Fight Back II

23.4K 915 77
                                    

First day of school na kaya kinakabahan ako dahil sa nalaman ko about kay Cyrax. He's not an ordinary student kasi....

Flasback...

" Kuya Ren, sino ba yung nakaaway mo nung nakaraan? " tanong ng labing-anim na taong gulang na kapatid kong lalaki este gay rin pala sya.

Dalawa lang kaming magkapatid at binabae pa pero tanggap kami ng magulang namin. Proud pa nga sila sa amin at ipinagmamalaki pa.

" Ah Cyrax ang pangalan nya. Hindi ko sya naman kilala pero bagay lang sa kanya ang ginawa ko. Diba bunso? " sabi ko habang naglalagay ng cutics sa kuko.

" Lagot ka Kuya Ren. Mali ang kinalaban mo " napatingin ako sa kapatid ko kaya lumapit ako sa kanya.

Tumingin ako sa monitor ng computer ng makita ko ang mukha ni Cyrax na nakasuit. Bagay na bagay sa kanya ang suot nya at 'yung kulay ng suot nya nirerepresent ang ugali nya--- itim!

" Basahin mo Kuya ang impormasyon nya " sabi ni Terrence.

Name: Cyrax Villarubia
Age: 21
Place: Villarubia Subdivision.

" Wow sa Villarubia sya nakatira. Diba puro mayayaman ang nakatira doon " mangha kong sabi.

" Tanga ka Kuya Ren. Sila ang may-ari ng lahat ng Villarubia Properties and Corporation. Lahat ng may kinalaman sa Villarubia ay may konesksyon sya " di ako makapaniwala sa sinabi ni Terrence.

Mother: Aletha Claudio- Villarubia
Father: Rigo Acuna- Villarubia
Siblings: Draxen Villarubia ( 25 )
Trixie Villarubia-Permejo ( 23 )
Xian Villarubia ( 17 )

Shems! Galing sya sa mayayamang pamilya. Take note Claudio, Acuna at Villarubia ang dugo nya. Shemay talaga! Tapos ang ate nya, Permejo pa!

Kung apelyido pa lang ang labanan, wala na ako. Talong-talo na ako sa kanya.

Other info.
He secretly have his own gang.
He is a mysterious guy in their family because he never seen in any interviews on television or news.
He is a silent type guy but dangerously one
He is famous in their own University.

Marami pa akong nabasa tungkol sa kanya. Langya! Kulang na lang maghiwalay ang panga ko sa sobrang di makapaniwala.

" WAAAHHHH!!! BAKA PATALSIKIN NYA AKO SA UNIVERSITY! " habang nagwawala sa ibabaw ng kama ko.

" Lagot ka talaga Kuya Ren. Maghahanda na ako ng pampalibing mo baka kasi isang araw makita ka na namin na lumulutang sa ilog " pananakot pa ni Terrence kaya sinamaan ko sya ng tingin.

Napatingin na lang ako sa kisame at natulala. Ano na gagawin ko?!

EndOfFlashback..

Kaya kagabi napuyat ako kakaisip kung ano pwedeng mangyari sa akin dito sa school. Baka nga hindi na ako makalabas ng buhay dito. Shems talaga.

" Ate, Ate " may kumalabit sa akin kaya napatingin ako doon.

Wag na kayong magtaka kung bakit ate ang tawag sa akin. Mukha nga diba akong babae at idagdag pa na may bangs ako at nakapusod ang hindi kahabaan kong buhok at nakablonde ako kaya mukha daw akong koreana.

Nga pala hindi ko kasama ngayon si Thea dahil next week pa pala sya papasok. Talagang gaga sya at hindi sinabi agad para di na rin ako pumasok.

" Saan po ba gaganapin ang program ng mga first year? " tanong nung babae.

I Can Fight Him Back (BoyXBoy)Where stories live. Discover now