Prologue: Deal

70 3 0
                                    

GEMINIAH AERIAL

Tinitigan ko ang aking repleksyon sa harap ng full-length mirror habang ikinakabit ko ang isang pares ng round shape simple gold earrings sa aking taenga.

I am wearing an off-shoulder red body con dress with the length reaching just the top of my knees. I like this dress. It made me feel sexy and beautiful as it emphasized the curves of my body.

Naka-updo hairstyle ang mahaba kong buhok. May inilagay lang akong kunti sa magkabilang gilid ng aking mukha at kinulot ang dulo n'yon. It made me look seductive yet elegant especially with my light make up. I wanted to look perfect tonight in the eyes of my boyfriend—Steven Miller.

Sinisiguro ko talagang magandang-maganda ako sa paningin niya kapag kami ang magkasama.

Steven and I will celebrate our fifth anniversary, and I am expecting… he will propose tonight.

Well, naisip ko lang naman dahil sa limang taon naming relasyon at siniselebrar ang bawat taon ay ngayon lang niya ako niyaya na mag-date kami sa isang cruise ship.

Yes. Steven asked me to celebrate our anniversary on the cruise ship. And obviously, I am so excited. First time ko rin kasing makakasakay sa isang cruise ship.

Natigilan ako nang tumunog ang phone ko na nasa loob ng aking purse. Nagmamadali ko iyong kinuha at nang makita kong si Steven ang tumatawag ay kaagad ko siyang sinagot.

"Hi, babe." masigla at nakangiting bati ko kaagad sa kaniya.

"I'm here outside in your apartment. Are you ready?" he asked on the other line.

"Yes. Okay, I'll be there in a minute," nakangiti ko pa ring sagot sa kaniya. “I love—” hindi ko na naituloy ang sasabihin nang ibinaba na niya ang phone.

Napailing na lang ako. Mabilis kong ibinalik ang phone sa loob ng purse at nagmamadali na akong lumabas.

Nakita ko naman kaagad ang sasakyan niya na naka-park sa harap ng apartment ko kaya nagmamadali na rin akong lumapit at sumakay.

Steven isn’t a gentleman’s type. Kaya hindi ko na ini-expect na pagbubuksan niya ako ng pintuan.

“How do I look?” tanong ko kaagad sa kaniya, nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng nirerentahan niyang sasakyan.

Hindi mayaman si Steven katulad ng inaakala ko noong unang nagkita kami, nang magbakasyon siya sa Pilipinas.

Una kaming nagkakakilala ni Steven sa Boracay. I was devastated back then, dahil hindi ako pumasa sa Licensure Examination for Teachers, tapos nalaman ko pa na hindi ako anak ng kinikilala kong ama.

And Steven was there to comfort me.

May boyfriend ako pero sobrang busy niya sa trabaho at wala na siyang oras sa akin.
When Steven offered me, na sumama ako sa kaniya at tutulungan niya raw akong makapagtrabaho rito sa Canada, hindi na ako nagdadalawang-isip pa at sinunggaban ko na kaagad.

“You look perfect, babe.” sagot niya sa akin.

Kita ko pa sa mga mata niya ang pinaghalong paghanga at pagnanasa.
Dumukwang siya para halikan ako pero hindi sa labi ko tumama ang mga labi niya kundi sa gilid ng aking leeg. I know he doesn’t want to ruin my lipstick.

"Fuck!" he cursed. Then he planted a hot and wet kiss on my shoulder blades. Nakagat ko na lang ang aking pang-ibabang labi. "Let's go before I'll change my mind."

Nag-init ang aking mukha sa huling sinabi niya. We’ve been five years, pero hanggang make out lang ang pinapayagan kong gawin niya sa akin.

I don’t know why, pero hindi pa ako handang ibigay sa kaniya ang buong ako. I maybe brat and rebel but I have a principle...that no sex before marriage.
At alam kong palagi na lang na nagtitimpi si Steven sa akin. Pero kung mahal naman niya ako talaga, maiintindihan niya ako.

Haunting Past(Isla Reta Series 2)Where stories live. Discover now