Chapter 6

1 0 0
                                    

"Sha? Kanina ka pa diyan?" Lumingon ako sa tumawag sa akin at si Lorraine pala medyo nagulat ako ah.

"Kararating ko lang. Tapos na Acquaintance Party niyo?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo palabas na rin sina Khriza at Hannah. May lakad ka ba ngayon?" Tanong niya rin sa akin kaya umiling ako.

"Bakit? May pupuntahan ba tayo?" Excited na tanong ko sa kaniya.

"Well, since maaga pa naman at may mga natirang foods pa tayo, napag-isipan namin na pumunta sa Lagoon para mag picnic." Sagot ni Lorraine sa akin.

"Sure!" Todo-ngiti kong sabi.

"Ang saya mo yata ngayon ah?" Tugon niya na.

"Aba'y oo naman! Dalawang games yung napanalunan ko kanina." Sagot ko sa kaniya nang di nawawala yung ngiti sa labi ko.

"Nag games kayo? Sana all." Gulat na tanong ni Lorraine sa akin at napabuntong-hininga siya.

"Kayo? Wala ba?" Tanong ko ulit sa kaniya.

"Wala eh. Nag salo-salo lang kami tapos kaniya-kaniya nang trip." Nanghihinayang na sabi niya.

"Eh? Ang boring naman pala nun. Sige lang babawi tayo mamaya sa Lagoon." Sabi ko sa kaniya at hinintay sina Khriza at Hannah na lumabas.

Hindi naman kalayuan ang Lagoon mula sa Lacroste kaya nilakad na lang namin. May mga dala rin naman kaming mga payong kaya hindi na problema yung sikat ng araw. Mahangin nga ngayon eh.

Medyo marami na rin ang tao sa Lagoon kaya nag hanap kami ng pwesto na hindi mainit at medyo may kalayuan sa mga tao. Uupo na sana ako sa damuhan, nang mag labas ng tela si Khriza at inilapag yun sa damuhan.

Naks! Girl Scout pala siya. Naupo na kami sa tela at inilabas ang mga natirang pagkain kanina. Wala kaming drinks kaya nag-offer si Khriza at Lorraine na bibili sila ng drinks sa loob ng 7-eleven.

Nasa tapat lang yun ng Lagoon kaya hindi na sila mahihirapan sa paglalakad. Naiwan kami ni Hannah para mag bantay at pareho ata kaming tinatamad na umalis.

Hindi nagtagal, nakabalik na rin sina Lorraine at Khriza. We said our graces at nag picture taking muna bago nagsimulang kumain.

"Saturday na bukas tapos Sunday then start na ng klase sa Monday." Wika ni Hannah sa malungkot na tono.

"Oo nga ang bilis lang ng 1 week eh." Pag sang-ayon ko kay Hannah.

"Same here! Ang hirap pa naman ng ilang mga subjects lalo na yung mga majors natin. Tapos yung math? Shut up na lang ako." Reklamo ni Khriza sa amin kaya napatawa kami.

"Sabi ni ate Kiara lalong mas mahirap daw yung math natin. Diba ABM siya? Kaya good luck talaga sa atin. Tapos yung science? Good luck na rin sa mga STEM students." Pagbibigay impormasyon sa amin ni Lorraine.

"Sha? Okay ka lang ba? Natulala ka ata? Kinakabahan ka na ba?" Nag-aalalang tanong ni Khriza sa akin.

"H-huh? Ah oo! Okay lang ako." Sabi ko at nakatanggap ako ng malokong ngiti kay Hannah.

"Oo okay lang yan. Kakayanin daw niya yung math tapos good luck na rin sa mga STEM students diba?" Pang-aasar ni Hannah sa akin at diniin yung word na STEM.

Until Summer ComesUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum