26. Care.

25 2 0
                                    

"Kumusta na sya?"- tanong ni Scott sa private at family doctor ng mga Dela Vega. Nung nahimatay si Skyler ay nagmamadali nya agad etong binuhat at dinala sa condo nya.

Hindi na naisip ni Scott na dalhin si Skyler sa hospital o clinic ng campus. Basta nag desisyon syang dalhin si Skyler sa condo nya.

Pinapunta ni Scott ang private doctor na si Doctor Chad Rodriguez. Matagal na etong Family Doctor nila kaya naman si Doc.Chad ang naisip ni Scott na tawagan para tulungan si Skyler.

"Kailangan nya mag pahinga Mr. Dela Vega. Nakita ko rin na kulang sa tulog etong kaibigan mo at kulang din sa kain."- seryosong sagot ni Doc. Chad kay Scott. Napatingin naman si Scott sa mahimbing na natutulog na Skyler.

Kaya pala ang gaan ni Skyler nung binuhat eto ni Scott yun pala ay kulang eto sa kain. Masyado atang busy si Skyler sa mga ginagawa nito kaya pati pagkain at pagtulog ay hindi na nito magawa.

"Sino ba etong kaibigan mo Mr.Dela Vega? At mukhang mahalaga etong binata na to saiyo? Ngayon ko lang kasi eto nakita."- nabaling ang tingin ni Scott kay Doc. Chad.

"Wag ng maraming tanong Doc. Chad. Gawin mo na lang ang trabaho mo."- irap na sagot ni Scott sa Doctor. Nanahimik na lang tuloy si Doctor Chad sa tabi.

"Uhm... Sige, Aalis na muna ko Mr.Dela Vega. Pakainin mo agad ng lugaw o mainit na sabaw etong kaibigan mo pag nagising. Nilagay ko na rin sa bed side table yung kailangan nyang inumin na mga gamot. Ipaubos mo din yung dextrose." - bilin ni Doctor Chad at tumayo na ito saka inayos muna nito yung mga gamit na pang check up sa mga pasyente.

"May tanong lang ako Doc."- napatigil si Doc. Chad sa pag aayos ng gamit nito nung nag salita ulit si Scott.

"Ano yun Mr. Dela Vega?" - tanong ni Doc. Chad at tumayo ito ng maayos.

"Tumatanggap din ba kayo ng DNA testing?"- seryosong tanong ni Scott. Hindi tinago ni Doc.Chad ang pagkagulat dahil sa narinig nyang tanong ni Scott.

"DNA testing? Sino ang ipapa-DNA mo?"-kunot noong balik na tanong ni Doc.Chad. Nagawi naman ulit ang tingin ni Scott sa tulog na tulog na Skyler.

Kaya pati si Doc. Chad ay napatingin sa gawi ni Skyler. Bigla naman may sumulpot na idea sa utak ni Doctor Chad.

Ipapa-DNA test ni Scott ang kaibigan nito?

At bakit?

Kaano-ano ba eto ni Scott?

Tanong ni Doctor. Chad sakanyang isipan.

"Ah... Nevermind. I'm just asking. I'm curious lang kasi kung sayo nagpa DNA test si Grandma. Kinuhaan nya kasi ako ng DNA na hindi ko alam."- nawala ang pagkakunot ng noo ni Doc.Chad sa sunod na sinagot ni Scott.

"Huh? Wait lang Mr.Dela Vega. Wala akong alam sa sinasabi mo. Hindi ako inutusan ni Donya Stephina na i-DNA test ka."- sa totoo nyan ay wala talagang alam si Doctor.Chad sa DNA test na sinasabi ni Scott sakanya.

Dalawang buwan na ngang hindi nakakabisita si Doctor Chad sa bahay ng mga Dela Vega. Kaya naman nagulat ito sa nasagap na balita mula kay Scott.

Hula naman ni Scott na wala talagang alam ang family doctor nila tungkol sa pina-DNA sya ng kanyang Grandma.

"I see. Sige, you may go. Tatawag na lang ako sayo Doc. kapag kailangan ko ulit ng help mo."- paalam ni Scott kay Doctor Chad.

Hindi naman na nakapag salita si Doctor Chad at wala na itong nagawa kundi tuluyan na nitong iligpit ang mga gamit. At umalis na sa condo ni Scott.

Pagkaalis ni Doctor Chad sa condo ni Scott ay napaupo na lang si Scott sa may sofa katapat nung kama.

Tinignan ni Scott si Skyler na mahimbing parin etong natutulog sa kama nya habang may dextrose pang inuubos na nakasasak sa kanang kamay ni Skyler.

Marry Me, Skyler Perez [BL | Tagalog] HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon