03

704 26 6
                                    

NAKANGITI akong nag lalakad papunta sa room, sabay kaming lumabas ng music room kanina pero nag lihis kami ng daan dahil baka may makakita sa amin na magkasama kami

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

NAKANGITI akong nag lalakad papunta sa room, sabay kaming lumabas ng music room kanina pero nag lihis kami ng daan dahil baka may makakita sa amin na magkasama kami.

Edi issue 'yon! Baka sabihin na kakahiwalay lang ng dalawa tapos may ka-meet up na kaagad na iba si Russel.

Edi sira 'yon sa pangalan niya.

Tapos baka sabihin din na kaya umalis ng bansa si Karina dahil nahuli kunwari niya si Russel na nag ch-cheat. Diba?! Kaya mas magandang mag ingat kesa machismis sa mali namang sabi-sabi.

Naalala ko na naman kung paano siya umiyak sa harapan ko. Hindi ko talaga maiwasan hindi malungkot sa sitwasyon niya.

Naging magkakilala lang kami dahil sa break up nila, dapat ba ako maging thankful don? Parang hindi.

Kasi siya ngayon yung nasasaktan dahil sa pagmamahal niya kay Karina. Kaya mas gusto ko hanggang crush lang e kesa sa mag boyfriend, sakit lang sa puso ibibigay niyan sa akin.

Nakarating ako sa room kaya kaagad akong pumasok, at mukhang ang swerte ko dahil wala pang teacher sa unahan.

Pero alam kong late na ako, hindi ko naabutan ang first sub kaya etong second sub lang ang napasukan ko kaya nakahinga ako nang maluwag dahil wala pang teacher.

Pagkaupo ko ay saktong dumating ang teacher kaya naman napangiti ako dahil hindi niya ako naunahan dahil kung nauna siya, patay na naman ako.

Nagsimula nang mag discuss kaya nakinig nalang ako hanggang sa matapos ang oras na nakikinig lang ako sa itinuturo.

Tumayo na ako at lumabas na ng room dahil tapos narin ang klase kaya dumiretso ako ng cafeteria para kumain.

Nakakagutom talaga pag nag aaral ka nang mabuti, buti nalang talaga masipag ako pero may inspirasyon.

Syempre si Russel na 'yon, matik.

Nang maka-order na ako, naghanap ako nang mauupuan at syempre yun na yung sa dulo.

Umupo na ako at nagsimula nang kumain, tumingin ako sa labas dahil glass lang naman ang nakaano sa cafeteria.

Napangiti nalang ako sa scenery na napapanood ko sa labas. Kinuha ko ang baso at ininom 'yon pero muntikan na akong mabulunan nang biglang mag tilian ang mga tao sa loob.

Napatingin ako sa pintuan kung saan pumasok sina Russel at ang mga kampon niya. Halos mabingi ako sa tilian ng mga tao rito, akala mo nakakita ng artista na taga-ibang bansa e.

Umugong na naman ang mga bulungan sa paligid.

"Ang gwapo talaga nila no?"

"Sinabi mo pa!"

Shattered ChordsWhere stories live. Discover now