Chapter 5

5 0 0
                                    

Maaga akong nagising dahil first day of school na! Oo ganiyan kabilis ang oras at halos tatlong linggo na rin ang nakalipas. Sama-sama nga pala kaming apat bumili ng mga school supplies namin.


Mas mabuti yun dahil may dalawang pinsan si Lorraine na sa Lacroste rin nag-aaral. Ahead sila sa amin ng isang taon so grade 12 na sila ngayon.


Hindi pa naman proper class talaga dahil orientation pa para sa mga freshmen at kami yun. According sa mga grade 12 students ngayon, after 1 week pa daw magsisimula yung discussion at lectures sa amin.


As of now, mga activities daw muna para mas makilala namin ang isa't-isa.


Nasa vision-mission kasi nila yung pagiging student-friendly kaya pinagtutuonan talaga nila yun ng pansin. May Acquaintance Party pa nga eh.


Pero hindi katulad ng ibang school na parang nasa JS prom ka. Kaniya-kaniyang salo-salo sa loob ng mga classrooms magaganap. Pero before magsisimula ang event, may mass muna.


Lacroste University belongs to a catholic school, hence may mga masses muna bago simulan yung mga events sa school. Siguro friday yung acquaintance. Hindi ko lang sure.


9:00 AM magsisimula ang orientation sa quadrangle at 6:00 AM pa lang naman. May oras pa ako kaya kumain muna ako bago naligo.


8:30 AM ng makarating ako dito sa labas ng Lacroste. Hinihintay ko pa kasi silang tatlo. Nahihiya akong pumasok mag-isa dahil wala akong kakilala sa loob.


Baka nga maligaw pa ako eh. Hindi naman kalakihan yung campus pareho ng La Salle. Hinati kasi sa tatlong campus yung Lacroste at magkakaibang location sila.


Hindi nagtagal, pumasok na ako kasama sila. Nagsuot lang ako ng yellow dress dahil may color coding every track/strand. Yellow sa ABM, green sa HUMSS, red sa STEM, blue sa ICT, orange naman sa Arts and Design, at purple naman sa TVL.


Since silang tatlo ay nasa HUMSS, automatic green na yung sinuot nila. Parehas silang naka green t-shirt pero iba-iba yung mga print. Pinatungan pa nga ni Hannah nang kulay white na long-sleeved hoodie dahil mukhang crop top daw yung suot niya.


As a catholic institution, mas strict talaga sila compared sa ibang schools. Na mention ko naman ata na may dress code sila.


Ayon sa orientation kanina, bawal yung crop tops, sleeveless, spaghetti straps, shorts, tattered jeans, slippers, at sandals na walang strap sa likod. Pag nahuli ka nang guard na nilabag ang dress code, automatic na bibigyan ka ng violation slip.


At the end of the school year, kung gaano karami yung violation mo, ganun din katagal ang community service mo.


I mean expected ko na may dress code talaga sila especially catholic school. Strict talaga kaya inaasahan ko na talagang may violation pagdating dito.


2 hours lang naman ang tinagal ng orientation kaya after nun, kaniya-kaniyang naghiwalay yung mga studyante at sumunod sa mga adviser nila. Parang terror nga yung napunta sa amin eh. May ka-edaran na pero yung aura niya pang maldita.


Judger na kung judger pero kinakabahan kasi ako. Mabuti na nga lang at may kakilala ako na classmate ko rin. Hindi naman kami close pero schoolmate ko siya sa previous school.


We're aware of each other's existence pero kahit isang beses ay hindi kami nagpapansinan noon. Siguro ngayon ang first dahil magkaklase na kami.


Friendly naman yung iba kong mga classmates kaya pag ngumiti sila sa akin, ngumingiti rin ako. Nag introduce na yung adviser namin at nalaman kong filipino subject pala yung tinuturo niya sa amin.


Until Summer ComesWhere stories live. Discover now