Fight VI [ 2 ]

18.3K 681 21
                                    

Kasunod pa rin ako ni Kumag patungo sa kwarto nya. Napapaisip pa rin ako kung totoo ba na okay lang na halikan ko sya. I mean ang isang gay na katulad ko ay papayagan nyang halikan sya. Ano kaya ang masamang plano nya?

Nasa harap na kami ng kwarto nya. Bago buksan ni Kumag ang pinto ay ngumisi pa ito sa akin saka pumasok. Bigla naman akong kinabahan dahil sa kanya.

Lord kayo na po bahala kung ngayong araw na ito mawawala ang pagkabirhen ko. Ang OA ko. Kiss lang tas mawawala ang pagkabirhen.

Dahan dahan akong pumasok pero nagulat ako ng hilahin ako ni Cyrax papaloob. Sinara nya kaagad ang pinto saka ako sinandal sa likod nito. Nakatitig lang sya sa akin na para bang nang-aakit. Pakitake note na nakatopless na sya. Shems! Hindi ako handa. Chos!

" Di...ba nagbi..biro ka..ka lang " nauutal kong sabi.

" Paano kung hindi " seduce nitong sabi saka mas lalong inilapit ang mukha nya.

" Jo..ker ka. Ha.ha.ha " mukhang ewan ang tawa ko. Kinakabahan talaga ako sa Cyrax na nakikita ko.

" Sige pwede ka ng mali--- " hindi nya pinatapos ang sasabihin ko ng halikan nya nga ako.

Napakurap- kurap na lang ako dahil ang isang Cyrax ang unang humalik na naman sa akin. Di ko napigilan ang tumugon kaagad sa ginawa nya. Naramdaman ko ang pagpihit nya ng bewang ko upang mapalapit sa kanya. Naramdaman ko rin ang isang kamay nyang kinuha ang isa kong kamay at ipinatong sa abs nya. Nakaramdam kaagad ako ng pamumula dahil sa ginawa nya pero nag-enjoy ako sa paghawak nito. Tigas!

Sobrang init na ng pakiramdam ko. Kahit nauubusan na ako ng hangin 'di ko magawang humiwalay dahil ang wild ni Cyrax sa usapang halikan.

" Cy..rax " layo ko sa kanya pero hinahabol nya ang labi ko. Bigla na lang nya akong dinala sa banyo nya ng hindi humihiwalay ang mga labi namin.

Isinandal nya ako kaagad sa pader at naramdaman ko na lang ang pagtulo ng shower. May kalamigan yung tubig pero mas nararamdaman ko ang init ng katawan ni Cyrax. Wahhh! Ano ng nangyayari sa akin?

Ilang sandali lang ay naghiwalay na kami. Pinatong ni Cyrax ang noo nya sa akin at ramdam ko ang paghahabol ng hininga nya na ganon rin naman ako.

" Paano ba 'yan nakaganti na ako. " sabi nya.

Bigla na lang akong nakaramdam ng hiya kaya tinakpan ko ang mukha ko. Basta kakaiba yung feeling ko na gusto ko syang halikan na ayaw ko.

" Oh bakit ka nagtakip ng mukha? " narinig ko pang tanong nya.

" Eh kasi nahihiya ako sa'yo. Wala naman tayong relasyon pero pumapayag akong halikan mo ako saka parang ewan. Hindi ko alam " sabi ko habang nakatakip pa rin ang mukha ko.

Naramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko at tinanggal ito sa mukha ko. Hinawakan nya ang baba ko at itinaas nya para makita ko sya.

" De simula ngayon boyfriend mo na ako " sabi nito sa akin na ikinanganga ko.

Seryoso ba sya?

" Kung tatanungin mo ako kung seryoso ako, oo seryoso ako " seryoso nyang sagot.

Si Cyrax ba talaga ang kaharap ko o kaya may kakambal sya na kaharap ko ngayon.

" Bakit? " 'yan na lang ang naitanong ko sa sobrang raming gusto kong itanong sa kanya.

" Dapat ba may dahilan? Sa gusto kong maging boyfriend ka. May magagawa ka ba? "

Umiling ako bilang sagot. Bakit parang nadisppoint ako sa sagot nya? Hindi ba pwedeng isagot nya yung mga nababasa ko na unti-unti na pala syang nahuhulog sa akin ng hindi nya alam o kaya una palang kitang nakita may gusto na ako sa'yo at eto lang ang tanging paraan para makasama ka. Wala bang mga ganung effect.

I Can Fight Him Back (BoyXBoy)Where stories live. Discover now