Chapter 4

1 0 0
                                    

"Aminin mo nga, Sharmaine! May nararamdaman ka na ba kay Dominic?" titig na titig na tanong ni Kayla.

Nasa school kami ngayon para sa enrollment. Maaga kaming nag-eenroll tuwing natatapos ang semester para wala na kaming problema sa susunod na sem. Para rin ang problema na lang namin ay kung saan kami magbabakasyon.

Tinotoo ni Dom ang sinabi kagabi na sasamahan niya ako dahil wala akong kasama sa bahay. Nasa business trip na naman kasi ang mga magulang ko.

Ayaw kong ma-awkward sa kanya kaya naman kagabi ay pinilit kong matulog bago pa man siya makalabas ng banyo mula sa paliligo. Buti na nga lang at nakatulog agad ako. Marahil ay dahil na rin sa halu-halong emosyong naramdaman ko nang gabing iyon.

Pagsapit naman ng umaga ay mas nauna akong nagising sa kanya kaya naman sinamantala ko ang pagkakataon. Agad akong naligo. Iyon nga lang at naabutan niya ako paglabas ko ng banyo.

Pero nang siya na ang naliligo ay mabilis akong kumilos. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay umalis na ako ng bahay namin. Iniwan ko si Dom at nag-commute na lang papuntang school.

"Wala 'no." angil ko sa tanong ni Kayla.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at nag-focus na lang sa pagkain. Nagpasya kaming kumain muna ng breakfast bago mag-enroll. Total ay pareho naman kaming hindi pa kumakain.

"Kilala kita, Chai. 'Wag ako." sabi pa niya at tinitigan pa ako.

Nangalumbaba siya habang nakatingin sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako.

"Hindi ko alam. It just felt different. I'm confused." sagot ko.

"Siya ba talaga ang kakaiba o 'yang nararamdaman mo? Pinagtatanggol ka naman talaga ni Dom kapag may nang-aapi sa'yo ah. Remember noong naging kabit ka ng teacher? Hindi ba't pinagtanggol ka niya? Kinampihan ka niya at pinatunayan niya pa sa legal wife na mali ang paratang sa'yo." sabi pa niya.

"Pero pinagalitan niya ako after that. But last night--."

"Last night, pinagsamantalahan ka. It's not your fault." putol niya sa sasabihin ko. Napanguso na lang ako.

"In denial ka lang, girl. Bakit hindi mo na lang aminin na bigla kang nahulog sa kanya? Or should I say, matagal ka nang nahulog, ngayon mo lang na-realize?" nakangisi na niyang sabi.

"Hindi pwede, Kayla. Hindi pwedeng mahulog ako sa kanya." nakatulala ko namang sabi. Napansin ko ang pagkunot ng kanyang noo.

"Bakit hindi? Because you might end up breaking each others' heart? Kasi iyon ang napapanood mo sa mga movies at nababasa mo sa wattpad?" sunod-sunod niyang tanong.

"Oo. I can't live without him, Kayla. He's my best friend. I don't want us to be apart." seryoso kong sinabi.

"I see. That's the reason. You can't confess because you don't want to lose him. Kasi iniisip mo na maghihiwalay kayo at masisira ang friendship niyo. You rather stay as friends than enter into a relationship which might lead to becoming strangers later on." nakatitig niyang sabi.

"Yeah." maikli kong sagot.

Bigla siyang tumayo kaya nagulat ako at napatingin sa kanya.

"That's bullsh*t, Chai! If you love him, you have to chase him! Hindi iyong ipipilit mo sa sarili mo na kaibigan lang ang tingin mo sa kanya! Sa tingin mo ba kapag nagkaroon na siya ng serious relationship, hindi siya mawawala sa'yo?! No! He will leave you because he had found the love of his life. Kapag nagkaroon na siya ng babaeng makakasama habang buhay, that girl will make you out of his life! You may be his friend but in the eyes of that girl, you are a threat to their relationship! Kaya kung ako sa'yo, umamin ka na!" nanggigigil na sabi ni Kayla.

Can't Live Without Youحيث تعيش القصص. اكتشف الآن