Chapter 6

0 0 0
                                    

"BUTI naman, hija, at nakasama ka sa amin. Magiging busy kasi kami sa meetings and seminars dito sa Coron. Baka hindi mag-enjoy si Dominic kung wala ka." nakangiting sabi ni Mommy Shiela, ang mommy ni Dom.

Kumakain kami ngayon sa isang engrandeng restaurant dito sa Coron, Palawan. Katabi iyon ng beach at katabi rin ng hotel kung saan kami mag-stay.

Kadarating lang namin at nagpasya nga silang kumain muna bago sila umattend ng business meeting nila. Maaga pa naman daw.

"Mapilit po kasi itong si Dominic, Mommy." nakangisi kong sinabi.

"Sus. Gusto mo rin naman akong makasama. Ayaw mo lang aminin." nakangisi na ring sabi ni Dom kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nagtawanan naman ang mag-asawa.

"Didiretso na kami sa meeting after this. Kung gusto niyo, magpahinga muna kayo sa room niyo bago mag-explore." sabi pa ni Mommy Shiela. Tumatango-tango naman ang asawa nito.

"Sure thing." maikling sagot ni Dom.

Napanguso ako sa biglang naisip. Iisa kaya ang room namin ni Dom? Everytime kasi na may get together kami ng family ay iisa lang ang room namin kapag overnight. Ngayon kaya ay ganoon rin? Bigla akong na-excite!

"ANONG iniisip mo?"

Napalingon ako kay Dom nang bigla siyang magsalita. Nag-aayos na siya ng maleta habang ako ay nakatingin lang sa bintana sa labas ng room namin. Ang ganda kasi ng dagat at sobrang puti ng buhangin. Parang ang sarap magbabad at tumambay roon.

"I wanna go there." sagot ko sabay turo sa labas.

"Hindi ka ba napagod sa biyahe?" tanong pa nito. Ang mga damit ko naman ang nilalabas niya at nilalagay sa cabinet na nandoon.

"Not really. You wanna join me?" nakangiti kong tanong.

"I'm a bit tired, Chai." sagot niya na ikinasimangot ko.

"Why? Hindi mo ako sasamahan?" nakanguso ko nang tanong.

"You're not going without me. Maraming manyak sa beach." sagot niya na ikinataas ng kilay ko.

"You're like a strict parent. Para kang si Daddy." nakahalukipkip ko nang sabi.

"I'm not a dad." sagot niya bago tinabi ang maleta ko sa gilid ng cabinet katabi ng sa kanya.

"Eh ano ka?" tanong ko pa.

Natahimik siya sa tanong ko. Hindi niya ako pinansin at nahiga na lang sa kama.

"Hey." angil ko bago naupo sa gilid ng kama.

Hindi siya sumagot. Tiningnan ko siya at nakapikit na ang mga mata niya. Napanguso na lang ako at binuksan na lamang ang t.v. para manood.

Napapitlag na lang ako nang malaswa ang ginagawa ng mga bida.

"Turn that thing off, Chai." narinig kong sabi niya.

Napangisi ako at sa halip na tapusin ang panonood ay nilakasan ko pa ang volume noon.

"Chai!" gigil niyang sinabi at pilit na kinuha ang remote sa kamay ko.

Pinatay niya ang t.v. at muling nahiga. Sumimangot ako at tinitigan siya habang nakapikit.

"Wala ba tayong gagawin?" pang-aakit ko sa kanya.

"Wala." mabilis niyang sagot. Napangiti ako.

"Why? Didn't you miss me?" tanong ko pa.

Napatingin ako sa ibaba niya at napangiti na lang ako nang mapansing tumataas iyon. Hahawakan ko na sana iyon nang mabilis niyang napigilan ang kamay ko.

Can't Live Without YouМесто, где живут истории. Откройте их для себя