Fight XXIV

14.1K 523 36
                                    

REN POV

Nakarating kami dito sa La Union ng alas dose pero agad namang umalis si Cyrax pagkaraan kumain. Nagmamadali kasi syang umalis dahil may gagawin sya sa kompanya ng Dad nya, sabi nya. Pinag-uwi na lang sya nila Mama ng daing dahil masarap ang daing daw dito sa La Union. Feel naman na kakain ng ganon ang mayayaman.

" Ren musta na pag-aaral mo? Hindi ka ba pasaway kay Cyrax? " tanong ni Mama sa akin.

" Mama, hindi ba pwedeng tanong mo sa akin, Hindi ka ba kinakawawa ni Cyrax? Mukhang ako ba ang nang-aapi " reklamo ko kay Mama. Ang bait-bait ko kaya diba? Ang kokontra babatukan ko.

" Hindi rin Kuya Ren " epal ni Terence. " Mukhang prinsesang-prinsesa ka sa lagay nyong dalawa ni Kuya Cyrax " nangingiti pa si Terence.

" Ewan ko sa inyo pinagkakaisahan nyo ako. Ipasyal mo na nga lang ako dito sa bagong lugar natin. Mukhang mababait ang mga tao dito " sabi ko sa kanila.

Sinamahan ako ni Terence para maglibot malapit sa bahay. Tahimik ang lugar, malinis, mapayapa tsaka walang kausok-usok ang simoy ng hangin. Ang sarap mamahinga sa lugar na ganito.

" Terence! Terence! " napatingin ako sa tumatawag sa kapatid ko.

Hinila ako bigla ni Terence papalapit sa bilihin ng mga kakanin. Duon ko lang napansin na may naglalaro pala ng basketball.

" Uy Franco. Problemo mo kung makatawag ka sa pangalan ko. Namiss mo ako " pagbibiro ni Terence kaya natawa silang dalawa.

Samantalang ako wala lang. Meron na rin palang nakasundo si Terence ng gantong kabilis. Mabuti naman dahil hindi na ako mag-aalala na binubully o nag-iisa lang sya.

" Sino 'yang kasama mo? Ate mo? Pakilala mo naman ako " rinig kong bulong ni Franco sa kanya.

" Franco, sya ang kapatid na sinasabi ko. Si Kuya Ren. Kuya Ren sya naman ang una kong naging kaibigan dito " pakilala ni Terence sa amin na halatang gulat sa sinabi nya.

" Ku...kuya? " hindi makapaniwalang sabi ni Franco. " KUYA?! AS IN KUYA NA LALAKI?! " sigaw ni Franco. Hindi Kuyang babae.

" May problema kung Kuya nya ako " tanong ko.

Umiling lang sya kaya hindi ko na sya pinansin. Tumingin na lang ako sa mga naglalaro.

~

Dumating ang sabado kaya ngayong araw ay uuwi na ako. Hinihintay ko na lang si Cyrax na sunduin ako. Naging masaya ang pananatili ko dito sa bagong lugar namin. Mababait lahat ng tao. Siguro ganito talaga kapag nasa probinsya.

" Anak, anong oras ka ba susunduin ni Cyrax? " tanong ni Mama.

" Sabi po nya kasi bago maggabi. Tinatawagan ko po sya pero patay po phone nya " sagot ko kay Mom.

Kinakabahan na nga ako dito pero ayaw kong mag-isip ng kung ano-ano. Syempre malayo ang La Union sa city kaya baka natraffic sya. Oo tama natraffic lang sya.

Dumating ang alas sais pero wala pa rin si Cyrax kaya napagpasyahan ko ng magpahatid kila Mama sa bus station. Kinukulit na kasi ako ni Mama na umuwi dahil baka hindi ko daw maabutan yung huling byahe ng bus Mabuti na lamang naabutan

" Ingat ka anak sa byahe. Tawagin mo kami kapag nakauwi ka na. Kami na bahala kay Cyrax kung magkasalisi man kayo " paalam sa akin ni Mama.

" Opo Mama. Kayo rin po mag-ingat. Pakisabi na lang po kay Papa na wag masyadong magtatrabaho ng sobra sa oras. I love you Mama " hinalikan ko na sya sa pisngi.

Sumakay na ako ng bus. Tiningnan ko sa bintana si Mama saka ako kumaway. Sumandal naman ako sa upuan ko saka huminga ng malalim. Umalis na kaagad ang bus kahit hindi pa ito puno. Ano kaya nangyari kay Cyrax? Sana hindi sya mapahamak.

I Can Fight Him Back (BoyXBoy)Where stories live. Discover now