Chapter 2: Talon

18 1 0
                                    


GEMINIAH AERIAL

I woke with a headache and the sterile white walls seemed to close in on me, and the harsh fluorescent lights flickered over my head. Nagmulat ako ng mga mata. Malabo ang paningin ko, as I tried to make sense of my surroundings.

Nakahiga ako sa maliit na kama. May manipis na puting tela na nakakumot sa kalahati kong katawan at ang isip ko ay magulo.

What had happened?

Sinapo ko ang ulo at marahang bumangon. Hinawi ko ang kumot at nakahinga nang maluwag na gano'n pa rin ang suot ko. White blouse and black summer shorts minus my stiletto. Pero nakita ko rin naman agad iyon sa ibaba ng kama.

Bababa na sana ako mula sa kama nang bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan ko. May pumasok na medyo mataba at hindi katangkarang babaeng nakasuot ng puting uniporme. Sa tingin ko ay nasa late 30's ang edad at kung hindi ako nagkakamali ay isa siyang nurse.

"Good evening, Ma'am," nakangiting bati niya sa akin nang makitang gising na ako.

"Nasaan ako?" tanong ko agad sa babaeng nurse.

"Nasa clinic po kayo ng La Cruix Hotel, Ma'am."

Kumunot ang noo ko. Nasa clinic ako ng La Cruix Hotel. Magtatanong na sana ako kung sino ang nagdala sa akin dito nang muling nagsalita ang nurse.

"Dinala po kayo rito nina Sir Sebastian at Sir Liam, Ma'am. Hinimatay po kayo nang ma-trapped kayo sa loob ng elevator kasama sila."

Saka ko lang naalala ang nangyari sa huling sinabi ng nurse. Iyong dalawang lalaking nakasabay niya sa elevator ang nagdala sa kaniya rito. At mukhang kilala ang mga iyon dito sa hotel.

Tumango ako. "Maaari na ba akong makalipat sa nirentahan kong room?"

"Yes, Ma'am." Inalalayan niya akong makatayo. "Ihahatid ko na rin kayo sa room niyo, Ma'am."

Tumango ako at hindi na umangal. Kailangan ko rin ng kasama papunta roon dahil medyo nahihilo pa ako. Sa nangyari rin kanina ay natakot na rin akong mag-isa.

"Puwede ba na maghandan na lang tayo?" she requested. Nasa fifth floor ang room niya pero makakaya rin naman niya iyong akyatin gamit ang hagdan.

"Ah, nabago po pala ang room niyo, Ma'am,"

Mas lalong nangunot ang noo ko. "Ha? Binago? Bakit?"

"Tumawag po si Ma'am Ellah sa may receptionist, pinabago po ang room niyo. Nasa second floor na po kayo, VIP room."

What?!

"Wait, Ma'am Ellah? Who is she?"

"Manager po rito, Ma'am, at isa po sa mga may-ari ng La Cruix Hotel."

Awang ang bibig na napailing ako. Hindi puwede. Dalawang araw lang ako rito at kung tutuloy ako sa isang VIP room na sinasabi niya, more or less nasa halagang fifty thousand pesos ang babayaran ko. At wala akong gano'n kalaking pera.

"No, hindi puwede na sa VIP room ako. Napakamahal doon at wala akong gano'n kalaking halaga para ibayad sa dalawang araw ng pag-stay ko rito."

Napakamot ang nurse sa ulo niya. Namomroblema na rin.

"Kailangan kong kausapin ang receptionist." Ani ko at agad na lumabas ng clinic. Agad din naman akong sinundan ng nurse.

Mabuti na lang at nasa first floor lang din ang clinic at malapit lang din kung saan ang receptionist area kaya hindi na ako nahirapang makarating doon.

Agad ko ring kinompronta ang receptionist na naroon. Kung ano ang sinabi ko sa nurse ay 'yon din ang sinabi ko sa receptionist.

Tinawagan naman agad nito ang manager. Matapos nitong makausap ang manager ay muli ako nitong hinarap.

Haunting Past(Isla Reta Series 2)Where stories live. Discover now