Chapter 1

7 0 0
                                    

Prologue

"Sha! Anong strand kukunin mo?" My friend asked me once again.

Matagal ko nang sinabi sa kaniya yung strand na kukunin ko tapos tanong naman ng tanong. Naka unli ba siya?

Nandito kasi kami ngayon sa Lacroste University kukuha kami ng entrance exam para sa senior high school. Mabuti nga at libre siya ngayon kung hindi all by myself yung peg ko dito at hindi ko ata kakayanin yun.

Halos lahat naman ata naka experience nang ganitong phase sa student life nila. Especially na't mahiyain ako at introverted. Actually, parehas lang kami ng kaibigan ko kaya damay-damay na 'to.

"ABM nga pa ulit-ulit naman siya oh. Naka unli ka ba ngayon Hannah?" Sagot ko sa kaibigan ko.

"Sorry na nga nakalimutan ko lang." Pagdedepensa niya sa sarili niya.

I envy her kasi may freedom siya to choose her career that she really wants. Eh hindi naman ako pinagpala na magaling sa math at hindi ko cinoconsider na favorite subject ko siya.

Though hindi rin naman ako bobo pero sadyang mahirap lang talaga siya. But what can I do? Yun ang gusto nila. Who am I to object against them?

"Sayang nga at hindi natin kasama sina Lorraine at Khriza since HUMSS din naman kukunin nila." Tugon ni Hannah.

We have 2 more friends but they're not available today. Kaya sana sa enrollment sabay na kaming apat bumalik dito. Kapag pumasa!

Tinawag na yung pangalan namin kaya tumayo na kami at pumasok sa loob. Kinakabahan tuloy ako at hindi pa nakakatulong ang kasama ko. Umupo na kaming dalawa sa inassigned na upuan sa amin at nagsimula nang mag sagot.

"Hirap ng mga tanong Hannah! Hindi ko masagutan yung iba!" Reklamo ko sa kaniya kasi naman mahirap talaga kaya bahala na si superman kung makakapasa ba ako o hindi.

Nag-aya siyang gumala kami sa SM kaya pumayag na rin ako dahil wala rin naman akong gagawin. Kailangan ko nga lang umuwi bago mag gabi dahil siguradong papagalitan ako.

Gusto ko nga sana sa Ayala Malls dahil mas marami kang pupuntahan doon. The problem is medyo malayo siya compared sa SM.

Timing naman at lunch na kaya pumunta na lang kaming Jollibee at doon napag-desisyunang kumain. It's not new na madaming tao ngayon lalong-lalo na't lunchtime.

Pumila na si Hannah at naghanap na ako ng mauupuan namin. Mas kaya niya kasing umorder kaysa sa akin. Baka pag tinanong ako nang dine in or take out, isasagot ko oo. That would be embarrassing!

Naghintay ako nang 15 minutes bago siya dumating dala-dala ang tray. Pumunta kaming dalawa nang hand-wash area para mag hugas nang kamay bago bumalik sa upuan at kumain.

Nang matapos, niligpit muna namin ang pinagkainan bago umalis.

"Sha punta muna tayong National Book Store may bibilhin ako." Sambit ni Hannah sa akin at dumiretso na nga kami doon.

Mabuti nga at hindi ganun karami ang tao sa loob. Pumunta siya sa mga ball pen section at ako naman sa mga notebook.

Since nandito na rin kami, bibili na lang ako nang notebook. Gusto ko yung color blue tapos medyo aesthetic.

Until Summer ComesWhere stories live. Discover now