Chapter 1: Blackout

23 1 0
                                    

GEMINIAH AERIAL

HINDI ako natinag habang patuloy akong hinahampas ni Nanay Lupe ng mga kamay niya. Bale-wala sa akin ang sakit ng mga hampas niya. Oo, nasasaktan ako pero alam kong kulang pa ang sakit na iyon sa lahat ng mga ginawa ko sa pamilya namin. Sa pag-iwan ko sa kanila at ngayon, uuwing may dalang problema.

"Wala kang utang na loob!" sigaw ni Nanay Lupe sa akin habang umiiyak.

Nanatili lang akong nakayoko at sobra ang pagpipigil ko na umiyak. Wala akong karapatang umiyak! Dahil totoong wala akong utang na loob!

But then, my heart hurt. Pero hindi dahil tinawag akong walang utang na loob ni Nanay. Nasasaktan ako dahil alam kong nasasaktan ko na naman sila ulit. Lalo na si Nanay Lupe na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako.

Sa aming dalawa ni Amaiah, ako ang paborito ni Nanay. Ako ang mas mahal ni Nanay. Ako ang laging una sa lahat! Mula sa atensyon at pagmamahal hanggang sa mga materyal na bagay.

Noong una, hindi ko iyon maunawaan kung bakit, hindi ko rin naman pinapansin kasi naiinggit din ako kay Amaiah dahil pakiramdam ko mas paborito siya ni Tatay kaysa sa akin. Saka ko lang naunawaan kung bakit nang malaman ko ang totoo.

Hindi ako anak ni Tatay Ernesto.

"I'm sorry, Nay," garalgal ang boses kong paghingi ng tawad.

Ngunit alam ko na hindi sapat ang salitang sorry sa lahat ng pag-aalala at pasakit na ibinigay ko kay Nanay, sa kapatid ko at kay Tatay Ernesto.

"Lumayas ka! Hindi kita matatanggap sa pamamahay ko. Wala kang karapatang tumira dito!"

Suminghap ako nang mahigpit na hinawakan ni Nanay Lupe ang braso ko at marahas na kinaladkad para palabasin sa bahay.

"Nay, sandali..." pigil ni Amaiah sa kanilang ina pero wala ring nagawa ang kapatid ko.

Binuksan ni Nanay ang pinto at itinulak ako palabas saka malakas na muling sinarado ang pinto. Kung hindi ko lang naibalanse ang katawan, malamang sumalampak na ako sa sahig dito sa may patio.

Narinig ko rin si Amaiah mula sa loob na sinubukang kausapin si Nanay na 'wag akong palayasin pero sobra talaga ang galit ng kanilang ina at hindi matanggap ang kalagayan ko.

Muling bumukas ang pinto at pinaghahagis ni Nanay ang mga damit ko rito sa labas at agad iyong nagkalat sa sahig.

'H'wag na h'wag kang tutuntong sa pamamahay na ito hangga't wala kang maipakilalang ama niyang dinadala mo! Wala kang utang na loob! Lagi niyo na lang binibigyang kahihiyan itong pamilya natin."

Nakita kong naglalabasan na ang mga kapitbahay namin sa kanilang mga bahay. Sina Aling Dolores at ang kaniyang pamilya ay nakatingin sa akin na puno ng panghuhusga ang mga mata habang ang ibang mga kapitbahay namin ay naaawa sa kalagayn ko pero walang naglakas-loob na lapitan ako.

Muli akong napatingin sa nakasaradong pintuan. Pagkatapos ay napabuntonghininga na lang ako habang nakatitig sa nagkalat kong mga damit sa sahig saka tahimik kong pinagpupulot ang mga iyon at isinilid ulit sa maleta na nakabukas na kasamang inihagis ni Nanay rito sa labas.

Napaangat ako ng tingin nang bumukas muli ang malaking pintuan ng bahay namin at lumabas si Amaiah kaya natigil ako sa pagliligpit ng mga damit ko.

"Ate Gemini..." Hilam sa luha ang kaniyang mukha. Ang isang kamay niya ay sapu-sapo ang napakalaki na niyang tiyan.

Tsked. Napakaiyakin talaga niya! Pero ang kaninang mga luhang pilit kong pinipigilan ay hindi ko na rin mapigilan pa at napaiyak na ako.

"I'm sorry, I'm so sorry..." iyak ko.

Haunting Past(Isla Reta Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon