Fight XV

11.8K 469 16
                                    

REN POV

Ilang araw rin ang lumipas magmula ng mawalan kami ng business. Nakikita ko ang pagpupursigido ni Papa para maghanap ng trabaho pero ni isa wala pang tumatawag sa kanya sa mga ina-applyan nya. Kahit si Mama ay ganoon rin kaya yung budget namin sa pang-araw araw ay todo higpit na.

Yung utang naman namin sa bangko ay sinisingil na kami. Binigyan naman kami ng isang buwan na mapalugit para magbayad dahil kung hindi, kukunin nila lahat ng ari-arian namin which is yung bahay namin. Minsan nga nakita ko si Mama na umiiyak ng mag-isa. Gusto ko syang yakapin pero alam kong gusto nyang mapag-isa.

Tok. Tok

" Kuya Ren papasok na ako " pumasok naman bigla si Terrence.

Umupo sya sa gilid ng kama ko. Napansin ko naman na parang hindi sya mapakali at may gusto syang sabihin.

" Sabihin mo na "

" Kasi Kuya Ren...Hmmm.. Pwede bang humingi...ka ng tulong kay Kuya Cyrax kahit papasukin lang si Papa sa company nila " biglang sabi ni Terrence.

" Naisip ko na 'yan bunso pero hindi ko sya mahanap. Pero hihingi talaga ako ng tulong sa kan---Ah! Alam ko na kung nasan sya " napabangon ako kaagad sa kama ko.

" Nag-away ba kayo Kuya? "

" Konting tampuhan lang. Sige una na ako " paalam ko sa kanya saka nagmadaling lumabas.

Isa na lang ang hindi ko napupuntahang lugar, sa may under ground battle. Kaya agad akong tumungo doon. Hinanap ko kaagad 'yung pinaglabanan ko dati at pumasok doon. Nagtungo kaagad sa second floor which is saan kami pumwesto ni Cyrax noon.

" Hello sa inyo. Nakita nyo si Cyrax? " tanong ko sa dating lalaking may hawak na baril

" Oh naalala kita. Diba ikaw si Ren, right? " tumango ako bilang sagot.

" Si Cyrax ba kamo? Nasa may lugar nya sya. Dyan sa paglabas mo 'tas kakaliwa ka may makikita kang magandang pinto. Yun na 'yon " sagot nya kaya agad akong tumakbo patungo doon.

Nasa harap na ako ng pinto ng may marinig akong ungol na parang may ginagawang himala. Kaya dahan-dahan kong binuksan. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Si Cyrax at Tracy magkahalikan. Wala ng pang-itaas si Cyrax samantalang si Tracy, nakabra't panty na lang. Paanong nagawa ni Cyrax sa akin ito?

" Oh my Gosh " gulat na sabi ni Tracy.

Napatakip si Tracy ng kumot sa katawan nya at halatang nahiya kaya agad akong tumalikod saka lumabas.

Pinilit kong hindi umiyak hanggang sa makalabas ng building. Naghintay ako saglit baka sakaling habulin nya ako at ipaliwanag ang nangyari pero wala, walang Cyrax na humabol sa akin at nagpaliwanag. Tinuloy nila kaya?

Umuwi na lang ako sa bahay saka dumiretso sa kwarto at doon bumuhos lahat ng luha ko. Ang sakit sa puso ng makita ko iyon. Kami pa naman diba? Hindi naman kami nagbreak kasi akala ko maliit na tampuhan 'yon at kaya pang solusyunan pero nagkamali ako.

Sa tingin ko, simula ng hindi na sya nagparamdam sa akin si Tracy na ang palagi nyang kasama at yung nakita ko, lagi nilang ginagawa iyon.

Hindi ko naman pinagdudahan ang pagmamahal ni Cyrax kasi alam kong totoo lahat ng ginagawa nya sa akin pero sobra akong nasaktan sa nakita ko. Nawala yung pagtingin ko sa kanya kung hindi puro kadirihan ang naisip ko sa kanilang dalawa ni Tracy. Gusto kong magalit sa kanya pero hindi ko kaya, mahal ko sya higit pa sa pagmamahal ko kay Jae noon. Nasasaktan ako sobra. Sobra!

~

Kinabukasan hindi muna ako pumasok kasi hindi pa ako handang makita sya sakali. Saka gusto ko munang magpahinga dahil sa nangyari ng isang araw lang. Medyo nakakapagod na.

Bumaba na lang ako sa kwarto para mananghalian ng marinig ko ang usapan nila Mama at Papa sa may kusina.

" Paano na 'yung budget natin sa pag-aaral ng mga anak natin? Hindi sila pwedeng huminto sa pag-aaral " narinig kong iyak ni Mama.

" Gagawa ako ng paraan. Baka ibenta ko na lang yung mga alahas natin para may ipangbayad sila sa natitirang bayarin sa tuition fee nila. " problemadong sabi ni Papa.

Napataas naman ako sa kwarto ko at napahiga sa kama. Umiiyak na naman ako dahil sa mga naalala ko. Dapat hindi ko muna iniintindi ang sa amin ni Cyrax kasi mas importante yung sa family ko pero di ko maiwasan. Nasasaktan ako. Sobra!

Ring. Ring. Ring.
Thea Calling...

" Hello.  Bakit ka napatawag? "

" Gaga ka. Bakla pumunta ka dito. Si Cyrax may kaholding hands at may kahalikan na babae. Pumunta ka na di-- " pinutol ko na ang sasabihin ko.

" Break na kami. Girlfriend nya 'yan, si Tracy Collin " agad kong sabi kaya natahimik sa kabilang linya.

" Sige baba na ako kasi kakain pa ako..bye " sabay end ko

Ganon lang ba ako kadaling palitan? Magmumukha pa tuloy akong kawawa sa iba at sure akong nagsasaya na sila kasi hindi bakla nakatuluyan ni Cyrax. Ngunit kahit papaano natutuwa pa rin ako kahit one percent lang. Kasi sigurado akong maibibigay ni Tracy ang lahat ng gusto ni Cyrax pagdating ng panahon. Ang masayang pamilya na may sariling anak na sa kanila mismo nanggaling.

~

Dalawang araw rin akong di pumasok dahil kahapon naghanap pa ako ng trabaho para makatulong kila Mama at Papa. Ayaw nga nilang pumayag pero kinulit ko sila para naman kahit sa gastusin sa paaralan na mga binibili namin ay hindi na kami manghingi sa kanila  kaya pumayag rin sila.

Pagpasok ko sa loob ng University ay agad kong napansin ang kakaibang tingin ng mga estudyanteng nadadaanan ko at ang bulungan nila. I know naman na tungkol iyon sa aming dalawa ni Cyrax pero hindi ko na lang sila pinansin at dire-diretso sa paglalakad.

" Reeennn! " salubong sa akin ni Thea ng makapasok ako sa room.

Umupo na ako sa desk ko. Ayaw kong ipahalata na naapektuhan ako sa mga nasa paligid ko kaya light ang presence ko.

" Tsk. Bakit ganyan ka makatingin? Siguro inlove ka na sa akin " biro ko kay Thea.

" Wala na ba talaga kayo ni Cyrax? "

" Wala na. Hindi na nya ako mahal bakit ko pa pagsisiksikan ang sarili ko. Tingnan mo nga tingin nila, parang ang saya nila sa nalaman nila. Saka 'wag na natin syang pag-usapan kasi ayaw ko ng umiyak dahil sa kanya. Wala ng Cyrax okay? " sabay ngiti ko.

Bumuntong hininga naman sya sa bago sumagot. Umayos rin naman kami ng upo ng dumating na 'yung prof namin.

~

" Sure ka bang di ka kakain? " tanong ni Thea ng lunch break namin

" Hindi na. Isang subject na lang naman at isang oras lang naman iyon. Sa bahay na lang ako kakain "

" Sige bahala ka. Kain lang ako " paalam nya sa akin saka lumabas ng room.

Naiwan naman ako dito mag-isa sa room habang nakatingin sa labas ng bintana. Dalawa lang ang dahilan kung bakit ayaw kong lumabas. Una, nagtitipid ako. Pangalawa, yung mga tingin nila sa akin. Ayaw ko munang idagdag ang problema sa amin ni Cyrax dahil kailangan ko munang pagtuunan ng pansin ang problema ng pamilya namin.

Nang nag-uwian na, hindi muna ako dumiretso sa bahay. Tumungo muna ako sa restaurant na pagtatrabahuhan ko. Ang sched ko kasi tuwing six ng gabi hanggang eleven then may isa pa akong trabaho which is eleven : thirty to two thirty ng hatinggabi. Sa tingin ko naman kaya ng katawan ko iyon. I hope.

" Good afternoon Ren " bati ni Ian.

" Good afternoon rin " nakangiti kong bati.

Nagsimula na akong magtrabaho. Tagakuha ako ng order at tagalinis ng table yun lang naman.

Pagkatapos kong magtrabaho sa restaurant, sa mini stop ako dumiretso kung saan ako ang cashier. Tinuro naman sa akin kung papaano kaya hindi na ako nahihirapan. May kasama naman ako ditong isang lalaki, si Gio at babae, si Min.

Simula ngayong araw ganyan na ang magiging buhay ko. Puro aral at trabaho na lang muna dahil lovelife ko wala na. Bigo na naman ako at nasaktan. Ang malas ko pagdating sa buhay pag-ibig.


junjouHeart

I Can Fight Him Back (BoyXBoy)Where stories live. Discover now