansin sa crush kong si Dillan. Siya ang team captain ng basketball team ng school at ito ang first game nila sa intercollegiate competition.

Ang boyfriend naman ni Kayla na si Jericho ay kasama rin sa team kaya naman hindi ako nahirapang mapapayag siya. Sakto rin namang wala kaming klase ngayon.

"Baka awayin ka ng girl friend niyan." saway ni Kayla sa pagtsi-cheer ko kay Dillan. Inirapan ko naman siya.

"Wala siyang girl friend. That's what I've heard." sagot ko naman.

"Sino naman 'yang source mo at mali ang na-deliver na message sa'yo?" natatawa pang sabi nito.

Ngumuso ako at muli siyang inirapan. Nagkibit na lang ako ng balikat kalaunan.

"If there is, I'll make it up to him." Ngumisi ako na ikinailing ni Kayla.

"Heto na naman tayo, Sharmaine. Last week lang ay nakipag-break ka sa boyfriend mo without a valid reason. Diego is even asking me why you broke up with him." mataray na sabi nito. Muli akong nagkibit ng balikat.

"He's so sensitive that's why. Seloso pa. He's been nagging me why Dominic went to our house. Well, I invited him and that's what friends do--to bond in each others' house!" I shrugged.

"Hindi mo siya masisisi. Bakit mo naman kasi sinabing kasama mo si Dom kaya hindi ka naka-reply sa kanya? You're insensitive of his feelings, Chai." naiiling pang sabi nito.

"Well, if he loves me, he will accept the fact that Dom is my friend--my best friend!" nakairap ko pang sinabi.

"And you think, this Dillan Ramirez, will accept your situation with Dom?" hamon niya.

"If not, then he is ekis to me!" natatawa kong sinabi.

Muli akong tumayo nang maka-shoot si Dillan. Iyon ang last shot ng game at natapos ang laro na tambak ng bente ang kalaban. Nice game!

Nagmamadali akong bumaba sa bleachers para makalapit kay Dillan. Nakasunod lang sa akin si Kayla na alam kong pupuntahan rin ang boyfriend niya.

"Nice game!" bati ko sa mga players.

Napatingin sila sa akin at agad naman silang naglapitan.

"Chai!" bati ng isang player na hindi ko naman kilala. Feeling close lang talaga ako sa lahat eh.

"Nag-lunch ka na ba? Sabay ka na sa amin." aya naman ng isa.

Lumapad ang ngiti ko pero hinanap ng mga mata ko si Dillan. Nakatingin na pala ito sa akin. Kinindatan ko siya saka humarap sa huling nagsalita.

"Kung kasama si Dillan, why not?" nakangiti ko pang sabi bago muling sumulyap kay Dillan. Naiiling itong ngumiti sa akin.

Nagtinginan ang mga lalaki kay Dillan. Naghintay kami ng sagot niya at hindi naman niya ako binigo.

Can't Live Without YouWhere stories live. Discover now