Chapter 7

2 0 0
                                    

Panibagong araw na naman. Ang bilis talaga ng panahon. Mukhang kahapon lang yung 1st day of school. Tapos ngayon, malapit nang matapos yung month of June.


Sa mga nag daang oras, ang dami na ding nangyari. Mas naging close kami ni Catherine at naging friend ko na rin yung class President namin. Nakasama ko na rin yung ibang mga classmates ko at nag-uusap naman kami at walang awkwardness.


May mga oras na hindi kami sabay apat mag recess dahil minsan tinetake-up yung recess time namin sa mga pending school works kaya hindi kami bumababa sa cafeteria.


Nagpapadala na lang kami sa mga kaklase naming pupunta dun. Pero pag-uwian, sabay kaming apat. Wala na kaming lunch break dahil hanggang 2:00 PM lang yung dismissal namin.


Maaga dahil may mga grade 12 students na gagamitin ang mga room namin for their night class. Kulang sa classrooms yung Lacroste University kaya need talaga ng adjustments.


So far, hindi pa naman stressing yung grade 11 dahil siguro 1st month pa lang. Nahihiya pa siguro yung mga teachers na bumigay ng sandamakmak na gawain.


Nalaman ko na pala yung name ng crush ko. Oo crush na dahil after nung Acquaintance Party, pagdating ng Monday, hinanap ko talaga siya during Flag Ceremony.


Hindi naman magkalayo ang linya ng mga ABM students sa STEM kaya nakita ko talaga siya. Sinuot ko nga yung eyeglass ko para mas makita ko siya lalo na pag malayo ako.


Nasabihan ko na rin silang tatlo tungkol kay Loize Eduard at todo support naman sila sa akin. Grabe mas lalo ko pa nga ata siyang naging crush ng malamang matalino siya at friendly.


Nung isang araw kasi nagkasalubong kami sa hallway kasama ko si Catherine at nginitian niya kaming dalawa. Hindi ko napigilan yung sarili kong kiligin kaya ayun, nalaman na rin ni Catherine. Tapos kinuwento pa kay Lewis yung class President namin.


Ang sabi ni Lewis, may kakilala raw siyang taga STEM na friend ni Eduard kaya sabi niya ipapakilala raw niya ako. Pero tinanggihan ko dahil wala naman akong balak na magpakilala sa kaniya.


Sabi ko kasi happy crush lang siya at wala akong balak na magka boyfriend dahil sapat na sa akin yung stress na dinadala ko sa pag-aaral. I really don't want distractions right now kaya, pass muna.


Though may mga schoolmates akong inaaproach ako pero tinatanggihan ko sila sa mabait na paraan. I don't want to seem arrogant baka sabihan pa nila akong malaki ang ulo.


Though meron na ngang nagsabi sa akin niyan, more like sa aming dalawa ni Hannah. It was during grade 7, dahil part kami ng SSG or Supreme Student Government. Kaming dalawa ni Hannah ang nanalo bilang grade 7 representative kasama yung dalawa sa section 1.


It wasn't a big deal kung iisipin kong ngayon na mas mature na ako. Nakasama kasi kami ni Hannah sa dance group competition and kasama namin yung guy na nagsabi sa aming malaki ang ulo namin dahil naging representative kami ng grade namin.


Sinabihan lang naman siya ni Hannah na umattend ng practice namin sa sayaw dahil nahihirapan na yung leader namin sa kaniya. Bigla ba namang sabihan si Hannah na malaki yung ulo kaya ayun, umiyak si Hannah.


Hindi rin kasi kami tinantanan ng schoolmate namin dahil pati sa Facebook nag status ba naman at tinag kaming dalawa ni Hannah. Kaya ayun automatic na nakita ni mommy Marivic na nasa Australia at nag comment pa nga siya.


Hindi na lang namin pinansin ni Hannah at pinabayaan siya dahil hindi naman totoo. Ginagawa lang namin yung duty namin bilang part ng SSG. Isa pa gusto rin namin yung ginagawa namin at hindi naman kami nagmamayabang.


Until Summer ComesWhere stories live. Discover now