Chapter 7

2 0 0
                                    

"Hoy, girl. Kanina ka pa namumula diyan? Pansin ko rin, ang blooming mo pagdating mo. May nangyari ba?"

Halos maibuga ko ang iniinom na wine sa narinig mula kay Kayla. Kulang na lang ay sabihin kong may nangyari sa amin ni Dom. At iniisip ko iyon kaya ako namumula.

Pinilit kong lagukin ang iniinom na alak bago natatawang tumingin kay Kayla. Nagpaalam ang boys na magse-set ng bonfire para sa amin kaya wala ang mga ito.

"Ano namang mangyayari? Baliw ka ba?" nasabi ko bago muling uminom.

Nagkibit na lang siya ng balikat at uminom na rin ng wine. Lumuwag naman ang paghinga ko dahil hindi na siya muling nagtanong.

Ilang sandali pa ay nasa beach side na kami kung saan gumawa ng bonfire sina Dom at Tristan. May magaganap rin kasing fireworks sa beach kaya naman nagpasya kaming apat na  dito na lang tumambay.

Maraming tao ang naroon. Palibhasa ay bakasyon ng mga estudyante kaya sinusulit ng mga kabataan iyon. May mga couple ang nandoon at may mga pamilya rin na naghihintay na sindihan ang fireworks.

Nang sindihan na iyon ng mga staff ng restobar, lahat ay nakatingin na sa langit habang pinagmamasdan ang napakagandang pagsabog ng mga ilaw sa taas. Napangiti ako sa ganda ng disenyong nakikita ko. Kakaiba ang fireworks na nasasaksihan namin ngayon at malalaki ang buga niyon. Halatang hindi tinipid para sa mga bakasyunista. Marami ang pumalakpak dahil sa ganda niyon. May mga bata ring tumatalon pa sa tuwa.

"Buti na lang sinama mo ako rito, Kayla. Ang ganda ng view." sabi ni Tristan na katabi lang ni Kayla. Kaharap namin sila samantalang nasa gitna namin ang bonfire.

"Bakit ka nga pala nandito?" mataray kong tanong.

Napansin ko ang paglingon sa akin ni Dom nang sabihin ko iyon. Ramdam niya siguro ang pagkainis sa pananalita ko.

"Chai--."

"Kayla can go alone naman. She's comfortable with just the three of us. So, why would you join her here?" tanong ko pa.

"Chai, wala naman sigurong masamang sumama si Tristan." nag-aalalang sagot ni Kayla. Sinamaan ko siya ng tingin. Kung pwede nga lang sabihin ko kay Kayla na kami na ni Dom para hindi niya na ilakad si Tristan sa akin.

"Oo nga, Chai. Wala namang masama." siit ni Dom.

Nakita ko ang pagtungo ni Tristan. Mukhang napahiya ito sa mga sinabi ko. Ayaw ko lang siyang umasa.

"But--."

"Chai!" pigil ni Kayla sa sasabihin ko. Napataas tuloy ang kilay ko sa pagtaas ng boses niya. Bakit parang may mali? Parang may hindi ako alam.

"What's happening, Kayla?" naitanong ko dahil sa kakaibang asta niya.

Napabuntong-hininga si Kayla at nakita ko ang pag-ayos niya ng upo.

"Fine. Sasabihin ko na." saad ni Kayla na muling nagpataas ng kilay ko.

"Ang ano?" nagtataka ko pang tanong. I was clueless. D*mn it!

"Tristan's my boyfriend."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. What the h*ll! All this time, si Kayla pala ang pinopormahan ng isang ito! What the freaking h*ll!

"Ano?!" naibulyaw ko. Narinig ko naman ang pagtawa ni Dom sa tabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Kagabi lang, Chai." pawang nahihiya pang dagdag ni Kayla.

"My God, Kayla! Hindi mo man lang sinabi sa akin na pinopormahan ka na ng lalaking ito." sabi ko pa at tinuro ang nakayuko pa ring si Tristan.

"Because I know you don't like him." nakasimangot nang sabi ni Kayla. Ako naman ang napabuntong-hininga sa sinabi niya.

Can't Live Without YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora