Chapter 3: Low-Class

10 0 0
                                    

SEBASTIAN’S eyes are the color of midnight storms—deep, enigmatic pools that hold secrets and stories. They flicker with intelligence, as if he knows things beyond the ordinary. His hair, like everything else about him, is a masterpiece—a blend of rugged masculinity and refined elegance.

There was also a hint of stubble graces in his jaw, giving him a rugged yet sophisticated appearance. Para bang kakabalik lang niya mula sa isang mapangahas na pakikipagsapalaran.

“Oh, sh*t! Brant, there’s a lot of mosquitos here.”

Napakurap ako at napilas ang tingin mula sa lalaki at nabaling doon sa babaeng biglang lumabas mula sa lagusan kung saan kami dumaan ni Amaiah kanina. Agad din na umangkla ang babae sa braso ng lalaking tinawag nitong Brant habang panay pa rin ang pagrereklamo.

Agad na nangunot ang noo ko. The woman looks familiar to me. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita—

“Oh, damn!”

Hindi ko napigil ang pagmumura nang maalala ko na kung saan ko nakita ang babae.

Hindi rin ako maaaring magkamali. It’s Kelly Tanaka! Ang babaeng ipinakila sa kaniya ni Steven na best friend nito, pero ang totoo matagal na palang may relasyon ang dalawa.

Nalaman ko lang ang kawalanghiyaan nilang dalawa nang sinugod ko si Steven sa apartment niya matapos kong makabalik mula sa cruise ship tour na iyon. Naabutan ko silang dalawa sa kuwarto ni Steven na magkapatong at parehong walang mga saplot sa katawan.
Naningkit ang mga mata ko sa galit na biglang umahon sa dibdib ko.

"A-Alis na tayo, Ate..." garalgal ang boses na sabi ni Amaiah, kaya nilingon ko siya.

Nakita ko agad ang sakit sa mga mata ng kapatid ko habang nakatingin kay Kelly at sa lalaking yakap-yakap ng higad.

Mas lalo pang nagsalubong ang mga kilay ko habang nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kapatid at sa dalawang taong tinitingnan niya.

Napamura ako nang may mapagtanto.

"Iyan ba ang asawa mo?" tanong ko kay Amaiah para kumpirmahin ang hinala ko.
Hindi ito sumagot at hinawakan lang niya ako sa braso.

"Tara na lang, Ate..." naiiyak na sabi niya.

“Sagutin mo ako, Amaiah. Iyan bang lalaking ‘yan ang asawa mo?” muling tanong ko sa kaniya.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi, siguro para pigilan na maiyak at tumango. Muli akong napamura at lalong umusok ang ilong ko sa galit.

“Ate, tayo na…” nakikiusap na sabi niya sa akin pero nagmatigas ako.

Why would I? May atraso sa akin ang babaeng haliparot na kasama ng asawa niya, kaya hindi kami aalis dito hangga't hindi ko magawa ang gusto kong gawin sa babaeng higad na ‘yan.

"Hindi." Mariing sabi ko. "Mabuti nga at narito ang higad na 'yan at nang maihulog ko siya d'yan sa talon."

Hindi ko na talaga ma-control ang galit ko.

"Ate, ano'ng gagawin mo?" kinakabahang tanong ni Amaiah sa akin. Tila ba hindi niya narinig ang huling sinabi ko.

"Wait me here, at kahit na anong mangyari, 'wag kang lalabas dito." Bilin ko sa kaniya.

"Ate, ano ba ang gagawin mo? Hayaan mo na sila. Hiwalay na rin naman kami ni Brant."

Muli akong napamura. Aalis na sana ako para sugurin ang mga ito nang muli akong hawakan ni Amaiah sa braso.

"Hindi mo sila kilala, pero bakit galit na galit—"

Umiling ako at ngumisi na ikinatigil naman niya sa pagsasalita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Haunting Past(Isla Reta Series 2)Where stories live. Discover now